CHAPTER 9 Ashero’s POV Putangina! Nakita ko kung paano nila isinakay si Mae sa loob ng itim na van. Nakabonet siya, nakagapos ang kamay, at wala siyang laban. Mabilis akong bumaba ng sasakyan, hinahabol ko ang sasakyan nila, pero napakabilis nila. "s**t!" sigaw ko, sabay hampas sa manibela. Hindi. Hindi ko siya pwedeng hayaang mawala! Agad kong dinukot ang baril sa loob ng kotse at sumakay muli. Sinundan ko ang van, sagad ang tapak ko sa silinyador. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya naaabutan. Habang hinahabol ko sila, mabilis kong dinial ang number ni Marco. "Marco, emergency!" sigaw ko sa linya. "Ashero? Anong nangyari?" "They took her! Mae’s been kidnapped!" "What the f*ck?! Sinong kumuha sa kanya?" "Black van. Walang plate number. May dalawang sasakyang sumusunod sa

