Failed Seduction 09

1650 Words
"Felicity!" Nanlaki ang mga mata ko at naitulak si Cole dahil sa boses ni Enzo. Walang pasubaling inagaw niya ako sa pagkakahawak ni Cole. "Anong ginagawa mo?" Matigas at may pagbabantang tanong niya kay Cole. Salubong ang kilay niya at mahigpit ang hawak sa aking braso. "Hinila niya lang ako! Matatamaan kasi ako kanina-" "Matatamaan ng ano?!" Singhal niya pagkatapos akong lingunin dahil sa pag-singit ko. "Mga estudyante Enzo!" Mahina ngunit mariin na sagot ko. Tinitigan ko siya sa mga mata para bigyan ng warning na tigilan ang pagtatanong. But as Enzo I know he won't stop. Hindi talaga magpapapigil ang bunganga! "Bakit ka mababangga? Bulag ka ba?!" Umungol ako sa inis at sa pagkapahiya sa harapan ni Cole. Hindi na ako nagpaalam kay Cole at hinila si Enzo. Nakahawak siya sa braso ko at padarag akong naglakad palayo kaya naisama ko siya sa paglalakad ko. Pagkapasok sa sasakyan niya'y hindi pa siya tapos sa pakikipagtalo. "Sana nagpabangga ka nalang! Gusto mo rin yata kasi nakayakap ka sa crush mo! Ngiting ngiti ka pa!" "Magmaneho ka na nga! Napakadaldal mo!" "Sinadya mo siguro, ano?! Para makatsansing ka?! Ikaw ang babae ikaw pa ang agresibo?!" Napapadyak ako sa irita at hinampas siya sa bibig. Kinagat niya iyon ng mariin, lalong namula dahil napalakas ang sampal ko. Sa araw araw na ginawa ng diyos wala pa yata kaming naging usapan na maayos. Para kaming tigre at leon na nag-aagawan sa pwesto bilang hari sa kagubatan. "Tigilan mo nga, Enzo! Sinabing nahila niya lang ako dahil muntik na akong mabangga!" "Paano ka mababangga? Hindi ka nakatingin sa dinaraanan mo? Maliban nalang kung sa iba ka nakatingin?!" Bigo akong nagbuntong hininga at naghalukipkip. Padabog kong isinandal ang likod sa sandalan ng upuan at ipinihit ang ulo para sa labas ng bintana tumingin. Ang ganda na ng mood ko kanina, sinira nanaman niya! Pinaandar niya ang sasakyan pero hindi siya tumigil sa kakasalita. "Ang bata mo pa puro crush na ang inaatupag mo! Dapat nag-aaral ka sa eskwelahan hindi nakikipagyakapan!" Sarkastiko akong tumawa at nilingon siya. Sa dami ng pwede manermon sa akin, siya pa talaga ang malakas ang loob na magsabi nito sa akin? "Aksidente iyon Enzo! Eh ikaw ba? Kapag pumapasok ka isa sa mga kwarto ng school aksidente rin? Nag-aaral ka rin ba doon ha? Anong pinag-aaralan niyo?" Natahimik siya at matalim lang akong tinignan. Nakatiim-bagang siya at diretso ang tingin sa madilim na kalsada ang madilim niya ring mga mata. "Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako! Eh gawain mo rin naman! Mas malala ka pa nga!" "Mas matanda ako sayo! Hindi na ako maloloko kasi marami na akong experience! Ikaw sa edad mo na iyan madali ka pang mauto-" "Hoy! Anong ibig mong sabihin uto-uto ako? At sino ang mang-uuto sa akin? Si Cole? Para sabihin ko sayo hindi mo katulad iyon na manloloko!" "Tignan mo nga! Ngayon palang nauuto ka na niya!" Tinuro niya ang mga mata kong matalim ang tingin sa kanya. Umirap ako at ibinalik ang tingin sa labas. Natahimik kami sa biyahe ngunit ang pagalit niyang paglingon at buntong hininga ay hindi nawala. "Hindi ko ito sasabihin sa daddy mo pero wag mo na itong uulitin," Hindi ako sumagot at nagbuntong hininga lang. Nalungkot ako bigla nang maalala kung gaano ka-strikto sa akin si daddy. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag, hindi ko ma-check dahil iniisip ko na kung talagang manliligaw si Cole ay hindi namin pwedeng ipaalam kay daddy, ganoon din kay Enzo. "Felicity!" "Oo na!" Sagot ko nalang para tumigil na siya. Masiyado silang mahigpit ni daddy. Sigurado ako na noong nasa ganitong edad sila wala naman nagbabawal sa kanila kaya nakaka-inis minsan. Alam ko naman kung hanggang saan lang at hindi naman ako magpapabaya kaya bakit wala silang tiwala sa akin? Pagkapasok sa kwarto'y pagod akong nagtungo sa banyo para makapaglinis. Naghahanda na akong matulog bago naisipan kunin ang phone. Humiga ako sa kama at sinimulan basahin ang mga mensahe ni Cole at Enzo. Cole: I was serious when I told you I would court you. I will wait when you will be ready. I smiled. Nakauwi na ako at nagtalo na kami ni Enzo pero hindi ko mapigilan mapangiti kapag naaalala ang ayos namin kanina at ang pag-amin namin na pareho naming gusto ang isa't isa. I bit my lower lip to stop my wide smile and opened Enzo's messages. Enzo: I'm home. Enzo: Behave, Eia Felicity! I scowled after reading his last message. Binato ko sa kabilang tabi ng kama ang phone at nagtabon ng kumot sa buong katawan. He's creeping me out! Kahit sa text lang feeling ko nakikità niya ako. Isang text lang nagsisimula nanaman mabuhay ang irita ko. Hindi na ako nag-reply alin man sa kanila. Bukas nasisiguro ko naman na mag-uusap kami ni Cole, at si Enzo ay hatid sundo ako. It was rainy when