
Broken hearted kana nga, na wala pa ang pagkavirginity ko isang iglap lang. Nagkataon pa na buntis ako ng naka one night stand kong lalaki. Kaya hindi ako nagdalawang isip na hanapin ang ama ng anak ko na walang kahirap-hirap kong ginawa. Mayaman, gwapo, at ang higit sa lahat ay lapitin ng babae. Nang puntahan ko ito sa kanyang opisina, at sabihin rito na buntis ako. Namutla ito na parang nakakita ng multo. Natawa ako sa naging reaksyon ng binata.
"Hi babe..." Sabay namin lingon sa may pinto ng opisina niya na may bumati sa kanya babae at lumapit sa binata ng dahan-dahan at sabay taas ng isang kilay sa akin. Palihim ako ngumisi ng makita ko muli ang pagkaputla ng mukha ng binata ng tumingin siya sa akin. Nandoon ang takot niya sa mga mata niya, nahulaan ko na ang ibig sabihin nun, na lalo kong ikinangisi. Lumapit ako table ng binata at naupo sa ibabaw ng bahagya ng nakatalikod sa kanya.
"Miss, pwedeng lumayo ka sa kanya." Simpleng utos ko na naka-krus ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko.
"At sino ka naman para utusan mo ako ng ganyan ah?" Mataray niyang tanong sa akin. Tumayo ako at humarap sa kanya na, naka-krus parin ang mga braso ko.
"Pwedeng pakisabi kung sino ako sa buhay mo?" Utos ko sa binata na walang imik na pinagmamasdan ako sa kanyang harapan. Napalunok pa siya bago tumingin sa babaeng katabi niya.
"A, e, she. . ." Matalim at may babalang ang akin tingin tumingin sa mga mata niya, kahit nakaka-akit tignan iyon.
"A, she is the mother of my future child, shy..." Sabi niya sa katabi niyang babae. Na medyo nagulat at umasta ng parang balewala lang.
"Magiging nanay kalang ng anak niya, ako ang kanyang girlfriend, hindi lang basta girlfriend, fiance pa..." Mayabang na saad ng babae sa akin. Na-ikina lisig ng mga mata kong tumingin sa binata at sa katabing niyang babae. Ngumisi ako muli na parang wala lang. Pero ipapakita ko ba ang pagiging lumapit kong babae? kung may humandlang sa nais kong manyari, saka-dahilan, masasaktan na naman muli ang puso ko at sa ama pa ng anak ko.
I don’t want to be cruel! but it’s necessary for my child!
