"You can't love three women at the same time, Enzo. You are not octopus!"
Niyuko ko siya sa sofa ng study room ni daddy. Nakatungtong ako sa hagdan at mayroong hinahanap na libro. He's talking about him liking many girls, natapat naman na nasa harapan ko ang The Soul of an Octopus na libro. I haven't read it yet but I plan. I read the blurb and it looks intriguing.
"Octopus?" Interesado at kunot noong tingala niya sa akin.
Tuluyan na siyang nahiga sa sofa. Ang dalawang braso'y ginawang unan habang nakatitig sa akin na nakahawak sa mga librong nasa shelves at niyuyuko siya.
"Yep! Octopus has three hearts," sabay hagis sa kanya ng libro.
Napaupo siya para saluhin iyon. Tinignan niya lang ang cover at hindi naman binuklat. Pagkaraa'y tiningala niya ulit ako, may mapaglarong ngisi sa labi. Binuklat niya ang librong hinagis ko sa kanya at binasa.
"Here is an animal with venom like a snake, a beak like a parrot, and ink like an old-fashioned pen. It can weigh as much as a man and stretch as long as a car, yet it can pour it's baggy, boneless body through an opening the size of an orange. It can change color and shape. It can taste with it's skin. Most fascinating of all. I had read that octopuses are smart-"
He closed the book and looked up at me.
"I think I'm an octopus because I am smart," he smirked proudly, but for me he looked stupid.
"They have nine brains, Enzo, and you have none," I was laughing as I pull the books I want to read off from the shelves.
"My head between the thighs releases more than nine brains," he chuckled when I stop laughing and frowned.
Matagal kong inisip kung anong brains ang sinasabi niya. But then I remembered men releases sperm cells, and when sperm penetrates and fertilizes the egg, we all know what will gonna happen next. Lahat nalang ng usapan nasisingitan niya ng kabastusan!
Bumaba ako ng hagdan kasama na ang mga libro na yakap sa isang kamay. Inilapag ko iyon sa center table na malapit na sofa kung nasaan si Enzo. Pinakialaman niya iyon at inisa-isa ang lahat ng cover.
"Shakespeare? Locke? Encyclopedia? Don't you have any sexy magazines here? Like Fhm? Maxim? GQ-"
Nakasimangot kong inagaw ang libro na hinawakan niya. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at pinanuod akong nagsisimula nanaman mag-init ang ulo sa kanya.
"Wag mong araw-arawin ang pagiging tanga Enzo! This is Daddy's study room not your bedroom!"
Umirap ako at sinikop ang mga libro para talikuran ang natatawang si Enzo. Sa swivel chair ni daddy ako nagtungo para doon magbasa. Sa sofa sana ako hihiga at magbabasa kaya lang naunahan ako ni Enzo.
"Libro ang kaharap mo sa school. Libro rin ang kaharap mo sa bahay?"
Natigil ang isip ko sa pagbabasa dahil sa boses ni Enzo'ng ume-e-cho sa loob ng buong study room.
"Ano bang ginagawa mo rito? Tanggapin mo na ang inaalok ni Tita na trabaho mo sa opisina, Enzo. Hindi kami titigil ni Tita hangga't hindi mo tinatanggap iyon,"
Ang tagal na siyang pinipilit ni Tita na tulungan siya ni Enzo sa negosyo nila. Hindi niya talaga mapilit kaya nakiusap na sa akin si Tita na tulungan siyang kumbinsihin si Enzo.
"Ayoko magtrabaho. Magkakapera naman ako kahit nakahiga,"
Napangiwi ako at hindi na napigilan na tignan siya. Nakahiga siya sa sofa paharap sa akin. Ang librong hinagis ko sa kanya ay binubuklat, hindi naman binabasa at mukhang tinitignan lang ang bawat pahina.
"Puro babae ang pinagkakaabalahan mo. Wala ka ba talagang balak tulungan si Tita?"
"Bakit pa? Hindi naman ako nanghihingi ng pera sa kanya."
"Sino ba ang magmamana ng negosyo niyo? Ikaw lang naman ang anak ni Tita, kaya nga dapat pinag-aaralan mo na iyon ngayon.."
Bumalik ako sa pagbabasa. Hindi na nag-angat ng tingin kahit napansin ko ang pagtayo ni Enzo sa sofa at paglapit sa study table. He rested his both hands on the table and leaned closer, close enough for me to smell his scent.
Mula sa libro ay ginalaw ko ang aking mga mata para tignan niya. Nasa likod ng libro ang mukha niya. Parehong mga mata lang namin ang nakalabas, ang ilong pababa sa labi ay natatakpan ng librong hawak ko. Salitan niyang tinitigan ang mga mata ko. Nakipagtitigan din ako at hindi nagpatalo.
