ANG PAGPASOK NG MGA BAGONG TAUHAN ●●●●●●● NAPAPITLAG ako nang biglang tumunog ang aking cellphone, dahil sa lalim na naman ng aking iniisip habang nagmamaneho. Pauwi ako ngayon sa sarili kong bahay sa bayan ng Cavite na naipundar nang walang ibang nakakaalam ng tungkol sa property kong iyon, tanging si Jayson lang, dahil si Jayson ang tumulong sa akin sa lahat-lahat. Sa naging pag-aaral ko, at sa mga negosyong pinasok ko, lahat ng mga 'yon ay hindi alam ni Clinton. Nag home schooling ako habang buntis pa lang ako no'n kay Cleah, pinagsabay ko ang pag-aaral ko sa bahay at negosyo through online ng mga beauty product, mga branded na damit at sapatos, hanggang sa nakilala ako sa larangan ng online selling kaya't pinasok ko na rin ang pagiging real estate agent, at sa loob ng isang taon, ma

