āā±Kimie's POVā°ā Pagdating na pagdating pa lang namin sa mansyon namin ni Rouge, halos napalundag ako sa gulat nang bigla kaming sinalubong ng confetti at malalakas na pa-welcome back sa amin. Para bang may isang malaking selebrasyon ang nagaganap ngayon dito sa mansyon namin, mga tawanan, palakpakan, at excited na mga boses ang sumalubong sa amin. Kahit saan ako lumingon, may mga nakangiti, may kumakaway, may sumisigaw ng "Welcome home!" Grabe, hindi ko in-expect na magiging ganito kainit ang pagsalubong nila. It felt like I was gone for a year instead of just one week in the hospital! I could feel the warmth and love from everyone, especially towards our baby. Makikita sa mga mata nila ang excitement habang pinagmamasdan ang munting anghel namin. Sobrang nakakataba ng puso kasi hindi

