CHAPTER 21 THIRD PERSON POV Matapos ang lahat ng nangyari, nagdesisyon si Ashero na mag-file muna ng leave sa trabaho. Hindi pa siya handang bumalik sa operating room o sa anumang ospital duties niya. Mas gusto niyang ituon ang oras niya kay Mae—sa magiging asawa niya. Kasama pa rin nila si Mae sa ospital habang tuluyang gumagaling. Kahit walang malubhang natamo, gusto niyang siguraduhin na nasa maayos itong kondisyon bago niya ito dalhin sa bahay nila. Ngayon, habang magkatabi sa kama ng ospital, nakasandal si Mae sa dibdib ni Ashero. Pareho silang tahimik, tila ninanamnam ang bawat sandali. "Ashero…" bulong ni Mae, habang hinahaplos ang kamay ng fiancé niya. "Hmm?" sagot ni Ashero, habang tinutukso siyang halikan sa noo. "Sure ka ba na okay lang na nag-file ka ng leave? Hindi ba m

