◄Rouge's POV► Nandito na ako ulit sa opisina matapos ang dalawang linggong pahinga, and I swear, this feeling is just something else. Sobrang saya ko ngayon, like... hindi ko maipaliwanag. Parang ang gaan ng aura ko, parang ang sarap lang sa pakiramdam, 'yung parang lagi lang akong nasa alapaap kahit technically, back to work na ulit ako. Alam mo kung bakit? Kasi habang iniisip ko ang nangyari nitong mga nakaraang araw, hindi ko maiwasang mapangiti. And the biggest reason? Ang napakagandang baby namin. Damn, sobrang ganda niya! As in, I still can’t believe na may nagawa akong ganito ka-perfect na sanggol. Pero ang mas nakakatuwa? Hindi lang siya basta maganda dahil kamukhang-kamukha ko ang baby namin ni Kimie! Parang ginawa ng panginoon ang mini version ko. Legit, parang ako lang noong b

