┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Habang nasa ospital pa si Kimie, isang bisita ang hindi nila inaasahan. Biglang may kumatok sa pintuan ng suite room, isang katok, dalawa, tatlong beses. Pero bago pa man makapagsalita si Rouge, bumukas na agad ito. Pag-angat ng tingin niya, bumungad ang pamilyar na mukha ni Marcus, nakangisi, at halatang may hinahanap. Hindi pa man ito nagsasalita, naglilibot na agad ang mga mata niya sa loob ng kwarto, para bang may gusto siyang makita. "Nasaan na ang anak ninyo? Babae ba talaga?" Tanong ni Marcus na may kasamang pagkunot ng noo. Natatawa naman si Rouge habang pinagmamasdan ang mukha ni Marcus. "Tang-na, anong posisyon ba ang ginawa ninyo at nagkaroon kayo ng anak na babae?" Nagulat si Kimie sa tanong ni Marcus, muntikan pa siyang mabilaukan ng jello na kinakain niya.

