Failed Seduction 03

1870 Words
"Si Jennica ba iyon?" Umirap ako sa pagngisi niya. Kulay berde ang buhok niya ngayon. Magulo pa iyon at sinusuklay niya pataas. Kakalabas niya lang sa isang kwarto ng school, kasama niya si Jennica na hindi pa tapos ibalik ang pagkaka-butones ng blouse nito. Bago sila maghiwalay isang palo pa sa pang-upo nang babae ang ginawa niya. Nakakadiri talaga siya minsan. Kung saan saan nagkakalat at kahit siguro poste na suotan ng palda'y papatulan niya. "Jennica ba? Hindi ko alam pangalan e," ngisi niya at aakbayan ako kaya mabilis akong umatras. "I can go to your car without you laying your dirty fingers on me," taas kilay na agap ko. Napalabi siya at sa huli'y natawa. Nagpatiuna na ako bago pa niya ako hawakan at ipilit sa balikat ko ang braso niya. Pasulyap sulyap siya't nakangisi. Niyayabangan ako dahil naka-isa nanaman siya sa isa sa mga estudyante dito. Bukod sa kilala siya rito dahil sa may-ari ng school, kilala rin siya dahil mahilig talaga sa babae. Napapailing nalang ako, kung minsan kasi ay naririnig ko pa sa mga babae na pinag-uusapan siya at kung ano ang ginawa niya sa mga ito. They talked animatedly how handsome and good he is. Kakailanganin ko pang magtakip ng earbuds sa tenga para lang hindi marinig ang malalaswang kwentuhan nila. Wala na talagang delikadesa ang mga kabataan ngayon. Mas gusto pa nilang gawin iyon sa publiko dahil nakakadagdag raw sa init ang kaisipan na mayroon maaaring makahuli sa kanila. Walang masamang makaramdam ng gano'n, hindi rin masamang gawin 'yon kung iyon ang gusto nila. But do it publicly wasn't right. That was absolutely immoral. They should be talking about lessons not about the guy they f**k. Kahit mga ka-age ko pinapatulan niya. Narinig ko ang halakhak niya. Nilingon ko siya at nasa mukha na natatawa siya dahil sa dismayado at pandidiring lantarang ipinapakita ko para sa kanya. I twisted my lips because of disgust then rolled my eyes to look away. Naghalukipkip ako pagkatigil sa tapat ng sasakyan niya. May multo pa ng ngisi sa labi niya nang ilabas ang susi ng sasakyan at patunugin iyon. "Ikaw ang pinaka maarteng nerd na nakilala ko," pang-asar niya pagkalapit dahil alam niyang ayokong tinatawag akong nerd. Ano bang batayan nila sa nerd? May makapal na salamin? Nakasuot ng brace? May yakap na libro at mahaba manamit? Yup, that's me! But I am denying that I'm nerd. What I know about nerd is they are introverted or lacking in social skill, being shy or unattractive.. boring? Wala ako doon sa lahat ng nabanggit. I am not introvert. I am studious but I am not boring. I came to some party too and socialized, and especially I am not unattractive, marami rin ang nagpapakita ng pagkagusto sa akin na mabilis kong pinapatigil.. my reason? My study! Dumikit ang likod ko sa pinto ng sasakyan niya dahil sa pag-abante niya para ikulong ako sa pagitan ng kanyang katawan at sasakyan. "You're disgusting, Enzo!" I said then pushed him away. "Hey! Hey! I'm not disgusting, you are just being judgemental-" "Excuse me! I'm not judgemental! Judgemental lang ako kung hindi totoo ang sinasabi ko! Tignan mo nga at kakalabas mo lang ng kwarto at nasa mukha mo na nakaraos ka! So I'm not judging you I'm just saying what I saw!" I smirked on him then opened his car door to went inside. Mabilis kong sinarado iyon kaya't wala siyang nagawa kundi ang umikot para makapasok sa driver seat bago ako batuhin ng panibagong paliwanag niya. "You mean, my active sexlife was disgusting? I am just being very generous, cheesecake. They want me, then I gave them myself wide open," "Giving them yourself wide open? Or you may be mean, you open their legs wide open?" He was laughing while moving his eyebrows up and down, telling me that I got it right. "Kind of," he smirked then started the engine of his car. Napailing ako sa naisip. Sinusundo lang yata ako nito dahil sa mga babae na napagpaparausan niya. "Whatever, you're still disgusting. You can bring them to your room, Enzo, not inside school. Your choice of place was always improper," "They want it public, so.." he shrugged his shoulders. "Hindi ako nagdadala ng babae sa kwarto ko. At isa pa, doon inabutan e, lalayo pa ba ako?" Nagbuntong hininga ako. Isang beses pa siyang sinamaan ng tingin at nagbukas ng libro habang nasa biyahe. I don't mind him playing around inside school or anywhere, it's just that he's my friend at sa tuwing nagsasawa siya sa mga nagiging babae niya sa school ay sa akin sila nagtatanong. That's fine, but sometimes they are irritating. Do they think I am a messenger to pass all their complaint to Enzo? Hindi ba't kapag ganitong lalaki ang pinatulan nila'y alam na dapat nila ang kakalabasan? Men like Enzo doesn't take the relationship seriously. Men like him doesn't want commitment. Kung magkaroon man ng karelasyon ay hindi iyan makokontento sa isa, lalo pa't magaling mang-akit ng mga kababaihan. Makipagtitigan lang siya at isang malanding ngisi lang ay bibigay na. Ako lang yata ang hindi tatablan ng karisma niya dahil bukod sa kilala ko ang ugali niya'y may iba rin akong gusto. I have preference for men. If ever I will fall in love hard, that would be not Enzo, it will always be Cole. Paminsan niya akong ginugulo pero nasanay na ako at hindi na ako napipikon. Nariyan na susundutin ang pisngi ko kapag nakatigil ang sasakyan. Inililipat ang pages ng binabasa ko kahit hindi ko pa natatapos na basahin. I will just roll my eyes and ignore him. "Susunduin kita bukas," Nabuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya, palabas na ako ngunit natigil iyon at muli siyang hinarap. "Saan ka naman kayang kwarto lalabas bukas?" Tanong ko at pinanliliitan siya ng mga mata. Humalakhak siya at hinila ako sa batok para dampian ng halik ang aking noo. It was a swift brotherly kiss. Sa tuwing ihahatid niya ako at susunduin, hindi niya nakakaligtaan ito. Ibinaba niya ang kanyang mukha para magpantay kami ng mga mata. Sinisilip niya nanaman ang mga mata ko sa loob ng makapal kong salamin. "Probably next to your room, you sister's room-" Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay tinulak ko na siya at nagmamadali akong lumabas ng pinto. Kumaway ako nang ibaba niya ang bintana ng sasakyan niya. "Tell to your sister that I will wait for her in the next room," he grin at me evily. I arched my brows, cross my arms and rudely stares at him. "Are you still not done hitting on my sister?" "I will not stop until I taste her-" Tumalikod na ako at hindi na siya pinatapos sa sinasabi niya. Pagkapasok ko ng gate ay tsaka naman umalis ang kanyang sasakyan. Naabutan ko si Ate na nagdidilig ng halaman sa labas at nakatanaw sa gate kung nasaan kanina ang sasakyan ni Enzo. I observed her, Ate Feleena looked interested to him, kaya nagtataka ako kung bakit hindi niya pinapansin si Enzo at parang sinasabik niya dahil alam niyang may gusto ito sa kanya. Hindi kami malapit ni Ate, siguro ay dahil magkaiba kami ng gusto. She's my sister but I know she's a flirt, marami na siyang naging lalaki at alam kong marami na rin siyang naging experience sa kama samantalang ako ay wala pa kahit first kiss. I was sure that she will fit to Enzo, kung sakali na maging sila'y hindi ko ma-imagine kung ano ang kakalabasan. They both wild and carefree. Parehong walang pakialam sa paligid kahit may makahuli pa sa kanila na may ginagawang kakaiba. That would be heaven for them but a disaster for me, paaralan at simbahan ang sagradong lugar para sa akin at ang mga lugar na sagrado para sa akin ay dinudungisan nila. I removed my thicked glasses after entering the room then pulled my chopstick like hair pin and shook my head to let my waist length hair fall gently at my back. Pagkapasok ko sa banyo ay walang tigil ang pagkadismaya ko nang maalalang isang beses kong nakita si Enzo sa simbahan na may kahalikan na babae. It was Genesis, she's known for being godly, palasimba at tahimik tapos mahuhuli kong nakikipaghalikan kay Enzo? Hindi naman nagsisimba ang lalaking ito pero hindi nawawala sa simbahan kapag mayroon bagong magandang babae na natipuhan. Wala siyang pinapalampas, mahinhin na babae o pariwara. Basta matipuhan niya at magandahan o masexy-han. He's a man without standard when it comes to women, if I didn't know him I will think that he's a satyromaniac or a nymphomaniac for women. I was holding basket of fruits covered with red cellopane to offer to the church that time. Genesis is one of choir member, we both sometimes singing for the church. Mas madalas nga lang siyang nasa simbahan kaysa sa akin dahil mas prayoridad ko ang pag-aaral. I'm not judging her because like her I'm not saint, nakakagawa at nakakapag-isip rin ako ng masasamang bagay. Hindi ko lang talaga inakala, lalo pa at istrikto ang mga magulang nito. And I'm sure Enzo was the one who enticed her. Namataan pa nga ako ni Enzo na papasok sa simbahan niyon, nginisian pa ako at ipinakita kung paano niya pinagapang ang kanyang kamay mula sa hita ni Genesis paakyat. Marahil ay nakitaan nanaman niya ako sa mga mata ng pandidiri para sa kanya. He loves to irritate me. He loves the dismay and disgust on my face. He said that I am became more uglier when I frown whenever I don't like what I see. He's my friend but I will never like a man like him to be my partner someday. He's encouraging good women to be bad. He's a bad influence to anyone except mine. Marami siyang binabawal sa akin na ayos lang naman dahil alam kong makakabuti sa akin kaya't hanggang ngayon ay magkaibigan kami kahit magka-ibang magka-iba kami sa lahat ng ugali. He's like my rebel brother but still cares for me, his little sister. After I took a bath I read his messages, he said that he arrived home and that he will pick me up early in the morning to take me to school. I sighed and type in my reply. Naglakad ako papunta sa kama habang nagtitipa. Me: Okay. Good night. Hindi ko pa naibababa ang telepono ay tumunog na ulit iyon para sa reply niya. Enzo: Good night too, cheesecake :) I stared at his reply for a seconds. Kung noon ay nagugulat ako sa ganitong tawag niya sa akin, ngayon ay sanay na ako at parang wala nalang. Like what I said, I got a crush on him when I first saw him. Nang magtagal nga lang ay nawala rin, siguro dahil mababaw lang naman at alam ko kung ano ang ugali niya pagdating sa mga babae. Maybe I was turned off or maybe I'm not really attracted to him? Maybe I just liked him as an older brother. O' siguro rin dahil naagaw ni Cole ang atensyon ko at higit pa sa pagiging crush ang nararamdaman ko para kay Cole. They are the total opposites and I really like Cole's qualities as a man compared to Enzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD