"Busy nga, Enzo! Estudyante ako at maraming ginagawa!"
"You are not even graduating!"
"Bakit? Mga graduating lang ba ang busy sa school?" I said, grimacing. I'm a bit bothered that he might notice, so I just pretended to be irritated.
Kanina pa kami nagtatalo. Mabuti nga at sinamahan ko siya mag-lunch ngayon. It should be Cole but Enzo called me that he's coming to school, kaya't halos takbuhin ko ang opisina niya at sinabi kong papunta na ako.
Nagpadala siya ng lunch namin ngayon, friday na at ilang araw ko siyang natanggihan na sasabayan mag-lunch kaya heto siya at nanenermon pagkakita sa akin.
"Kaya ako pumayag na magtrabaho dito dahil sinabi mo na sasabayan mo ako kumain! Tignan mo nga ang binigay ni Mama! Tinambakan ako ng trabaho at parang ayaw na akong paalisin!" Sinasabi niya iyon habang pinipirmahan ang tambak na papel sa lamesa niya.
"Balak mo pa umalis? Wala ka namang trabaho bukod sa paglipad mo papunta sa isla minsan, 'di ba? You better work your ass here than wasting your time on playing and doing dirty things with girls!"
"One week lang ang usapan natin-"
"You'll try for one week but you look fine here and you look doing well. Seryosohin mo lang ng kaonti, masasanay ka rin.. At susubukan kong mas madalas kang bisitahin-"
"Susubukan mo? Isang linggo pa nga lang ako rito hindi ka na makapunta! If you're busy studying then I suggest you to bring your study here. Maybe I can give a little help,"
"You are here to work, Enzo, not to help me to my study!" I replied with my scornful face.
"Baka lang naman makatulong.. maybe after work I can check on you?" He insisted, shrugging his shoulders.
Napaisip ako saglit. Kung dito ako mag-aaral mababawasan ang oras namin ni Cole na magkasama. But if I let him do what he wants he won't have to visit the school and he won't know about me and Cole.
"Pag-iisipan ko," saad ko, pinagmamasdan ang pag-pirma niya. "Teka nga! Bakit ka pirma ng pirma? Nabasa mo na ba lahat iyan?"
"Tinatamad ako-"
"Enzo!"
Humalakhak siya at alam ko na kaagad na niloloko niya ako. Binasa niya siguro muna ito bago niya pirmahan kaya may mga papel na nakahiwalay at mukhang hindi pasado sa kanya o kailangan pag-aralan ulit.
Honestly, he looked decent when I entered his office while he was focused on the laptop, I almost didn't recognize him. He looks like a productive CEO. Huwag lang magsasalita.
Nasa telepono ako sa tuwing nagm-meeting sila. Minsan ay sadya kong hindi sinasagot kapag kasama si Cole. Kapag magkasama kami, mag-uusap kami at maririnig siya ni Enzo kung sasagutin ko iyon. I just reasoned that I didn't notice his calls or I was in class.
Nakakakonsensya magtago ng sikreto kay Enzo. Kung sasabihin ko nama'y alam na alam kong papatigilin ako nito, ang malala pa ay baka magsumbong siya kay daddy. I will admit it to daddy.. but not now. Nasa bakasyon sila ni Mommy at ayokong masira iyon, ngayon na lang sila nagpahinga at ayokong bigyan sila ng panibagong problema. They went out of town for short vacation and I don't want to ruin their moments together without thinking anything from work.
Inayos ko ang mga pagkain sa office table niya pagkarating. Nakasandal lang siya sa swivel chair na parang hari at ako ang alipin niyang pinagsisilbihan siya.
"Para kang asawa na inaasikaso ako," nakangisi niyang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
I cringed quickly. I couldn't even allow myself to imagine that. I gave him a sharp stares as I stopped preparing the foods.
"You have the thickest face I have ever met! Mandiri ka nga sa sinasabi mo Enzo! Kinse anyos palang ako, gusto mo kasuhan kita?"
"Bakit? Kung nasa tamang edad ka na tingin mo ba papatulan kita?" Mayabang ang boses niya, gustong iparating na hinding hindi niya ako magugustuhan bilang babae.
Kahit gano'n ay humalukipkip ako at taas noong tinaasan siya ng kilay.
"Kung may balak ka sa akin magsasayang ka lang ng oras. You could seduce a non living things but not me, Enzo! No woman will agree to marry a womanizer like you.. and it doesn't look like you want to get married.. not sooner nor later.."
"Yabang! Mag-apply ka nalang na secretary ko. Mas bagay kang utusan kaysa maging asawa!"
I squinted my eyes and glared at him more after he said that. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o talagang ganoon ka-panget ang tingin niya sa akin. And I imagined his secretary with sexy dress and high heels. With his thicked face? I don't think he will hired a nerd-looking secretary.
"That was the same, you idiot! Hire a minor and be ready to face a criminal charges. Busy ako sa school at kahit marami pa akong oras hindi ako magt-tiyaga na maging sekretarya ng tamad at engot na katulad mo-"
"Hoy! Nasasanay kang sinasabihan ako ng tanga!" Tinuro niya ako gamit ang ballpen niyang pang-pirma.
"Kasi tanga ka talaga! Imagine, they were asking about your opinion and your answer is awesome?"
"What's the problem with that? That was my opinion-"
"They were asking your opinion about the renovation. They were asking approval of the designs they presented. They didn't ask if that's awesome or not. Makakabuo ba ng building ang 'awesome' mo? Pipili ka nalang nga ng designs hindi mo pa magawa ng maayos?"
Sumimangot siya at nagsimulang kumain. Inayos ko muna ang inumin namin bago naupo sa katapat niyang upuan.
"Naayos ko na 'yon sa mga sumunod na meeting! Nasa kabilang linya ka noon. Dapat pala sinabi mo sa akin ang sasabihin ko?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Natatangahan nanaman kay Enzo.
"Ako ba si Mr. Adler ha? Ikaw ang naroon! Ikaw ang nakakita ng designs ako ang tatanungin mo? Dapat pala nagpalit nalang tayo! Ikaw ang mag-aral ako ang magtatrabaho-" ipinasok niya ang maliit na hiwa ng baka sa bibig ko gamit ang kanyang tinidor.
"That meeting is over. Ayoko ng maingay kapag kumakain ako," natatawa niyang saad at nilagyan ng mga pagkain ang pinggan ko.
Natahimik ako pero masama ang tingin sa kanya. Sa bawat subo niya'y napapatingin siya sa akin at napapangisi kapag nahuhuli ang masasama kong tingin.
Sobrang gwapo niya at mahihiya ang pores na kumapit sa kanyang mukha, hindi mo maiisip na sobrang tigas at kapal ng mukha niya.
Sasabihin pa na para niya akong asawa? Bukod sa malaki ang agwat ng edad nami'y hindi ako papatol at lalong lalo na hindi ko pinangarap na maikasal sa lalaking katulad niya. Baka lumuha nalang ako ng dugo'y hindi pa ito nagbabago. Mas gugustuhin ko pang maglakad ng nakaluhod mula probinsiya hanggang Quiapo at maging matandang dalaga kaysa habang buhay na makunsume at makasama siya sa isang bubong.
Pagkatapos kumain hindi niya ako pinagbigyan na umalis. Hindi ko na rin napasukan ang huli kong klase.
"One absent won't hurt your grades, Felicity," he's talking to me while reading the papers scattered on his desk.
Nasa malapad na couch ako at sinisisi siya na kapag bumagsak ako sa subject ngayon na hindi ko napasukan ay siya ang may kasalanan. Imposible na bumagsak ako sa subject na iyon pero gusto ko siyang sisihin para sa susunod may dahilan na akong suwayin siya.
"Tatapusin ko lang ito. Sabay tayong uuwi.." nag-angat siya ng tingin at tinignan ang ayos kong naka-indian sit sa couch, may hawak na magazine at binabasa ang tungkol sa mga elite na tao. Natigil din ako sa pag-tingin doon at tinignan siya.
