┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pagkatapos makuha ni Rouge ang mga dokumentong kailangan niya sa kanyang ama ay papunta naman siya ngayon sa kanyang opisina. Hinihintay na siya ng kanyang sekretarya dahil dumating na raw ang dalawang investors na kailangan niyang harapin. Sakay siya ng sasakyan ng kanyang ama, hiniram muna niya ito at ibabalik din niya ito mamaya kapag natapos na ang meeting nila ng dalawang investors. Kailangan din naman niyang ibalik sa kanyang ama ang mga dokumentong pipirmahan niya mamaya after ng meeting. Bawat kilos ni Rouge ay may pagmamadali, at panay din ang tingin niya sa kanyang orasang pambisig. Kailangan niyang bumalik agad ng La Union dahil hinihintay siya ni Kimie. Hindi nagtagal ay nakarating din siya sa building na pag-aari niya at ipinarada lang niya ang kanyang sasak

