◄Rouge's POV► Hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin ang asawa ko. Pabalik-balik ako sa mga lugar na lagi naming pinupuntahan, sa mga lugar na alam ko na maaari niyang puntahan, pero wala pa rin, hindi ko pa rin mahanap ang aking asawa. I don't know what to do anymore at pakiramdam ko... hindi ko na makikita pa ang asawa ko kapag hindi ako tinulungan ni lolo. Alam ko na isang salita lang niya o nang ama ni Dazzle ay magagawa nilang maibalik sa akin ang mahal ko, but I have no idea why they are not doing anything to help me. Kauuwi ko lang nang mansyon ko, inabutan ko na nga dito si Darwin at si Jefferson. Kahapon ang kasama ko ay sila Noah at Mellard, pero sabi ko sa kanila ay kaya ko ang sarili ko at wala silang dapat ipag-alala, pero kaya ko nga ba ang sarili ko? Para na nga akong

