┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Mahigit isang linggo na mula ng manggaling sila ng hacienda sa Pangasinan. Hindi pa rin makalimutan ni Kimie ang naranasan niya duon. Sobrang saya niya at aaminin niya na nakalimutan na niya ang mga sinabi ni Phoebe at naniniwala na siya sa kanyang asawa. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na niya ito paniniwalaan pa dahil katulad nga ng sinasabi lagi sa kanya ni Rouge, ginagawa lamang 'yon ni Phoebe upang sirain ang relasyon nila. "Ate, ikaw na lang ang humarap kay Mister. San Martin mamaya sa lunch meeting at kasama nito ang kanyang anak. Tungkol ito sa project natin sa Alabang, may kailangan ka lang kumpirmahin sa kanya at may kailangan ka lang pirmahan, okay lang ba? Marami kasi akong trabaho ngayon, tapos may pasok pa ako mamaya." Sabi ni John. Tumango naman si K

