“READY?” nakangiting tanong ni Cassandra sa kaibigang si Alexander. Bakas sa hitsura ng binata ang labis na pagkanerbyos sa napipinto nitong proposal. Everything is well planned. Alam ni Cassandra na tanging ‘OO’ na lamang ni Ara ang kulang and Alexander’s world will be complete. Saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa at alam niyang wala nang kailangang hilingin ang dalawa kundi ang magsama habambuhay. “She’ll be here any minute, Lex," imporma niya sa binata. "Bababa na ako para hintayin siya sa hallway… good luck, Lex!" patuloy niya saka ito tinapik sa balikat. Ngunit laking gulat niya nang bigla siya nitong hilahin at saka siya niyakap nang mahigpit. Sisikmuraan na sana niya ito kung hindi siya nito naunahang magsalita. “Thank you, Cass!” anas nito na kababakasan ng sinseridad ang to

