AGAD akong pumasok sa loob ng hospital nang tuluyan na akong makarating at mabilis na tinahak ang private room ni Mom, ayon na rin sa impormasyong ibinigay sa akin ng aking sekretarya na agad ko ring iniutos kanina na alamin ang sitwasyon ni Mom bago ako tuluyang makaalis mula sa aking opisina. Tumatango ang lahat ng staff ng hospital na nakakasalubong ko, malaki rin ang share ni Dad sa hospital na 'to. Ang Delgado's Hospital. Kaya't alam ng lahat ng mga employe sa hospital na 'to na isa rin ang pamilya namin sa nagmamay-ari rito. "Good morning Sir Oxford, nasa room 305 po si Mrs. Oxford at kasalukuyan pong nand'on din si Dr. Luke Delgado, kinakausap po si Mr. Oxford regarding the situation of your mother." magalang na sambit ng isang nurse na naka-base sa nursing station. Tumango lang

