CLINTON's POINT OF VIEW "Fifty Million!" putol ko sa pagsasalita ng emcee. "And stop this fvcking nonsense event!" Malakas at mariin kong sambit, 'tsaka ako tumayo na ikinasinghap naman ng mga taong nasa loob ng Auction Event, pagkatapos ay dire-diretso na akong lumabas ng gusaling iyon at hindi na inintindi pa ang mga bulong-bulungan ng mga taong naroon at nakasaksi sa ugaling ipinakita ko. Kanina pa ako wala sa mood nang makita ko na namang magkasama ang aking magaling na asawa at ang lalaki nitong si Ocampo. Pauwi ako ng condo nang madaan ko sa labas ng isang restaurant habang papasakay ng kotse ang dalawa. Tinangka kong sundan ang mga ito ngunit dahil sa naipit na ako ng traffic ay hindi ko na nahabol pa, kaya't nasira na ang aking mood ng oras na iyon. Dumiretso na lang ako sa con

