Failed Seduction 13

1886 Words
I am terribly nervous of course because this is the first time I will going to meet his parents. Should I have to impress them? What should I wear? Should I remove my glasses and wear contact lenses? Do I have to believe in first impression last? Sumisigaw yata ang kaba ko kaya tinawanan ako ni Cole. Inabot niya ang kamay kong nanlalamig habang patungo kami sa bahay nila. Nakasuot pa ako ng uniform at pakiramdam ko ay hindi dapat ito ang suot ko ngayon. Siguro dapat nag-ayos ako kahit kaonti para masabi manlang na pinaghandaan ko ang araw na ito. "What should I do when we get there?" Lumawak ang ngiti niya at mariin na hinawakan ang kamay ko. Hindi nagtagal ang titig niya dahil nagmamaneho. He just turned eighteen recently but he already has a license. Hindi ko kilala ang mga magulang niya ngunit kapag titignan siya'y masasabi kaagad na hindi siya basta basta at kasama sa alta sosyedad. "Just be yourself and everything will be fine, alright?" Ngumiti siya, napangiti na rin ako. Halos lumuwa ang mga mata ko pagkakita sa malaking bahay nila. Natawa ulit siya sa reaksyon ko. I feel like I literally gone to real castle. Ang laki ng bahay nila at hindi kakasya ang salitang malaki lang. Lalo akong kinabahan at naimahe ang mga magulang niya na terror at nakataas ang kilay sa akin. Nagbago nga lang ang tingin ko pagkalabas sa sasakyan niya. Hinuli niya ang kamay ko at sabay naming sinundan ng tingin ang babaeng tumatakbo palapit sa amin. Nakasuot ito ng mataas na heels at magarang damit na hindi angkop sa kilos nito na pagtakbo. "Siya na ba?" Napatingin ako kay Cole pagkatapos siyang tanungin ng babae. "Opo, Ma," Nagulat ako sa tawag niya sa babae. Katulad ni Tita Graciela at ni Mommy ay mas mukha silang bata sa edad nila. Papasa silang mga barkada namin kung tatanda pa ako ng kaonti. Lumawak ang ngiti ng Mama niya at hinawakan ako sa braso. Tinitigan ang nabibiglang itsura ko. Hindi ako makangiti sa bigla dahil sa bungad ng Mama niya. "Good afternoon po," halata sa pagbati ko ang pagka-ilang. "Good afternoon din, Felicity. Pumasok na kayo!" Masaya ang boses niya at makahulugan na tinignan ang anak. Nang lingunin ko si Cole ay nakatitig siya sa akin. Ngumiti ako at napayapa. Ang kaninang inipon na kaba ay itinapon na. He's really perfect and I think.. I really think what I feel is more than like.. more than crush.. I feel more deeper than like.. Nakakatuwang kausap ang mga magulang niya. Ang Papa niya ay seryoso pero natatawa sa asawa na maingay at naging bangka sa buong magdamag. Buong kabataan ni Cole ay kinukwento niya. Kahit hindi ko siya nakasama sa kabataan niya'y parang naroon na rin ako dahil sa paraan ng pag-kwento ng Mama niya. "Thanks for the dinner Tita Carla," Ayaw pa niya akong pakawalan kaya lang hindi pwedeng magtagal dahil magtataka si daddy kapag tumawag sa bahay at wala pa ako. Alam iyon ni Cole kaya't maaga rin ang naging dinner nila ngayon. "Sa susunod Mama na ang itawag mo sa akin-" "Ma!" Natatawang saway ni Cole. I laughed too, she was funny and very bubbly. Nagpasalamat ulit ako sa mga magulang niya bago nagawang sumakay sa sasakyan. "They are nice," I commented after we left their house. "Because they like you," he smiled. I think I liked him more after I meet his parents. Ang ganda ng samahan nila at parang ang sarap mapabilang sa pamilya. Kadalasan ay tatlong bahay tsaka ako bumababa sa sasakyan ni Cole. Ngayon malayo palang ay pinatigil ko na siya sa pagmamaneho. Naroon sa tapat ng gate ang sasakyan ni Enzo, kakapatay lang ang ilaw at mukhang kakarating lang. Napahawak ako sa dibdib at kinakabahan na napatingin kay Cole. Alam niyang si Enzo iyon dahil sabay naming nakita ang pagbaba nito sa sasakyan. Inutusan ko siya na patayin ang ilaw ng sasakyan na agad niyang sinunod. "Dito nalang ako-" "Pati ba sa kanya hindi mo pwedeng ipaalam?" "Isusumbong niya ako kay Daddy," Nagkatinginan kami, nakagat ko ang ibabang labi ko nang hindi siya magsalita. Saglit akong nag-alala na mabilis ding nawala dahil sa pag-ngiti at pag-tango niya. "Thanks for the ride, Cole." I get off his car immediately after he said his goodnight and nodded. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa gate. Napagbuksan na siya ng katulong at natanaw ko ang likod niya. Papasok palang ako sa gate samantalang nakapasok na siya sa bahay. Huminga ako ng malalim at binilisan ang paglalakad. Nasa bungad palang ako ng pinto'y narinig ko nang itinanong niya ako sa katulong. "Enzo!" Nagmamadali at mahihimigan ang pagkataranta sa boses ko. Alam ni Ate na nanliligaw si Cole sa akin. Mabuti nalang at umalis ang mga magulang namin at hindi siya makakapagsumbong. Sa palagay ko'y wala rin naman siyang pakialam. Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala at nakitang malinis iyon. Wala si Ate Feleena. "Si Ate?" Tanong ko sa katulong, sinusubukan tatagan ang boses. "Umalis po Ma'am," Tumango ako at walang pagpipilian kundi ibaling kay Enzo ang tingin. Nakaabang ang mga mata nito sa aking pag-lingon. "Where have you been?" Bumalik ang atensyon ko sa malalim at may kasamang galit na boses ni Enzo. Nanlalambot ang tuhod ko sa kaba ngunit pinilit pa ring humakbang palapit sa kanya. Kasalungat ko ng lakad ang katulong, papunta ako kay Enzo samantalang palabas siya ng bahay. Parang gusto kong hilahin ang katulong at sabihin na dito lang siya. I continued walking. I just cleared my throat when I'm already in front of him. Nasa sahig ang mga mata ko habang naglalakad papunta sa kanya, nag-angat lang ng tingin nang nasa harapan na. Nasalubong ko ang madilim niyang mga mata na binabasa ang kilos ko. Lalo akong kinabahan. "School," pinilit kong gawing normal ang boses ko at pinigilang mautal. He knotted his forehead and looked at the expensive watch on his wrist. "At this hour? Kanina pa natapos ang klase mo ha? What took you so long?" He asked skeptically. "I spent some time in the library. Like.." I swallowed hard. "Like what I said, I'm busy-" "Anong sinakyan mo pauwi? Wala akong nakitang tumigil na sasakyan diyan sa labas," lumapit siya sa pinto ng sala at sinilip ang labas. Walang ibang sasakyan sa labas ng gate kundi ang sa kanya lang. Nasa labas ang tingin ni Enso, salubong ang kilay na para bang mahahanap niya ang sinakyan ko pauwi doon. Pagkabalik ng tingin niya sa akin ay naroon pa rin ang pagdududa sa mga mata. "Wala na diyan! Siyempre, umalis na iyon pagkababa ko!" "Ano nga ang sinakyan mo?" "Nag-taxi ako!" Matagal niya akong tinitigan. Palala ng palala ang kaba ko kaya't tinalikuran ko siya at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Nagpakalma lang ako at naglinis ng katawan, sinagot ko rin ang tawag ni Daddy. Sinabi kong nakauwi na ako at umalis si Ate. Hindi na nila mapigilan si Ate sa mga gawain nito kaya sa akin siya naghihigpit ngayon at ayaw raw niyang matulad ako sa kapatid ko, kahit isang matinong anak manlang daw ay may matira sa kanya. Inasahan ko na na nasa sala pa si Enzo dahil hindi naman nawala ang sasakyan niya sa labas. Nakapatong ang paa nito sa center table at tamad na hawak ang remote para ilipat ang pinapanuod. Nang maramdaman niya ang pagbaba ko ay nilingon niya ako, mabilis ring nag-iwas ng tingin at dismayadong nagbuntong hininga. "Saan ka ba talaga nanggaling?" Tanong niya na hindi ako nililingon. Hindi ako umupo, sa likod