CHAPTER 52 Third Person POV Maaga pa lang ay abala na ang buong bahay. Sa gitna ng paghahanda, masaya ang apat na bata si Asheriel, Joheron, Guiana, at Ashmaella na parang hindi mapakali sa excitement. “Mommy, is today really the wedding?” tanong ni Guiana habang sinusuklay ang buhok niya sa harap ng salamin. Cristine Madrigal ngumiti habang hawak ang puting bouquet. “Oo anak, ngayon na ang araw na muli kaming ikakasal ni Daddy. Pero sa pagkakataong ito, mas buo, mas totoo.” “Tapos may cake ba?” tanong ni Ashmaella sabay palakpak. “Oo, malaki at may chocolate fountain pa!” sagot ni Joheron habang inaayos ang bowtie ni Asheriel. Habang sa kabilang dako ng bahay, kinakabahan si Ashero Guil. Nakatayo siya sa harap ng salamin, suot ang klasikong puting tuxedo. Pinagpapawisan ang kanyang

