CHAPTER 23 Third Person POV Sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay nila. Ang araw ng kanilang pangako. Sa isang pribadong isla na eksklusibong nirentahan para sa espesyal na okasyong ito, nakatayo si Ashero Guil sa isang marangyang wedding arch sa tabi ng dagat, suot ang isang mamahaling puting tuxedo na bumagay sa kanyang matikas na tindig. Habang nakatingin siya sa malawak na dagat, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang mukha. Napatingin siya sa orasan niya—ilang minuto na lang at makikita na niya ang babaeng pinakamamahal niya. "Ashero," tawag ng best man niyang si Drake Montelibano, na nakangisi habang tapik-tapik ang balikat niya. "Relax. Mukha kang mas tense pa kaysa sa mga tauhan mo sa business deals mo." Napangisi si Ashero, hindi inaa