ako ng sofa nagtungo at nakidungaw sa tv na palipat lipat ang estasyon. "Library nga-" "Stop lying, Felicity. I called Lolo." Nabigla ako sa pagharap niya. Matalas tumingin at madilim. "I also talked to librarian. Hindi ka nanggaling sa library.. Saan ka galing at kailangan mong magsinungaling?" Seryoso at madilim ang mga mata niya ngunit kalmado ang boses. Nagbara ang lalamunan ko at nahirapan sa paglunok. Mas nakakatakot pala siya kapag ganitong kalmado at walang bahid ng mapaglarong ngisi sa labi. Napakurap ako at mabilis nag-isip ng idadahilan. Walang alam ang Lolo niya ngunit may alam ang librarian. Sa pagtatanong ni Enzo, sa tingin ko'y wala itong nabanggit tungkol sa panliligaw sa akin ni Cole. Huminga ako ng malalim at umikot sa sofa para makaupo sa tabi niya. Inayos ko ang salamin na nasa mata at inagaw sa kamay niya ang remote. Sa tv ako nakatingin habang nagsasalita. "May group study kami! Kung nagpaalam ako sayo alam ko na hindi mo ako papayagan at baka papuntahin mo pa ako sa opisina mo!" Hindi siya nagsalita, hindi rin ako makatingin. Alam kong nakatitig siya at binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa takot na mabasa niyang nagsisinungaling ako'y sumimangot nalang ako at nagkunwaring naiirita. Nagtagal ng ilang minuto bago ko narinig ang buntong hininga niya. "Sa susunod magpapaalam ka," Tumango ako. Itinagong nakahinga ng maluwag dahil napaniwala ko siya. "Oo, wala kaming guro sa huling klase bukas. Gusto mo puntahan kita?" Tanong ko para maiwala ang usapan kung saan ako nanggaling. Tuluyan nang nawala ang kaba ko nang makita ang unti-unting pag-relax niya. Ipinatong niya ang isang braso sa likod ng sofa, sa sandalan ng kinauupuan. Ang ulo niya'y pabagsak na isinandal sa sinasandalan niyang sofa. Pumikit siya at hinilot ang sintido gamit ang isang kamay. "May meeting ako buong araw bukas kaya dumaan na ako rito. We might not meet tomorrow so I came here now," pagod ang boses niya at siguro'y pinilit lang na dumaan dito. "Inaantok ka ba? Kaya mo pa magmaneho?" "Kaya ko pa. But I will rest a little first," Hinarap ko siya at tinulungan sa pagmasahe sa ulo niya. He looked really tired, mukhang sinulit ni Tita ang pagpayag ni Enzo na magtrabaho. I know that Enzo's father is the owner of that company. Nagtataka lang ako na hindi ko pa nakitang magkasama sila bilang isang buong pamilya. Isang beses kong nakita ang Papa niya pero dahil matagal na hindi ko na maalala ang mukha. "Dapat kasi dumiretso ka na ng uwi," mahinahong sermon ko. Inalis ko na ang kamay niya at ako na ang nagpatuloy sa pagmasahe sa sintido niya. Sa sobrang malapit namin ay wala nang malisya sa akin kahit halos yakapin niya ako nang ipatong niya ang brasong nasa sandalan ng sofa kanina papunta sa balikat ko. Nakapikit siya at bahagyang naka-awang ang labi. Nasasarapan sa ginagawa ko. "Nabawasan ang oras ko sayo. Baka lang naman magtampo ka kung hindi kita pupuntahan?" Sumimangot ako at diniinan ang pagmasahe sa ulo niya. Napangisi siya at maliit na binuksan ang isang mata para silipin ako. Natawa siya at parehong idinilat ang mapungay na mga mata. Nakakahawa ang pagkapungay ng mga mata niya nang matitigan ko. Kaonti nalang ay hihikab na ako dahil sa nakakaantok niyang titig. Pagkaraa'y nawala ang ngisi niya at sumeryoso ang mga matang nakatutok sa akin. "I actually came here because I miss you." He whispered. I suddenly feel goosebumps with his hoarse voice. There was no sign of playfulness in his eyes when I intently look at him. I stared at him more. He grinned at me and before I could read what was in his eyes, he already closed them again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD