┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kararating lang ni Kayden. Habang ipinaparada niya ang kanyang sasakyan ay nakatitig siya sa isang sasakyan na nakaparada sa tabi ng sasakyan ni Zayd. Nagtataka ito, hindi mawala ang pagkakunot ng kanyang noo. Tumingin pa siya sa malaking rest house, sinisilip kung may kakaiba bang nangyayari, pero tahimik lang ang malaking bahay at wala naman siyang nararamdamang kahit na anong panganib. Paglabas niya ng kanyang sasakyan ay tinitigan niya ang plate number nito, pagkatapos ay sinilip ang loob, pero heavy tinted ito kaya wala siyang makita na kahit na ano sa bintana. Hinagod ng daliri niya ang mamahaling sasakyan, checking if a car alarm is installed pero hindi ito tumunog kaya ang ginawa niya ay sinipa niya ang gulong nito, pero hindi pa rin ito tumunog. The fact that such

