BIGLANG natauhan si Alexander nang iwasiwas ni Cassandra ang kaliwang kamay sa tapat ng mukha niya habang ang kanan naman ay nanatiling nakahawak sa kaniya. “Lex, okay ka lang?” kunot-noong tanong nito sa kaniya bago dumistansiya para mas masipat siya nang maayos. “Why don’t you take a rest. Ako na lang diyan,” anito bago siya tinabig at pumuwesto sa harap ng lababo. Hindi pa rin siya nakahuma. Nababaliw na nga yata siya. Kung ano-ano na kasi ang naiisip niya. He just broke up with Ara and now, why the hell does he even thought of flirting with his best friend? Suicidal na ba siyang talaga para isipin na nakawan ng halik si Cassandra? That is the most ridiculous thing he could do... but... why does it feel right? Bakit sa lahat ng pagkakamaling pupuwedeng niyang magawa, bakit pakiramdam