"Am I not handsome to you?" His voice was husky. I squinted my eyes, doubting what he was thinking.
Hindi ko alam kung anong laro ang gusto nito. Inalis ko ang librong nakapagitan sa amin at inangat ang sarili sa sandalan ng swivel chair. Saglit siyang nagulat at bahagyang nanlaki ang mga mata sa ginawa kong paglapit, nakabawi rin kaagad at muling naging seryoso ang mata.
Salitan niyang pinagmasdan ang mga mata ko samantalang pinasadahan ko ng tingin ang bawat parte ng mukha niya. He's handsome but I will not tell him that.
"Asshole, you mean?" I smiled sarcastically, arching my eyebrow at him.
Iritado siyang lumayo at padabog na bumalik sa sofa. Padarag siyang umupo at malaking pinagparte ang mga hita. Pagalit na inabot ang librong hinagis ko sa kanya kanina habang nakapirmi at nakatutok sa akin ang iritadong mga mata.
"Apat na ang mata mo bulag ka pa rin?"
Natawa ako at inayos ang salamin. Nakapangalumbana na ako sa lamesa at tinitignan siyang halos punitin ang pahina ng libro sa marahas na paglipat niya sa pahina.
"Hindi ko makita kung saan banda ang gwapo e, pero kung gago marami akong maituturo.."
Sarkastiko siyang tumawa. Burumbadong nakaupo sa sofa, ang mga siko ay nakatukod sa tuhod. Tinigilan niya ang libro at tinusok ako ng panibagong matalim na tingin.
"Sino ang gwapo sayo? Si Cole mo na hindi ka papatulan? Sa huling kausap ko nga kay Jennica nabanggit na nililigawan daw niyon si Alona! Wag ka na umasa at tigilan mo na ang pagkakagusto sa lalaki na iyon!"
Tinawanan ko lang ang sinabi niya dahil may alam akong hindi niya alam.
"Pumayag ka na sa alok ni Tita. Pupuntahan kita sa opisina mo para dalhan ka ng pagkain," pag-iiba ko sa usapan.
Mataman niya akong tinitigan. Pinilit ko pa siya ng ilang sandali at napagkasunduan na susubukan niya ng isang linggo at may kondisyon na sabay kaming magla-lunch sa opisina niya.
"Sige na!" Tulak ko kay Enzo pabalik sa sasakyan.
Inayos ko lang ang necktie niyang hindi niya alam suotin. Dalawang beses na tapik bilang pang-goodluck sa magkabilang balikat niya'y pinagtabuyan ko na.
Ngayon ang unang araw na magtatrabaho siya. Tinatamad pa siyang bumangon kanina at kung hindi niya ako kailangan ihatid sa eskwelaha'y baka hindi nito tuparin ang sinabi niyang susubukan niyang mag-trabaho ng isang linggo. Naisip ko ring baka nasa bungad ng parking lot si Cole kaya pinipilit ko siyang makaalis na.
Kapag nakita niyang kasama ko si Cole pagsasabihan nanaman ako nito at baka magtanong pa sa isa sa mga babae niya sa loob ng school. Madali niyang malalaman kung magtatanong siya, hindi kami patagong nagkikita sa eskwelahan ni Cole kaya't maraming nakakaalam na nanliligaw siya sa akin. He respected my decision to not tell to my parents yet, nakakahiya na pati sa school ay hihilingin ko pang maging patago ang panliligaw niya.
Umirap ako sa pag-ilaw ng teleponong mapayapang nakahiga sa lamesang inokupa ko sa loob ng library.
"What?" Pabulong na tanong ko pagkasagot sa tawag ni Enzo.
Isang araw palang wala nang tigil ang tawag niya. Kanina nangungulit na nangako raw akong sabay kaming magla-lunch. Hindi ko naman sinabing araw-araw. Twice a week or weekend siguro pwede. Nag-aaral ako at hindi kakayanin ng oras pabalik dito kung aalis ako at pupunta sa opisina niya para lang kumain ng tanghalian. Cole also ate lunch with me that I can't tell to Enzo.
"I'm in a meeting. Ang boring-"
"Enzo! Listen to them! Maybe that meeting is important!"
"Nakikinig ako. Pero wag mong ibaba,"
Sa tamad at paos niyang boses parang nakikita ko siyang tamad na nakaupo sa swivel chair sa conference room kung doon man sila nagm-meeting. Nakatukod ang isang siko sa gilid ng upuan at nakapangalumbaba. Magulo ang buhok at ang necktie na inayos ko kanina ay tinanggal niya.
"Fine!" Pagpayag ko at nagbuntong hininga.
