TUNOG ng cellphone ang umagaw sa aking diwang naglalakbay habang nagmamaneho papuntang Cavite. Hindi ko na hinintay pa na ma-trace nila ang lokasyon ni Sarah. Agad na rin akong umalis at isinama ko si Bañez dahil alam kong sa pamamagitan nito ay maaari kong matunton ang kinaroroonan ni Sarah, dahil puwede itong makipag-ugnayan kay Aubrey o sa mga tauhan, at 'yon ang aking gagawin upang matunton ko ang lokasyon ng aking asawa. Sinabihan ko si Bañez na ipagpatuloy ang pagpapanggap na wala pa akong alam sa buong katotohanan, nang sa gan'on ay mas madali ko na ring makuha ang iba pang ebidensya laban kay Aubrey. Hindi ako puwedeng basta basta na lang gumawa ng aksyon hangga't wala pa sa aking mga kamay ang lahat ng aking kailangan laban kay Aubrey. "Contact them right now!" Galit at mariin

