CHAPTER 12

3016 Words

“KAHIT ano’ng mangyari, tumakbo ka lang, anak. Huwag kang lilingon. Magtago ka doon sa bahay-bahay natin, alam mo naman kung saan iyon, hindi ba?” Iyon ang mga katagang sinambit ng babae habang ang dalawa nitong kamay ay mahigpit na nakadantay sa kaniyang balikat. Tumango lang siya at tinitigan niya ang nangungusap nitong mga mata na noon ay kinukulambon na ng pigil na luha. Buong pagmamahal siya nitong niyakap at hinalikan sa noo bago siya pinalusot sa nakabukas na bintana sa banyo. Bahagya pa siyang naubo at humahapdi na rin ang kaniyang mga mata dahil sa usok na unti-unti nang pumapasok sa nakapinid na pinto ng palikuran. “Magkita tayo sa bahay-bahayan, Claire, anak. Hintayin mo ako do’n, ha? Huwag kang sasama kahit na kanino. Basta magtago ka lang,” pahabol na sambit nito bago siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD