Kakasarado ko palang sa pinto ng fridge, nakaabang na si Ate. Muntik ko pang mabitawan ang hawak na basong may lamang tubig dahil sa gulat na naroon siya.
"Ate?" Nagtatakang tanong ko.
Nang hindi siya nagsalita'y lumapit ako sa mesa at nagsimulang inumin ang tubig.
"Pupuntahan mo si Enzo?"
Marahan akong tumango habang umiinom. Kasabay ng pagbaba ko sa basong hawak ay ang pag-pasada ko sa damit niya. Her n*****s were showing from her thin crop top shirts. Cotton shorts din ang suot niya sa pang-ibaba at halos lumitaw na ang pisngi ng kanyang pang-upo.
"May sakit kasi siya, Ate,"
"Pinapunta ka niya?"
Ngumiti ako at tumango.
"Tinawagan niya ako at ni Tita,"
Tita is at work, so she asked me to check on Enzo. Pumayag na ako pero tumawag rin si Enzo kanina at ipagluto ko daw siya dahil hindi niya kayang kumilos sa kusina.
Tumalikod ako para mailagay ang baso sa sink, nang muli kong balikan ng tingin si Ate ay nanatili siya roon.
"Gusto mo sumama?" Naguguluhan na tanong ko dahil titig na titig siya sa akin.
Umiling siya at naghalukipkip. Sumandal siya sa fridge na isinara ko kanina at tinaasan ako ng kilay.
Kapag ganitong magka-harap kami kitang kita talaga ang pagkakaiba namin. Hindi maiisip ng ibang tao na magkakambal kami. Bukod sa fraternal twin kami'y magkaibang magkaiba ang ayos namin. Sa unang tingin ay maiisip na mas matanda ng ilan taon si Ate sa akin.
"I'm just wondering if it's possible that you will like Enzo, but I realized that you like Cole,"
Pinamulahan ako sa huling sinabi niya at mahinang natawa sa una niyang binanggit. Ako magkakagusto kay Enzo? Mas malabo pa iyon sa malabo kong mata.
"Hindi ako magkakagusto kay Enzo, Ate," siguradong sigurado na saad ko.
Nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang matanto ang sinabi ni Ate. Napalitan iyon ng nagdududang ngisi.
"Why do you seem interested, anyway?" May panunukso sa boses ko. "Do you like, Enzo?"
She just smirks and arched her brows. Napalabi ako at binuksan ang isang pinto ng fridge para kumuha ng ilang prutas na dadalhin kay Enzo.
"Sino bang hindi magkakagusto sa kanya?"
"I just told you I won't like him, Ate,"
"I mean, bukod sayo.."
Kumuha na rin ako ng mga pagkain na ready to bake nalang. Lasagna at pesto ang kinuha ko, dalawa na ang dadalhin dahil baka magutom rin ako at wala nang oras magluto. Pagkalagay ng mga dadalhin sa isang lagayan ay tsaka ko muling hinarap si Ate. Pinagmamasdan niya ang ginagawa ko.
"Kung may gusto ka kay Enzo, bakit hindi mo siya pinapansin? Lantaran niyang sinasabi sa akin na may gusto siya sayo. Ilan beses ko na ring sinabi sayo, 'diba?"
Nagkibit balikat siya at lumapit sa lamesa. Hinawakan niya ang bag na dadalhin kong nakapatong doon, nandoon sa loob ang mga pagkain. Nagdala na rin ako ng fresh fruit juice at ilang mga gamot na si mommy ang nagbigay.
"Gusto ko siyang masabik.." marahan na tugon niya.
Binalingan ko siya pagkatapos isara ang bag. May ngisi siyang nakaabang at nakataas ang isang kilay. Naguluhan ako sa sinabi niya, lalong lumaki ang ngisi niya nang makita sa mukha ko na hindi ko naintindihan ang punto niya.
"I want to excite him, sooner or later he will want to taste me more.."
"I don't get it. What's the difference, Ate?"
"If he enjoys me in bed then he will fall in love with me.. I want him to fall head over heels with me. Gusto ko siyang masabik para kapag hinayaan ko na siyang tikman ako hindi na niya gugustuhin na tumikim pa ng iba,"
Sa eksplanasyon niya'y lalo akong naguluhan. Will Enzo capable of falling in love? Takot nga siyang magtagal sa isang babae, isa o dalawang beses lang sinasabihan na niya kaagad na tigilan na siya.
Mahina akong natawa na ikinasimangot ni Ate. Umiling ako nang tinanong niya kung bakit ako natatawa. Imagining him falling in love was funny, si Enzo maiin-love? Baka pumuti nalang ang lahat ng uwak hindi pa iyon nangyayari.
"He just want a taste.. he just want a chase.. gusto niya pinagkakaguluhan siya.."
Binuhat ko ang bag at umaakma na ng pag-alis. Tumigil muna ako sa harap ni Ate na masama ang tingin sa akin.
"At kapag bumigay na at nakuha na niya ang babae. After that, then that was the time I know it's over.. that's how I know him.. he won't be satisfied, he won't settle for one.."
Tumiim ang bagang niya at lalong tumalim ang tingin sa akin.
"Kaya ko nga ito ginagawa! Kapag nasabik siya hahabulin niya ako at maiinlove siya sa akin!"
Napaatras ako sa sigaw niya. Bahala siya, basta binalaan ko na siya. Pumasok si daddy at mommy at nakita kami. Umiling si daddy sa suot ni Ate Feleena na maikling short at labas ang pusod na damit.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni daddy, nakatingin sa bag na dala ko.
"Dad, nagpaalam ako kay mommy,"
"Tinatanong ko lang kung saan ka pupunta?"
Umirap si ate at padabog na lumabas ng kitchen. Sinundan ko siya ng tingin, kung ako sa kanya at gusto niya naman pala si Enzo, pagbibigyan ko kaagad si Enzo, pareho lang naman kasi silang parang tumitikim ng putahe kung magpalit ng mga karelasyon, baka nga walang label kaya madali silang nakakahiwalay.
"Tumawag si Graciela! May sakit si Enzo.." si mommy kay daddy, pagkatapos ay ako naman ang binalingan. "Doon ka na matulog kung gagabihin ka. Wala nang susundo sayo at hindi ka kakayanin na ihatid ni Enzo,"
"Opo, my! Tatawag po ako kung doon na ako matutulog.."
Tumango si Mommy. Sandali lang na paalala'y pinakawalan rin ako ni daddy. Mabilis lang ako nakarating sa bahay nila dahil pinahatid ako ni daddy sa family driver namin. Hapon na at mamayang gabi ay darating na si Tita, siguro naman ay hindi ko na kailangan magluto ng hapunan? Siguro porridge nalang para sa may sakit?
Maaliwalas sa purong puti na kulay ang kwarto niya, tanging carpet lang at sofa ang nag-iba ang kulay. His habbit of playing with women is messy but his room was surprisingly clean and minimalist.
Wala silang katulong, tanging taga-bantay lang sa gate na guard ang kasama niya rito. Dire-diretso ako pagpasok, kahit sa kwarto niya'y hindi na ako kumatok. Naabutan kong nakahiga siya sa kama at mukhang nakatulog sa paghihintay sa akin. Madilim at malamig sa buong kwarto at tingin ko'y hindi niya na magawang tumayo para patayin ang aircon at buksan ang bintana.
Nakatagilid siya ng higa, kulong na kulong ang katawan sa makapal na kumot, bukod tanging ulo lang ang nakalitaw. Sandali kong sinilip ang itsura niya. His red lips were slightly parted, he looks like breathing through his mouth. The dryness and chap on his lips were also noticeable. Ang magulo niyang buhok ay nakabagsak sa noo at medyo nakatabing sa kanyang isang mata.
Naupo ako sa gilid ng kama at marahang hinawi ang ilan hibla ng buhok niya.
Bubuksan ko sana ang kurtina at ang bintana para pumasok ang hangin at lumitaw ang mga luntiang halaman sa hardin nilang nakapwesto sa tapat ng balkonahe niya. Kaya lang ay baka magising siya kung gagawin ko iyon, posibleng dumagdag rin sa sakit ng ulo niya ang biglaang pagbaha ng liwanag sa kwarto.
Mahina siyang umungol habang pinapakiramdaman ko ang init sa noo at leeg niya. Bumaba ang kumot na nakatabon sa katawan niya dahil sa pag-angat ng isang kamay para hawakan ang kamay kong nanatili sa kanyang leeg.
"Ang taas ng lagnat mo," bulong ko at tinignan ang marahang pabukas ng mga mata niya.
Halata sa mga mata niya na inaantok pa dahil sa sobrang pungay. Mas mapula rin ngayon ang mga labi niya dahil sa pamumutla ng kanyang mukha.
"Fel?" He sounds like he might think he's hallucinating.
Tumango ako at lalong yumuko para masilip siya. Madilim sa kwarto niya at kaonting ilaw lang ang nakabukas kaya't lalo kong inilapit ang mukha sa kanya para mas makita niya ako.
"Nagugutom ka na ba? May dala akong pagkain,."
Tinitigan niya lang ako at humigpit ang hawak sa aking kamay. Pangalawang beses na itong aalagaan ko siya habang may sakit. Noong una'y hindi naman malala at parang nag-iinarte lang hindi katulad ngayon na sobrang init niya.
"Kailangan mo kumain. Uminom ka ng gamot pagkatapos mo kumain at pupunasan kita,"
"I'm still sleepy, Fel, dito ka lang.," parang ako ang nasasaktan sa lalamunan niya sapagkat sobrang paos ng boses.
"Umupo ka muna. Mamaya ka na lang ulit matulog,"
Hinila ko siya sa kamay, ayaw niya sanang umupo at napilitan lang dahil sa paghila ko. Binuksan ko ang ilaw sa kwarto niya at pumasok sa banyo para tumingin ng maliit na towel na pwedeng gamitin pamunas sa kanya. Walang planggana na pwedeng magamit sa kanyang banyo kaya bumaba pa ako sa kusina.
Nasa kitchen counter nila ang bag, inilabas ko ang mga pagkain doon at inihanda. Babalikan ko nalang mamaya pagkatapos ko siyang punasan.
Pagkabalik ko sa kwarto niya'y nakapikit siya habang nakaupo, bahagyang nakaawang ang labi at mukhang bumalik sa pagtulog. He's not wearing his shirt, hinubad ko iyon kanina sa kanya bago ako bumaba kasi basang basa siya ng pawis. His forearms, biceps and chest has toned muscles, his hard abdomen down to his v-line were obvious in my eyes.
Hindi na ako magtataka kung bakit pinag-aawayan siya ng mga babae. Si Genesis at Pauline na parehong kasama ko sa grupo ay nag-away pa mismo sa loob ng simbahan dahil sa kanya.
Hindi natuloy ang praktis sa araw na iyon dahil nag-away sila hindi lang sa salita kundi nagkasakitan rin at parehong nagkaroon ng sugat. Dismayado lang akong umalis sa simbahan nang araw na iyon at hindi na pinakinggan kung paano sila sermunan ng prioress ng simbahan.
Habang magkasalubong ang mga kilay na palabas ng simbahan ay halos hilingin ko na sana'y mabigyan siya ng parusa para matuto. Hindi siya matututo kung hindi siya bibigyan ng aral. Hindi ako naniniwala sa karma pero dahil sa sobrang pagkadismaya ko sa araw na iyon ay nahiling ko na sana'y matuto siya sa pinakamasakit na paraan.
Ngayon nga lang ay matindi ang awang nararamdaman ko sa kanya. Nanghihina siya at ni hindi makababa para gumawa ng sariling pagkain o kahit kumuha manlang ng inumin.
Malalim ang paghinga niya habang pinupunasan ko, nanatiling nakapikit dahil masakit raw sa mata ang liwanag ng ilaw. Sandali lang akong bumaba at inakyat sa kwarto niya ang ibinastang mga pagkain at gamot. Kasama na rin sa tray ang mga hiniwa kong prutas. Tinulungan ko siyang kumain at uminom ng gamot, tinulungan ko na rin siyang makahiga ng maayos para makabalik sa pagtulog.
Tumawag ako kay Mommy na dito na matutulog habang nasa study room at kumukuha ng libro. Pagkapili ng mga nakakuha sa atensyon kong libro ay bumalik ako sa kwarto niya. Sa pang tatlohang upuan na couch sa gilid ng kama niya ako naupo. Nakabukas ang isang lamp sa aking tabi at nagsimulang magbasa habang naghihintay na dumating si Tita.
I opened my eyes because I felt a kiss on my forehead. Kakahiwalay lang ng labi ni Enzo sa aking noo pagkatingala ko para alamin kung saan nanggaling ang halik. Nagkusot ako ng mga mata at muling ibinalik ang salamin.
"Nakatulog ako?"
"Oo. Nasa ibaba na si Mama at nagluluto ng hapunan. It's already late in the evening, dito ka na matulog? Tatawagan ko ang magulang mo-"
"Nagpaalam na ako!"
Ngumiti siya at tinabihan ako. Inaayos ang mga buhok kong nagulo dahilan ng paghiga sa sofa. Tumigil siya sa ginagawa sa aking buhok at tinitigan ako.
His eyes were serious and sincere. He held my nape, he pulled me to kiss the side of my head and whispered.
"Thank you for always putting me first, Fel. Thank you for taking care of me again today,"
I smiled then touch his forehead and neck to check his temperature. Mainit pa siya ng kaonti pero hindi na katulad kanina. Ibinalik ko ang malalim na titig niya at lalong nilakihan ang pag-ngiti. Kahit may pagka-isip bata siya, maharot, mahilig mang-asar at mapaglaro sa babae ay alam kong sobra naman niya kami kung pahalagahan ni Tita.
"Always, Enzo," I'm always here for you as your little sister. Just like as you have always been by my side as an older brother.