CHAPTER 36 Ashero’s POV Nakahawak ako sa manibela habang mabilis na nagmamaneho pabalik sa bahay. Nasa tenga ko pa ang nanginginig na boses ni Mae habang sinasabi niyang may natanggap siyang death threats—at hindi lang siya, pati ang mga anak namin. Who the hell would do this? Napabuntong-hininga ako. Alam kong dapat akong magalit, dapat akong mag-alala para kay Mae at sa mga anak namin. Pero ang totoo… wala na akong nararamdaman para sa kanya. Ang tanging dahilan kung bakit ako nagmamadaling umuwi ay dahil sa mga anak namin—sila na lang ang nag-uugnay sa amin ni Mae. Nang dumating ako sa bahay, nadatnan kong gising pa si Mae. Namumutla siya, halatang takot na takot. Lumapit siya sa akin, nanginginig ang mga kamay. “Ashero… nakita mo ba ang mga pictures?” mahinang tanong niya. Tuma

