CHAPTER 22 Mae’s POV Nakahiga kami ni Ashero sa isang cabana malapit sa dalampasigan. Nakasandal ako sa dibdib niya habang pareho naming pinagmamasdan ang maaliwalas na langit. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang t***k ng puso niyang tila musika sa pandinig ko. "I can't believe this," bulong ko habang nilalaro ang diamond heart charm ng bracelet na bigay niya. "Sobrang dreamy ng lahat." "Hmm," sagot ni Ashero, hinahaplos ang buhok ko. "Pero alam mo kung ano ang pinaka-dreamy?" "Ano?" "Ito," sabay hila sa akin papunta sa kandungan niya. Napaungol ako nang mahina sa gulat, pero hindi ko na nakuhang umangal nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi, pababa sa panga, hanggang sa leeg. "Ashero," paanas kong sabi, pilit na pinipigilan ang kilig. "Hmm?" "Kailangan mo talagang

