Failed Seduction 02

1476 Words
“DATING you is like dating my grandma.” Tumatawa siya habang inaasar ako. “Sino bang nagsabi na date ’to?” Lumabas kami dahil gusto ni Tita Graciela—ng Mama niya— na samahan ko si Enzo habang nasa salon siya. Isinama niya kami at ngayon ay kumakain kami habang naghihintay na matapos siya sa package ng salon na kinuha niya. Maganda si Tita Graciela at bata pa. Maagang nagka-anak kaya’t para lang silang mag-ate ni Enzo. Magaling din mag-ayos at madalas na nasa salon. Ang sabi niya’y mas maganda raw ako kaysa kay Ate. Kambal kasi kami ngunit hindi kami magkamukha. Palagi niya rin akong pinipilit na aayusan niya, na paulit-ulit ko rin naman na tinatanggihan. “Ako! Hindi na tayo nakakakain sa labas dahil diyan sa Cole mo!” Napangiti ako nang maalala si Cole kaya sumimangot siya. “Inaayos kasi namin ’yong garden.” Sinumpak niya ang malaking hiwa ng karne at padabog na ibinagsak ang kutsilyo na pinanghiwa niya kaya napatingin sa amin ang ibang customers na kumakain. Nakakahiya talaga minsan kasama itong lalaki na ’to! Nilingon ko ang mga tumingin at nginitian ko para iparating sa kanila na walang problema. Tiningnan ko nang matalim si Enzo at sinipa ang paa niya na nasa ilalim ng lamesa. “Aray! Bakit ba?!” malakas na reklamo niya at hinimas gamit ang kanyang isang kamay ang paa niyang sinipa ko. “P’wede bang tumahimik ka na lang Enzo at kumain ka na lang nga diyan!” “Ayaw mo lang pag-usapan kasi nilalandi mo ’yong Cole na iyon!” Sinampal ko ang labi niya kaya’t napatakip siya ng kamay doon at salitan na kinagat ang ibaba at itaas niyang labi. Namanhid siguro ang mga labi niya dahil sa lakas ng sampal ko. “Bunganga mo ha! Anong nilalandi ka riyan?” Nakasimangot siya nang isinubo niya ang panibagong hiwa ng karne at balak sanang ibagsak ulit ang kutsilyo na ginamit niya ngunit tinaasan ko siya ng kilay kaya hindi natuloy. Para siyang isip bata, nakakaasar! “Bakit noong nakaraang araw nakita ko kayo sa library?” “Nag-aaral malamang! Ano pa bang ginagawa sa library?” Napangisi siya at may kagaguhan na naman na naisip. Umirap ako at gusto siyang tusukin ng kutsilyo na hawak ko dahil sa sunod na sinabi niya. “I don’t go to library to study... nakikipag-s*x ako...” bulong niya, gamit pa ang isang kamay para ipangtabing sa labi kunwari at hindi marinig ng iba. Pumikit ako at nagbuga ng hangin dahil gusto ko siyang abutin at gilitan. Pinanliitan ko siya ng mga mata at itinuro ang hawak kong kutsilyo sa kanya. “Cole is not like you! That’s why I like him—” Natutop ko ang mga labi ko dahil sa nasabi. “You like him?” seryoso na tanong niya. Napalabi ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na pinansin ang paulit-ulit lang naman na sinasabi niya. “You’re still young for that, Felicity…” “I’m not young anymore!” “Ah, ganoon? Sumbong kita sa daddy mo, gusto mo?” Umirap ako at tumahimik. Kapag nalaman kasi ni daddy ay baka pagbawalan ako. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan niya si Ate at ang higpit-higpit niya sa akin. Magka-edad lang naman kami ni Ate at ilang minuto lang ang tanda sa akin. “Wala naman akong ginagawa, ah? Bakit ka magsusumbong? Anong isusumbong mo? Sige nga!” “Wala pa sa ngayon pero kapag nahuli kita isusumbong talaga kita!” “Paano mo gagawin ’yon kung hindi ka naman nag-aaral sa school?” “Baka nakakalimutan mo na marami akong babae riyan?” Umirap ako at naiinis na naman sa mga pananakot niya. “My eyes are on you, Felicity. Huwag kang gagawa ng kagaguhan.” I sneered at him and struck my knife to his knife. Nalaglag ’yon sa pinggan niya nang hinampas ko. “Sinong gago? Ikaw nga ang gago, e!” He sneered too then bit his lower lip as if he’s holding himself to bit me. Ayaw niya kasi na nagmumura ako at nagsasalita ng bastos. Hindi naman niya masampal ang labi ko kagaya ng ginagawa ko sa kanya. Sa araw-araw na pangungulit niya sa akin tungkol kay Ate, naging magkalapit kami. Palagi niya akong sinasabihan na pangit at manang ngunit kapag nakita na nagagalit na ako’y babawiin din naman. “Bumalik na tayo. Puntahan na natin si tita at baka tapos na,” anyaya ko mayamaya. Nakasimangot siya habang nagbabayad ng bill. Natatawa naman ako na tumayo kasi mas marami akong kinain at malaki ang binayaran niya. Nag-take out pa ako ng cheesecake. “Cheesecake!” tawag niya na natatawa. Inirapan ko siya at nagtingin-tingin na lang sa nadadaanan na mga boutique. Lahat kasi ng may cheesecake na restaurant at coffee shop, hindi mawawala ito sa menu ko. Kaya minsan kapag nagkikita kami sa labas, may nakaabang kaagad sa mesa na cheesecake pagkarating ko. Ginawa niyang pang-asar sa akin pero hindi naman pangit pakinggan kaya hinayaan ko na siya sa trip niya. “Pagkatapos mo mabusog, iniiwanan mo ako!” Tumigil ako at hinayaan siya na ipatong sa aking balikat ang braso niya. Humarap ako sa salamin ng boutique at pinagmasdan ang loob ng male section na mga damit mula sa salamin na dingding. Naagaw ng atensyon ko ang couple shirts na damit. Kapag naging kami ni Cole, bibilhin ko iyan. Nag-init ang aking magkabilang pisngi at nakagat ang aking ibabang labi. “Hoy! Ano nangyayari sa iyo?” “Wala!” Iniwan ko siya roon na nanatiling nakatingin sa tinitingnan ko na damit kanina. Lumapit siya nang tumigil ako at nilingon siya para tawagin. “Are you looking at the couple shirts? Saan mo naman susuotin iyon?” “Tiningnan ko lang. Nagandahan kasi ako.” “Gusto mo ba? Bilhin ko, ’tapos suotin natin?” Hinagis ko ang braso niya at itinulak ang salamin na pinto ng salon. “No way! Baka isipin pa nila na boyfriend kita! Huwag na lang!” Natawa siya at sinundan ako sa loob ng salon para guluhin ang buhok ko. “Ang yabang! Akala mo maganda!” Lumapit ako kay Tita na nakasimangot kaya tinaasan niya ng kilay si Enzo. “Phoenix Lorenzo! Tigilan mo nga si Felicity!” “Wala akong ginagawa, Ma! Ang sabi ko lang pangit siya.” Humalakhak pa siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinampas sa kanya ang paper bag na kinalalagyan ng cheesecake ko. “Sorry na! Sisimangot pa!” Hinila niya ako at ikinulong sa braso niya. “Lalo ka tuloy pumapangit e,” dagdag niya. Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran kaya’t mabilis siyang napahiwalay sa akin habang tumatawa. Natawa na rin si Tita pati na rin ang mga nasa salon na kakilala na kami dahil madalas kaming isama ni Tita ro’n. “Kapag gumanda ’yang si Felicity hindi ka na niyan makikilala,” asar kay Enzo ni Prescilla, baklang may-ari nitong salon. “Kung ganoon pala, habang buhay na akong makikilala nito!” I hissed then I punched him in his stomach. Napaatras siya at napahawak sa kanyang tiyan. Napapikit ang isa niyang mata at alam kong nagkukunwari lang siyang nasaktan dahil natatawa. “Tama na nga yan, Enzo! Buhatin mo ito para makauwi na tayo!” Inabot ni Tita ang shoulder bag niya kay Enzo at hinila ako palabas. Si Enzo naman ay nasa likod at nagrereklamo dahil ayaw magbitbit ng pambabae na bag. Nasa harapan ng sasakyan si Tita Graciela at kami naman ni Enzo ang nasa likod. Nasa sandalan ng backseat sa likod ko ang braso niya. Pinaglalaruan niya ang buhok ko na naka-ipit paikot at nakatusok ang isang ipit na mahaba. “Palagi ka na lang nakaipit ng ganito. Siguro ang pangit na ng buhok mo kakaipit mo.” Siniko ko siya. Umubo siya at hinuli gamit ng kanyang isang kamay ang kamay kong ginamit ko bilang pangsiko sa kanya. “Bakit ba pati ang buhok ko’y pinapakialaman mo?!” Natawa siya at ibinaba ang kanyang mukha upang amuyin ang buhok ko. “At least, you smell good,” mahina pa ring natatawa na bulong niya malapit sa aking tainga. Kinilabutan ako kaya siniko ko siya ulit nang mas malakas. Sakto naman na tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi pa siya nakakabawi sa sakit ng siko ko ay nakababa na ako sa sasakyan. Hindi ko pa isinara iyon at tinignan ang nakangiti na si Tita Graciela. “Thanks for joining us, hija.” “Thank you rin po!” pasasalamat kong nakangiti kay Tita. Nang dumako ang tingin ko kay Enzo, inirapan ko siya. Sinarado ko ang pintuan ng sasakyan para makapasok na sa loob ng bahay. Isinasara ko ang gate nang bumaba ang bintana ng sasakyan nila at mula roon ay lumabas ang ulo ni Enzo para belatan ako. Isip bata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD