┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Galit na galit si Phoebe dahil kahit na anong gawin niya ay hindi siya kinakausap ni Rouge, kahit na anong tawag niya, kahit na anong mensahe niya sa kanyang nobyo, walang sagot mula kay Rouge. "Relax ka lang. Kanina ka pa sigaw ng sigaw, sige ka kukulubot 'yang balat mo kapag hindi ka pa tumigil sa kakasigaw mo." Sabi ng kaibigan ni Phoebe, mas lalo tuloy naniningkit ang mga mata nito sa sobrang galit. "Hindi ako papayag na paglalaruan lang ako ni Rouge. Nangako siya sa akin, sinabi niya sa akin na mahal niya ako kaya naniniwala ako sa sinasabi niya at dapat niyang panindigan 'yon. Ang sabi niya sa akin na hihiwalayan niya ang asawa niya at ipapa-divorce na niya ang kasal nila para kaming dalawa ang magpapakasal. Inaartehan siguro siya ng babaeng 'yon kaya hindi makawala

