Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Teacher 49 ... … Anika POV Pagdating sa bahay ay agad niya akong pinaupo sa maliit na sofa. Kasya naman kaming dalawa sa sofa pero asahan mong magsisiksikan kami. Nagulat ako noong lumuhod siya sa harapan ko. "Anong ginagawa mo diyan Rafael?" shock kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at may kung anong kinuha sa paa ko at doon ko lang narealize na mismong paa ko pala ang kinuha niya. Nagets ko lang ang gusto niyang gawin noong kalasin niya sa pagkakapit ng heels ko sa paa ko. Automatic kong pinatunog ang mga daliri ng paa ko nang matanggal niya ang sapatos ko. "Grabe nakakapagod pala ang party." Reklamo ko. "Bakit? Hindi ka ba pumupunta sa mga ganoong party?" tanong niya. "Oo, halata naman siguro no?" tanong ko. "Bakit hindi ka mahilig sa party?

