“Ahm, Mira, pakisabi sa lola mo, salamat, ha? Aalis na muna ako,” alanganing paalam niya sa bata bago mabilis na sumunod sa binata. Naabutan niya itong papanhik sa kuwarto kaya’t inilang hakbang lang niya ang pagitan nila at mabilis niyang naisangga ang kamay bago pa man nito naisarado ang pintuan ng kuwarto. “What!” asik nito. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pasensya na kung hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko bilang kaibigan mo para maibsan ‘yang sakit na nararamdaman mo ngayon. If there’s only one thing I know I’m good at, it’s to protect you. I just want to make sure na wala kang gagawin na ikakapanakit mo sa sarili mo--” “Cut this crap, Cass! Don’t worry, I will not do anything stupid and hurt myself. I don’t want you here in the first place, kaya please lang,