I woke up. Kung sa ibang araw ay makakaramdam ako ng bigat ng katawan at paghila ng kama dahil sa malamig na panahon. But today was different, the thought of Cole and I would meet at school gives me a strange energy. Tapos na akong maligo. Ang ginamit na towel ay hinayaan kong nakalagay sa aking buhok. Nagsisipilyo ako ngunit natitigil at napapatingin sa sariling repleksyon. Binisita ko rin ng tingin ang braces ko na mayroon bagong lagay na goma. I don't want to overthink it but I can't help to check my whole face, especially my teeth. Nagpalagay ako ng braces dati dahil may isa akong ngipin na gustong maipaayos at ngayon nga na tinitignan ko iyon ay sa palagay ko ayos lang naman kung alisin ko na siya. I have to consult about it soon to my doctor. Kausap ni daddy si Enzo sa sala nang bumaba ako. Patakbo ang pagbaba ko kaya sabay kong naagaw ang atensyon nila. Lumapit ako kay daddy para humalik sa pisngi. Nakatitig si Enzo sa akin, siguro'y nagtataka kung bakit hindi ko suot ang salamin ko. Suot ko ang uniform at ang maliit na backpack ay nasa aking likod. Lumayo ako sa sala at nagmamadaling nagtungo sa kusina. "Mommy!" Sinalubong ako ni Mommy bago pa ako pumasok sa kusina. Ang dalawang kamay niya'y may pot-holder na suot pareho. Mukhang nagluluto dahil wala silang pasok nang ilang araw ni daddy ngayon. Mayroon kompanyang iniwan ang pamilya ni Mommy sa kanya, ganoon din kay Daddy. Arrange marriage ang nangyari sa relasyon nila kaya nga napahanga ako na kitang kita talaga ang pagmamahalan nila. Hindi naman kasi lahat ng arrange marriage maganda ang kinakalabasan. Kapag nakikita ko sila Mommy at Daddy na naglalambing sa isa't isa'y nasasabi ko sa sarili na maaari rin pala talagang matutunang mahalin ang isang taong estranghero sayo o maaari mong mahalin ang taong hindi mo inakala na mamahalin mo. Maybe because you will not always match perfectly to someone, hindi totoo na unang tingin mo lang mahal mo na. Hindi porket namula at bumilis ang t***k ng puso mo'y mahal mo na. Hindi porket na-ganda-han o na-gwapu-han, mahal na. Dadaan iyon sa proseso bago mo maramdaman, because love takes time. True love needs patience to be fit perfectly. He's stranger, he's not the type of your man but that doesn't mean that it isn't going to work. Mas matagal lang siguro at maraming mararamdaman na dissapointment lalo na kung one sided love lang.. and I don't want to go that far for love. I'm fine with Cole because I already like him so it is easier for me to love him. I would prefer my type of man than trying to fit myself to someone who we have a lot of differences. "Nakita mo ba ang salamin ko, Mom?" "I bought you contact lenses-" "Mom!" I called her a bit louder. Ayokong isuot iyon at baka mairita pa ang mga mata ko. Nakita ko ang mga pinamilii niyang contact lenses sa dresser, malamang na habang naliligo ako'y pumasok siya para kunin ang salamin ko at palitan. "Malapit na ang birthday mo kaya kailangan masanay kang nakasuot ng contact lense-" "I could wear my glasses on my birthday, Mom!" I groaned in annoyance. I'm really not fan of those lenses. "Na naka-gown ka? Hindi bagay sa damit mo ang salamin mo! Nakita mo ba ang design ng gowns mo?" I slighly stomped my feet, a bit frustrated. Nakita ko ang mga gown at kung ipipilit ko ang salamin ay magmumukha akong tanga. "Ibibigay ko sayo ngayon ang salamin mo pero sa susunod kailangan mong masanay sa contact lense.." I sighed, shrugged my shoulders and nodded. Ano pa bang magagawa ko? "Fine. Give me back my glasses now, Mom.," Itinuro niya ang isang katulong na kasama niya sa kusina magluto at pinakuha ang salamin ko. Mula sa pinto ng kusina'y umaabot sa pandinig ko ang usapan nila Enzo at Daddy. They were talking about my sixtenth birthday. Pinagbabasta ni Daddy si Enzo ng damit dahil nasabihan na rin nila ito na siya ang magiging escort ko. Nakahalukipkip ako sa hamba ng pinto ng kusina habang hinihintay na ibalik ni mommy ang salamin ko. Paharap ang pwesto ko sa sala kung nasaan sila daddy. Kausap ni Daddy si Enzo pero ang huli ay panay sulyap sa akin. Bahagya ko siyang pinanliitan ng mga mata dahil hindi ko siya masiyadong maaninag sa malayo. Kausap siya ni daddy, sumasagot siya pero nasa akin ang tingin. "Ma'am ito po," Pagkaabot ng katulong sa salamin ko'y mabilis ko iyon isinuot. Walang pagkakataon na umiwas ng tingin si Enzo kaya't nakita ko kung gaano kaseryoso ang titig niya. Nang makitang suot ko na ang salamin at pagtaas ng kilay ko sa kanya'y doon palang niya nagawang mag-iwas ng tingin. Nagpaalam siya kay daddy at sinabi na ihahatid na ako. Lumapit siya kung nasaan ako at sumilip sa kusina para magpaalam kay mommy. "Let's go," malamig ang boses niya nang lagpasan ako at wala akong ideya kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD