CHAPTER 44 Keith POV Habang namimili ako ng food para sa amin ng mga bata, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip sila. Hindi mo aakalaing two years old lang ‘yung mga ‘yon. Ang bibilis magsalita, ang kukulit pa. Si Asheriel ang madaldal, si Joheron parang maliit na version ni Mae, si Guiana sweet at clingy, at si Ashmaella—naku, ‘yan ang may attitude. Pero lahat sila, sobrang attached kay Mae. Actually, bakla ako. Oo, proud ako. Pero hindi ko maipaliwanag kung paanong unti-unti akong nahulog kay Mae. Hindi lang dahil maganda siya. Mabait. Matapang. At kahit galing siya sa isang mapait na relasyon kay Ashero, lumaban siya para sa mga anak niya. Pagkatapos kong mamili, binaybay ko agad ang pabalik sa hospital. Malapit lang naman kasi, sa may labas lang ako ng gate bumili. Habang h

