◄Rouge's POV► Alam ko na nararamdaman ni Kimie ang pagkabahala ko. Ilang beses niya akong tinatanong kung may gumugulo daw ba sa isipan ko, syempre ipagkakaila ko at sinasabi ko lang sa kanya na trabaho lang ang problema ko. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Ayokong magalit siya, ayokong iwanan niya ako at kasuklaman. Gusto ko munang makapag-isip kaya nandito ako ngayon sa Batangas at kasama ko si Ethan, isa sa private resort ko na lagi kong pinupuntahan nuon kapag gusto kong mapag-isa, pero ngayon ay kasama ko ang kaibigan ko para naman hindi ako mabaliw kakaisip, at least may nakakausap ako. Walang alam ang asawa ko, ang alam lang niya ay nasa opisina ako at may mahalagang meeting at hindi ako dapat magambala. Kung minsan, ang simpleng pagdadahilan na ito

