CHAPTER 34 Third Person POV Lumipas ang mga buwan, at unti-unting bumalik si Ashero sa trabaho bilang isang surgeon. Sa unang tingin, tila bumalik na ang normal na daloy ng kanilang buhay. Masaya si Mae na nakikita niyang nakakatulong na muli si Ashero sa mga pasyente, habang abala naman siya sa pag-aalaga sa kanilang quadruplets. Ngunit sa kabila ng ngiti at saya na ipinapakita ni Ashero sa kanyang pamilya, may itinatago siyang lihim na unti-unting kumakalat sa ospital—ang pagbabalik ng kanyang dating ugali bilang babaero. Noong una, napansin lang ni Mae na mas madalas nang late umuwi si Ashero. Palagi nitong dahilan ang overtime at emergency surgeries. Bagamat may kaunting pagdududa si Mae, pinili niyang magtiwala. "Ashero, mahal, pagod ka na yata. Gusto mo bang magpahinga muna sa b