At least he didn't video call. Naririnig ko nga lang ang tungkol sa meeting nila. Pinag-uusapan ang tungkol sa pag-renovate ng isang building nila. Naging interesado ako dahil ganitong field ang gusto kong trabaho, sa halip tuloy na mag-review ay nakinig na ako sa meeting. Napapatango ako minsan sa palitang opinyon ng mga ka-meeting niya.
"What do you think, Mr. Adler?"
Napatitig ako sa telepono nang marinig ang nagtanong kay Enzo. Nakasuot naman ako ng earbuds pero hindi ko maiwasan mapatingin sa teleponong nakalapag sa lamesa upang hintayin ang isasagot ni Enzo.
"Well..." tumikhim siya at lahat yata ng nasa kwarto ay natahimik sa paghihintay sa opinyon niya. Kulang nalang ay makarinig kami ng kuliglig.
"Talk, idiot.." bulong ko dahil sa inip.
Tumawa siya sa kabilang linya at mukhang narinig ang bulong ko.
"Oh! Wow! That's awesome!" I heard him clapped after he blurted that out. Para may masabi lang.
Wala akong narinig na reaksyon isa man sa mga kasama niya sa meeting. Sa tingin ko'y nakatingin ang mga ito kay Enzo at nawiwirduhan.
Naibaba ko ng tuluyan ang nire-review at malakas na tumawa. Umiling ako nang magtanong siya ng 'what?' dahil tawa ako ng tawa. I don't understand, he's annoying but he's really funny.. unknowingly. Hindi niya napapansin minsan na nakakatawa ang katangahan niya.
Napapalabas niya ang ugaling hindi ko alam na meron ako. Hindi rin ako mahilig manakit pero nahahampas at nasasampal ko siya madalas.
He's funny to be with, walang dull moment kapag kasama siya. Kaya siguro nag-click ang pagkakaibigan namin dahil magka-iba kami. I'm quite and serious type of person while Enzo is talkative and vibrant. Nababalanse ang ugali namin kapag magkasama. Minsan pa ay nahahawa ako sa kakulitan niya.
Natigil ako sa pagtawa at natatarantang pinatay ang tawag ni Enzo nang matanaw kong papasok si Cole sa library.
"Hi," ngiti ko at napahawak sa magkabilang pisngi dahil baka namumula pa ako sa ginawang pagtawa.
Umupo siya sa tabi ko at nakisilip sa binabasa ko. Nilipat niya ang tingin sa akin. Pinagmasdan ang aking mukha bago nagsalita.
"Nakausap ko na sila Mama, gusto ka na niyang makita. Kapag ready ka na at gusto mo na.. isasama kita sa bahay,"
Nahimas ko ang aking balikat at batok na madalas kong gawin kapag nakakaramdam ng kakaiba. Kapag nahihiya, natutuwa, natatakot, kung hindi ako kumportable o iba pa. Nakasanayan ko at huli ko nang napapansin na ginagawa ko na.
"Ayos lang ba sa kanila kahit hindi pa kita sinasagot?" Parang nakakailang kasi at hindi ko alam kung paano ba patutunguhan ang magulang ng lalaki na manliligaw ko palang.
"No problem, Eia.. matagal na kitang nak-kwento sa kanila.. and they are excited to meet you,"
Napakurap ako at hindi makapaniwala na pinag-uusapan nila ako. Ibig sabihin bago pa siya manligaw kilala na ako ng Mama niya?
"Okay, maybe next week?"
Nahawa ako sa pag-ngiti niya. Tumango siya at bumukas ang labi para magsalita.
"Sure-"
Sabay kaming napatingin sa lamesa sa pag-ilaw ng telepono ko. Halos maalog ang lamesa sa sobrang pag-vibrate niyon na parang gigil na gigil ang tumatawag.
Mukha naming dalawa ni Enzo ang naroon at nakarehistro ang pangalan niya. Mahina akong natawa, hindi pinansin ang tawag niya at binalikan ng tingin si Cole na tahimik. Nakatitig ito sa telepono ko at nang mapansin ang pagbaling ko sa kanya'y tinignan rin ako.
"Nanggu-gulo lang, naboboring siguro sa work," maagap na paliwanag ko.
"He's just your friend, right?"
"Yes, he's dumbass but he's harmless," natatawang turan ko, napangiti siya at tumango.
"Hindi mo sasagutin?"
Umiling ako.
"Hindi na, kanina pa iyan nanggugulo-"
"Ako ba hindi mo sasagutin?"
Naiwang nakanganga ang labi ko. Pinangapusan ako ng hininga at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko. Tinawanan niya ako at hinawakan sa braso.
"Hey! I was just kidding!" He shook me a bit and chuckled huskily when he saw me blushed.
Isinara ko ang nakaawang na labi at sa kabilang gilid tumingin para maitago ang pamumula ko kahit nakita na niya.