"He is here." agaw ni Mark sa aking atensyon na hanggang ngayon'y nakatutok pa rin ang aking mga mata sa monitor ng mga CCTV sa bawat sulok ng malawak na training field sa loob ng Shadow Organization, ngunit hanggang sa huli ay hindi ko na nga nakita pa ang babaeng iyon. Napaisip na lang ako sa aking sarili at napatanung na baka marahil ay namamalikmata lamang ako, at maaaring nangungulila lang sa aking asawa, dahil imposible ring si Sarah ang babaeng iyon na kawangis nito ang bulto at galaw ng pangangatawan. Wala na ang aking asawa at kailanman ay hindi na babalik pa o ang makasama kong muli. I miss you so much, wife... mahal na mahal kita at kailanman'y 'di na 'yon mawawala pa. Dinala mo sa paglisan mo ang aking puso at pagmamahal. At wala na akong ibang babaeng mamahalin. Ikaw at ika

