CHAPTER 40 MAE POV Nakatulog pala ako kagabi habang nakaupo sa tabi ng kama ng mga anak ko. Siguro dala na rin ng pagod, puyat, at pag-iyak buong gabi. Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng likod ko dahil sa malamig at matigas na kutson ng mumurahing lodge na tinuluyan namin. Pero kahit gano’n, mas pinili ko pa rin ‘to… kesa manatili sa mansion na parang impyerno. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabuti na lang pala at hindi ko ito naiwan sa mansion kasama ng wallet ko. Trrrtt... Trrrtt... Tumunog ito nang sunod-sunod. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot ito mula sa gilid ng bag. Pagtingin ko sa screen, si Keith—ang best friend ko. “Keith…” bulong ko, sabay sagot sa tawag. “Hello?” “Girl?!” agad na sambit niya sa kabilang linya, halatang nag-aalala. “Oh my God