Seryoso ang kanyang mga mata, marahil ay dahil galing sa seryosong pagbabasa kaya't nang mag-angat ng tingin ay nadala niya iyon.
"Sa bahay ka uuwi. Tatawagan ko si Tito," nagbuntong hininga ako sa sinabi niya, hindi na nagreklamo at marahan na tumango.
He reached for his phone without taking off his eyes of me. I think he dialed my father's number. Hindi nga ako nagkamali dahil kausap niya si Daddy sa phone para ipagpaalam ako na hindi inaalis ang tingin sa akin.
Hindi naman masama ang pagtatago ko sa panliligaw ni Cole pero hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kurot na konsensya para kay Enzo. Siguro dahil sa hindi ko pag-sagot sa tawag niya sa tuwing kasama ko si Cole na hindi nangyayari dati.
My parents were on vacation so there's no reason for Daddy to disagree. Kahit narito sila ay papayag rin sila basta si Enzo ang nag-paalam. Alam nila ang karakas ni Enzo pagdating sa mga babae pero may tiwala sila rito dahil alam nilang nirerespeto sila ni Enzo.
Iyon din siguro ang dahilan kaya hindi na siya masiyadong nagpapakita ng motibo na interesado siya kay Ate dahil din sa respeto niya sa magulang namin ni Ate Feleena. Pero ang maisip na may gusto si Ate Feleena kay Enzo ay may posibilidad sila. Legal na kami after three years, siguro ay sabay silang magma-matured sa edad na iyon at maaari pang sa huli ay sila ang magkatuluyan. Hindi imposible iyon lalo pa't magkaibigan ang mga magulang namin.
We went to the nearest restaurant from his office to eat dinner. After eating we went straight to their house. Wala na akong p-problemahin dahil may mga gamit ako sa kwartong nakalaan para sa akin doon.
"You'll sleep here once a week," he said before he get off his car.
Salubong ang kilay kong nakatitig sa malapad niyang likod nang sundan ko siya pagpasok niya sa loob ng bahay nila. Natigil lang ang paghakbang ko sa biglaang pagharap niya.
"Necktie," maikling utos niya.
Nagbuga ako ng nagpapasensyang buntong hininga at lumapit, mabagal na hinubad ang suot niyang necktie. Doon ako sa necktie nakatingin at siya'y nakayuko, nakatitig sa akin.
"Ano naman ang gagawin ko rito sa bahay niyo, Enzo? Matutulog? Kakain? Pwede ko naman gawin iyon sa bahay,"
Inalis ko na rin ang coat na suot niya at naglakad palapit sa sofa para doon ipatong ang mga hinubad ko sa kanya bago ko siya muling hinarap. Sumandal ako sa likod ng sofa at nakahalukipkip siyang tinignan.
"Ngayon lang ako matutulog dito. Pinagbigyan lang kita kahit abala ako ngayon at maraming ginagawa," seryoso at medyo nakikiusap ang boses ko.
Binasa niya ng dila ang ibabang labi niya't tinitigan ako. Humakbang siya palapit at ikinulong ako sa pagitan niya at nang sofa. Ang dalawang kamay niya'y nasa magkabilang gilid ko, bahagyang nakayuko para pag-pantayin ang mga mata namin.
"Dalhin mo nga sa office-"
"I can handle my study without anyone's help. Kaya trabaho mo ang atupagin mo, Enzo. Dadalasan ko ang pagdalaw, pangako!" Ngumiti ako at itinaas ang kaliwang kamay tanda ng pangako.
Natawa siya at ibinaba iyon. Ipinalit niya ang isa kong kamay.
"Kanan dapat ang itataas kung tutuparin mo ang pangako mo! Halatang wala kang balak na tuparin iyon ah!" Pinanliitan niya ako ng mga mata. Natawa ako at tinulak siya palayo.
Napapayag ko rin siya kalaunan na ipagpapatuloy niya ang pagtatrabaho at madalas ko siyang pupuntahan. Nagyaya pa siyang manuod ng movie sa sala. Doon na ako nakatulog sa sofa subalit nagising akong nasa kwarto na at mukhang binuhat niya.