'CONTINUATION OF FLASHBACK' NAGISING ako sa isang silid na purong puti at na may mga gamit gaya ng sa hospital. Bigla akong nalinawan at naalala ang mga nangyari sa amin ni Clinton. Nagpalinga-linga ako upang maghanap nang mapagtatanungan tungkol sa kalagayan ko, ngunit wala akong nakita kahit na isang tao sa silid na ito, hanggang sa nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan na agad kong nilingon. At gan'on na lang ang matinding takot na bumalot sa aking puso at buong pagkatao nang hindi ko na nakita ang malaking umbok ng aking tiyan. Agad akong bumangon ngunit, agad rin naman akong napahiga at napatigil sa pag galaw nang mas lalong tumindi ang sakit na nagmumula roon. "Aahhhhh....' daing ko, kasabay ng mahigpit na paghawak sa sapin ng higaan na waring sa paghawak ko ro'n ay makakakuha a

