┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang araw na ang lumipas mula ng malaman ni Kimie na buntis siya. Sa ngayon, hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa o ikalungkot ang balitang ito. Alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang tanggapin ang sitwasyon, pero hindi niya maalis ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Parang ang bigat-bigat ng mundo, at hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Wala na ring bisa ang kasal nila ni Rouge. Sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa, nahugot na ang kanilang marriage record. Kung may maghahanap man ng ebidensyang magpapatunay na sila ay ikinasal, walang makikita. Isang maimpluwensyang tao ang nag-ayos nito, pero kung sino, wala siyang ideya. Ang tanong niya sa kanyang sarili ay kung dapat ba siyang matuwa na parang binura ang isang bahagi ng kanyang n

