Failed Seduction 10

1776 Words
I followed him after I recovered from the shock of his icy voice. I saw him outside walking towards our gate. I pouted then ran our distance and clung to his arm. Nagmistula akong maliit na hayop na nakalambitin sa braso niya. "Anong arte 'yan?" Natatawang tanong ko, sinisilip ang masungit niyang mukha. Nanatili ang pagiging seryoso niya. Kahit pag-angat ng maliit na ngisi sa dulo ng labi'y pinagdadamot. "May pa-cold cold pang nalalaman. Tingin mo ba bagay sayo?" Hindi niya ako pinansin. Hinigit ko siya sa braso bago pa niya maabot ang gate at buksan. Hindi iyon naabot ng kamay niya dahilan ng paghila ko kaya muli niyang sinubukan. Hinayaan ko siyang itaas ang kamay ngunit bago pa niya maabot ulit ang gate ay hinila ko siya ng malakas. Dumulas ang mga daliri niyang muntik nang maabot ang gate, dumikit lang ang ilang daliri at hindi nanaman tuluyang nabuksan. "Ang arte ng baby ko ayaw mamansin.." natatawang tukso ko. Ano kayang pinag-iinarte ng isang ito? Tungkol pa rin kaya sa naabutan niyang ayos namin ni Cole kahapon? Kailangan lambingin ko siya at hindi galitin dahil baka isumbong niya ako kay daddy. Natawa ako sa pagsalubong ng mga kilay niya. Halatang natatawa pero pinapanindigan talaga ang seryosong mukha. "Why my baby's grumpy?" I asked slowly and softly, as if I am asking a three years old kid. He stayed cold and tried to release himself from my hold. "Nagtatampo ba ang baby ko?" "Stop the sulking, baby. Do you want a kiss from mommy?" It should be a tease but my voice came out seductive. I felt his toned arm stiffened. He gritted his teeth then looked at me darkly. He no longer looks cold now but coldness was replaced by annoyance. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin at sapilitang kinalas ang mga kamay kong nakayakap sa braso niya. Padarag niyang binuksan ang gate at halos tumakbong tinungo ang sasakyan para layuan ako. Natatawa akong sumunod sa kanya at sa loob ng sasakyan na nagpatuloy. "Bakit galit ang baby ko? Anong problema?" Malambing ang boses ko at may marahan na pag-himas pa sa kanyang braso. Humagalpak ako sa tawa dahil sa pag-irap na ginawa niya at pagtabig sa kamay kong nasa braso niya. Nagsimula siyang paandarin ang sasakyan at bumusina ng malakas para ipaalam sa mga taong nasa loob na paalis na kami. Nakalabas na kami sa gate patuloy pa rin ako sa pagtawa. "Damn, Enzo! You're so cute!" Muli niya akong sinulyapan para alayan ng matalim na tingin. Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan at biglang preno. Natigil ako sa kakatawa at napatili dahil halos humagis ako. Nakangisi na siya nang pagalit ko siyang balingan. "Gago ka talaga!" Sabay malakas na hampas ng dalawang beses sa braso niya. "Ano? Cute ba?" Balik pang-aasar na tanong niya. Mapaglaro na ulit ang mga mata. I irritatedly twisted my lips and clenched my fist. I wanted to smash his face but instead it landed on his arm. Sinuntok ko siya sa braso. Gusto ko sana siyang sipain kaya lang ayokong alisin ang seatbelt ko. Baka mamaya ulitin niya at tuluyan na akong tumilapon palabas. Tinawanan niya ang pagdadabog ko at mayroong hinagis sa akin na chichirya para kainin ko habang nasa biyahe. Ako ang nagsimulang mang-asar ako rin pala ang mapipikon sa huli. Nag-aral siguro ito sa course ng pamemeste kaya nagkaroon ng degree at pinaka magaling siyang mam-bwisit! "Send me today the designs of your gowns," he said after a minute. "Bakit?" Nabubulol na tanong ko matapos sumubo ng malaking piraso ng chichirya. "Magpapa-disenyo ako ng tuxedo na babagay sa gown mo," "Papayag ka talagang maging escort ko? Pustahan tayo mabo-bored ka lang sa party ko!" "I don't think so, maraming babae doon," ngising ngisi siyang sumulyap sa akin, tinitignan ang reaksyon ko. "Balak mo pang magkalat sa party ko? Si ate sa discohan magbi-birthday! Kung ako sayo doon ka nalang pumunta!" "Sa party mo nalang! Kawawa ka naman kung wala kang escort!" Napalabi ako at natigil sa pag-nguya. Sinabi ni Cole na manliligaw siya. Siya sana ang gusto kong yayain na escort kung pwede ko lang maipaalam kay daddy. Pero heto si Enzo at siguradong mas pipiliin ni daddy ito kaysa kay Cole, at hindi ko naman siya maipapakilala. Wala talagang choice kundi ang mokong na ito ang maging escort ko. Pagkarating sa school ay halos halikan ko ang mga paa ni Enzo nang sinabi niyang hindi na siya papasok dahil dadaanan niya ang shop noong gagawa para sa kanyang tuxedo. Mabuti nalang talaga dahil pagkalayo ko palang sa parking lot ay natanaw ko na si Cole na naghihintay. "Good morning!" He licked his lips then smiled. He's not trying to seduce me, but I am really attracted to his actions. Na kahit simpleng pagdila sa labi may mga paru-parong nag-iikot kaagad sa tiyan ko. "Good morning!" Nakangiting balik na bati ko at tingin ko'y nakabalandra sa kanya ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Ito nanaman ang hindi ko maawat na mabilis na t***k ng puso. Nagkakarerahan nanaman kahit wala namang mananalo. He reached for my books and also for my bag. Para akong naging robot na sunud-sunuran kahit wala akong balak na ipa-bitbit iyon sa kanya lahat. "Did you eat breakfast before going here?" Magkatabi kami sa paglalakad. Pasulyap sulyap siya sa akin habang nagtatanong. Ang mga estudyante ng paaralan ay hindi maiwasan na mapatingin sa amin. I am not the usual nerd who get bullied in school. I have my glasses and braces but they are all respected me, maybe because I am smart and I am always lifted my head with class. And also maybe because I am Enzo's friend. Whatever the reason, I was just saying that no one dared to bully me here. "Walang time for breakfast. Nagmamadali kasi si Enzo umalis," "Gusto mo ba munang kumain?" Sinipat niya ang relong nasa pulsuhan at nginitian ako. "May oras pa tayo!" "Okay," mahina akong natawa. Wala akong balak mag-almusal talaga pero dahil nag-alok siya.. I think I should start to get used to having breakfast. Sa halip na sa canteen kami kumain ay sa library kami nagtungo. Nagpaalam siya sa librarian kung maaring doon na kami kumain dahil bilang lang naman sa mga daliri ang nasa library ngayon. Kung sa iba siguro ay hindi papayag ang librarian, ngunit nang makitang magkasama kami ni Cole ay nakangisi lang itong tumango. Umalis si Cole para kumuha ng pagkain. Naging abala ako sa pagbabasa kaya't hindi ko napansin ang pagbalik niya. Nagulat lang ako noong alisin niya ang librong nasa harapan ko at palitan ng pagkain. "Let's eat first. Just continue reading later after eating," I blushed unintentionally, I feel touched with his simple caring words. Nakaka-mangha ring kasama ko siya ngayon. Hindi bilang acquiantance at schoolmate kundi bilang manliligaw. We ate silently, kaonting ngitian at tinginan lang habang kumakain at magkatabi. Nang matapos ay kinuha niya ang pinagkainan ko at ibinalik ang libro. Lumabas siya upang ibalik sa canteen ang mga ginamit namin. Napapangiti ako at hindi maintindihan ang binabasa. Unang araw palang parang gusto ko na siyang sagutin dahil sa nakikitang effort niya. But even though we admitted we like each other I don't want to be easy in front of him. I might adopted it to Enzo's life style but I think men would lose their interest in women they can easily win over. Katulad nalang ni Enzo na mabilis mawalan ng interest sa babae kapag nakuha na. Kaya ko inamin ang nararamdaman ko'y para subukan kung ano ang kakalabasan nito. If he will ask me to stop then that's fine because I'm ready for my first heartbreak but it turns out that he likes me too, then that was feel better. There's nothing wrong about expressing myself, if I like him then I should let him know. I just should have get ready with the consequences. Just like what Mommy said that I always have a choice, that I should have be responsible with whatever decision I make. "Gusto sana kitang sunduin sa inyo? Para formal na ipaalam sa mga magulang mo na manliligaw ako," Natigilan ako sa paglipat ng pahina sa binabasa naming libro. Kahapon niya lang sinabi na manliligaw siya, hindi ko inakala na maiisip niya kaagad ito ngayong araw. We are young but his kind of thinking was matured, so I am too. Some of our age don't think of such serious things, some teen-agers the game on relationship was still trendy, bilangan ng karelasyon at ang iba ay pinagsasabay-sabay. Siguro isa ito kaya ko siya nagustuhan, pareho kami kung paano mag-isip, bata pa pero pareho kaming seryoso na sa buhay. Sa maikling sandali na pag-uusap namin ni Cole, sa tingin ko hindi lang panliligaw ang hangad niya. He's more than courting. More than the girlfriend and boyfriend relationship. Sa ganitong mga pagkakataon ko sila naipagkukumpara ni Enzo. Cole is a material boyfriend or husband while Enzo's afraid of being tied up. Malaki ang agwat ng edad nila pero mas lamang si Cole sa maturity. "Is it okay if we keep it a secret from my parents for the meantime?" Ibinaba niya ang binabasang libro. Magkasama kaming nag-aaral sa malapit na coffee shop. Mayroon pa kaming pasok mamaya at nagsabay lang ang break namin ngayon. Nagulat nalang ako nang bumungad siya sa pinto ng classroom ko. "May problema ba?" May pag-aalalang tanong niya. "Hindi ako papayagan ni daddy na magpaligaw," yumuko ako at nahiya sa sitwasyon. Tahimik niya akong tinitigan ng matagal. He seems ready to talk to my parents but I'm not. Mas masarap sana sa pakiramdam na formal siyang manliligaw sa akin at ipapaalam sa magulang ko, siya ang unang lalaking hinayaan ko manligaw kaya't gusto ko sana ay maging legal sa pamilya ko. But what if daddy doesn't approve? Shall I stop Cole if daddy doesn't like Cole to court me? Kakasimula pa nga lang e, ayoko namang mangyari iyon. I better keep it and feel a bit guilty than stop him courting me. "Ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo. But if you don't mind I want to introduce you to my parents.." Ibinalik ko ang tingin sa libro kahit nagkabuhol buhol ang mga letrang naroon dahil nag-uunahan nanaman ang isip ko at ang t***k ng puso ko. Kulang nalang ay tumakbo iyon palabas at iwan ako dahil sa bilis ng t***k. Meeting his parents excites me, mas ramdam ko na seryosohan na kapag pinakilala na niya ako kahit hindi ko pa siya sinasagot. "I don't mind," I whisper then pursed my lips to stop my smirks. He smiled too and we continued reading, sharing with one book.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD