◄Rouge's POV► "Aalis na ba kayo ni Mellard? Anong oras kayo babalik dito?" Tanong ng asawa ko. I need to return to Manila because there's something I need to discuss with my lawyer. I don’t want him to come here since the matter involves things that only the two of us know about... mga bagay na hindi alam ng mga pinsan ko, pero nasabi ko ito kagabi kay Mellard habang nag-iinuman kami. Isa pa ay kailangan ko rin makausap si Phoebe, mahalaga ang pag-uusapan namin, mga bagay na kailangan kong linawin sa kanya, mga bagay na alam ko na pwede niyang ikagalit o pwede niyang maunawaan. "Yes babe, at babalik din kami mamayang gabi. Mamimiss mo ba ako?" Sagot ko, kinindatan ko pa ang asawa ko kaya natawa siya. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko niyakap si Kimie. "Babalik agad kami, h

