┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Halos apat na buwan na ang lumipas. Nagsimula ng mainip si Rouge at ang focus niya ay tuluyan na rin nawala. Nakaramdam na ito ng galit dahil pakiramdam nito ay pinaglalaruan lang siya ng lolo niya. Ipinangako sa kanya na ibabalik sa kanya si Kimie at kaunting panahon lang daw ang hinihingi nito, pero mahigit tatlong buwan na ay wala pa rin si Kimie sa kanyang piling. "Pinagloloko na lang ako ni Lolo. Hindi totoo na may ginagawa siya upang maibalik sa akin ang babaeng mahal ko. Nag-aksaya lang ako ng halos apat na buwan dahil sa ipinangako niya sa akin. Sana pala ay hindi na lang ako naniwala sa kanya. Sinungaling ka Lolo!" Galit na galit si Rouge, at bawat mahawakan niya sa loob ng kanyang pamamahay ay lumilipad at tumatama sa dingding. "Naku po sir, huminahon po kayo!"

