CHAPTER 35 Tanya’s POV Napangisi ako habang pinagmamasdan ang screen ng CCTV na palihim kong pinakabit sa loob ng mansion ni Mae at Ashero. Kitang-kita ko kung paano muling sinuyo ni Ashero si Mae, kung paano siya lumuhod sa harap nito at halos magmakaawa para lang patawarin siya. “Pathetic,” bulong ko sa sarili ko, sabay lagok ng alak sa hawak kong baso. Sa kabilang linya ng phone, naroon ang tauhan kong si Diego, ang pinakamatapat kong alagad. “Ma’am, sigurado po ba kayong gusto niyong ituloy ‘to?” I smirked. “Diego, hindi mo ba ako kilala? Once I want something, I always get it.” Alam kong mahal na mahal ni Ashero si Mae, pero ano ngayon? Hindi ba’t minsan, ang pagmamahal ay natatakpan ng tukso? At ako mismo ang gagawa ng paraan para tuluyang bumagsak ang pinagtatanggol nilang kas

