PROLOGUE
3rd Person POV
Hindi sinasadyang nasagi ni Anika ang kanyang kape kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksyon.
“Anak ng?!" bulalas niya sa gulat.
Nanlamig siya bigla noong nanuot ang yelo sa balat niya, mabuti na lamang kamo at ice coffee ang naisipan niyang bilhin noong araw na iyon, baka kung umuusok iyon ay baka wala sa oras siyang isugod sa clinic.
"Maayos ka lang ba Anika?" nag-aalalang tanong ni Chloe, ang babaeng panay ang sunod sa kanya.
Matalim niyang sinalubong si Chloe.
"Buksan mo nga ang mga mata mo, nakita mong natapunan ako, huwag ka ngang tanga," inis na sabi niya sa babae.
Ilang linggo na rin siyang sinusundan ng babae at nagtataka ang lahat dahil nakakatiis si Chloe kung kasing sama naman ng diyablo ang kanyang ugali, well hindi na niya problema iyon dahil unang-una sa lahat ay kusa nitong ginagawa iyon.
Bumuntong hininga si Chloe sa ginawa niyang pagpapahiya dito sa kanyang harapan, kinimkim na lamang nito ang matalim na dila ng dalaga at itinuon ang sarili sa pinagkakaabalahan na proyekto.
Pero kahit gan'un ay nagsasalita pa rin siya. "May dala ka bang pamalit, Anika? Malapit pa naman ang susunod mong klase," nag-aalalang tanong ni Chloe.
"Wala kang pakialam kung wala akong pamalit o mayroon," malamig na sabi niya.
Naiinis siyang tumayo at padabog na lumayas sa cafe.
‘Nakakainis! Bakit ba umorder pa kasi ako ng ice coffee!’ Hiyaw niya sa kanyang sarili, pinapangaralan niya ang kanyang sarili habang binabagtas ang hallway patungo sa palikuran ng mga babae.
Pero sa hindi inaasahan pangyayari ay bigla na lamang siyang nabunggo kung saan, hindi mali dahil may sumalubong sa kanya.
"Ang sakit!" Ang kanyang sigaw ang maririnig mo sa buong hallway, palibhasa ay mga klase ang mga estudyante kaya silang dalawa lang ang nandoon.
Naramdaman niya ang sakit, para siyang hindi makahinga dahil sa sakit.
“S-Sorry hindi ko sinasadya,” sambit ng boses na lalaki.
Iyon ang bumangga sa kanya na siyang mismong may kasalanan kung bakit halos hindi siya makatayo ng maayos.
"A-anong sabi mo?" namimilipit niyang tanong.
Hindi niya makapaniwalang tinapunan ng tingin ang lalaki.
‘Matapos akong mabagsakan ng mabigat na libro tapos sorry lang?!' Gusto niyang sabihin iyon sa mukha ng lalaki pero mas pinili niyang mas pagtuunan ng pansin ang masakit niyang paa.
“S-sorry,” sabi pa nito.
Lalo pa siyang nainis, as if naman mawawala ang sakit ng paa niya sa paghingi nito ng tawad!
“Inulit pa!” inis na usal niya.
“Sorry talaga hindi ko s-sinasadya, n-nagmamadali kasi ako,” nauutal na sabi ng lalaki.
"Nakakainis ka sa lahat!" Dahil sa sakit ay halos sakalin na niya ito sa galit niya.
Walang ginawa ang lalaki kung hindi ang yumuko lang, hindi man lang siya tulungan.
“Tulungan mo ako!”
Ang nakakainis pa sa part na ito ay kung hindi pa siya mag-demand ay parang wala pa ata itong balak na tulungan siya.
“Sorry t-talaga." Tinulungan siya nitong makatayo ng maayos.
Ilang libro ba ang tumama sa paa niya? Lahat ata ng dala nito, kung hindi siya nagkakamali ay halos isang dosena ata ang dala nitong libro.
“A-aray ko, ang sakit!”
Namimilipit siya sa sakit habang naaawang tumingin sa sariling mga paa.
Mawawalan pa ata iyon ng kulay, kailangan na maagapan iyon kaagad.
“Ay o-oo nga pala! May gagawin pa pala ako, s-sorry next time na lang.”
Pinaupo siya ng lalaki sa isang bench sa hallway pero gan'un na lamang ang gulat ni Anika noong iwan siya nito sa gitna at tumakbo na lamang bigla.
"Ano?! Saan ka pupunta?! Matapos mo akong— ang sakit!" Bigla na lamang pumintig ang part ng nabagsakan ng libro.
…