Taimtim akong umuusal ng panalangin, nakapikit at nakaupo sa pahabang upuan ng simbahan.
"Fel,"
Hindi ko pinansin ang tumatawag sa likod ko. Lahat ng nandito ay tahimik, kung hindi nakikinig sa sermon ng pari ay katulad ko naman na bumubulong ng pasasalamat.
"Felicity,"
Nawala sa isip ko ang pinagdarasal at natigil sa mahinang pagbulong nang maramdaman ang kalabit na nagmumula sa aking likod. Hindi pa man nakakalabas sa simbahan ay ilan beses na akong umirap sa isip ko dahil sa walang tigil na panggu-gulo ni Enzo. Katabi ko si mommy at daddy, pinapagitnaan nila ako. Si Enzo naman ay nasa likod, kasama si Tita Graciela.
Huminga ako ng malalim at ibinalik ang konsentrasyon sa pagdarasal. Magkadaop ang mga palad ko at mariing pumikit bago inisip kung saan ako naputol kanina.
"Eia Felicity,"
Tumiim ang labi ko at nagkunwaring walang naririnig. Tunog ng bentilador na malapit sa kinauupuan namin, boses ng pari na nasa harapan na nagsasalita sa mikropono at ang sabay sabay na pagsagot ng mga taong nasa loob ng simbahan ang maririnig. Sa sobrang tahimik ay nakakahiyang gumawa kahit kaonting kaluskos, lalo't nag-e-echo sa loob ng simbahan ang kahit maliit na bulungan.
Patapos na ako sa inuusal na panalangin nang mapabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa nakakakiliting bagay na naramdaman sa aking tenga at batok.
"My goodness! Ano ba Enzo!" Pabalang ko siyang binalingan sa likod at nakitang hawak niya ang isang balahibo ng manok.
Nakahawak ako sa batok at masama ang tingin sa hawak niyang ginagamit pangkiliti sa tenga at batok ko.
Lumapit sa akin si sister Ella dahil sa naging pag-sigaw ko. Sinaway ako at sinabihan na pakihinaan daw ang boses sa loob ng simbahan. Nakagat ko ang ibabang labi at nagsisi sa ginawang pasigaw na pagsaway kay Enzo.
Ang ilan sa mga taong nakaupo ay nakatingin sa akin, ang pinaka nakakahiya pa'y natigil sa pagsasalita ang pari. Malapit kami sa harapan kaya't ang ilang taong nasa likod ay naging kuryuso sa ginawa kong pagsigaw. Si Father Noel na nagsesermon ay nakatingin sa akin.
"Sorry po sister," hinging paumanhin ko, pati na rin kay mommy at daddy na pinagsabihan ako.
Bahagya akong yumuko bilang paghingi ng paumanhin sa pang-aabala kay Father.
Pagka-alis ni sister ay nasapo ko ang aking noo at pairap na lumingon kay Enzo na sa paningin ko ay may sampong sungay.
Nakangisi siya sa akin habang itinatago ang hawak na balahibo.
Nagsimula nanaman siya. Hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong Enzo. Tahimik pero nanghihina at may sakit. O' ganitong maliksi nanaman siya at nang-aasar dahil wala nang masamang nararamdaman.
The church was solemn but Enzo's here trying to irritate me. Sa susunod nga'y sasabihin ko kay Tita na wag na isama si Enzo, hindi rin naman siya nagsisimba. Naparito lang yata ito para asarin ako at maghanap ng panibagong biktimang mga babae. Papasok pa nga lang kami ay mayroon na akong natanaw sa bawat mahabang upuan na tinuturo siya sa mga kasamang babae, ang iba ay namukhaan kong mga schoolmate ko.
Let's admit it, hindi naman lahat ng nagsisimba ay maka-diyos. Ang iba'y para ipakita lang na nagsimba sila, ang ilan ay para maibalandra ang bagong damit o maisuot ang bagong sapatos. At ang karamihan sa mga kabataan ay para mag-sight seeing ng mga gwapo at maganda. Ang ilan pa'y nagsimba lang dahil may hihilingin o kaya'y kapag may problema tsaka lang naaalalang magsimba.
Aminado rin akong hindi ako sobrang makadiyos, but at least I come here to sincerely pray and not for anything else. Hindi ako dumadalaw kapag may problema lang, hindi ako nagsisimba kapag may hihilingin lang. I go to church to talk to him, to connect with him and to thank him.
Kahit sa bahay lang ay pwede naman iyon gawin, kahit nasaan pang lugar o sitwasyon. Hindi naman kailangan ang simbahan para lang masabi na nagdarasal ka. You can pray in your mind, you can pray while looking at the sky, you can pray while eating, while taking a bath or whatever else you are doing and whatever your religion is. Lahat ay nakikita at naririnig niya basta't bukal sa loob mo.
Hindi ko siya pinansin kahit nang akbayan niya ako pagkalabas ng simbahan. Nakakainis kasi, ang hilig niya manggulo kapag may ginagawa ako at nakikita niyang seryoso.
"Hoy nerd! Bakit nakabusangot ka diyan?" Kinulong niya ang leeg ko gamit ang isang braso at hinihila ako papunta sa sasakyan.
Hinawakan ko ang braso niya at pilit inaalis iyon. Ang almond shape niyang mga mata ay halos mawala nanaman dahil sa pagtawa sa itsura kong sakal sakal niya.
He has thick lashes on top and bottom of his eyes that can be mistaken for being eyeliner. He has perfect double eyelids and feathery eyebrows. His eyes smiles whenever he laugh, it makes him look more attractive and youthful. Mas mukha pa nga siyang babae sa akin sa totoo lang, pahabain lang ang buhok nito magmumukha na siyang manika at pipilahan ng kalalakihan.
"Ako pa ang napagalitan kahit nananahimik ako kanina!" Inis na singhal ko pagkabitaw niya at itulak ako sa loob ng sasakyan nila.
Ang dalas kasi ni Tita na hiramin ako kay Mommy, kulang nalang ay doon ako patirahin sa kanila. Pinamimili niya rin ako ng damit upang may maisuot daw ako kapag natutulog doon.
Ang isang kwarto ay pinasadya niya ring padisenyohan ng pambabae. Ganoon siguro talaga siya kasabik sa babaeng anak na kulang nalang ay akuin niya ako at palitan ang pangalan sa birth certificate ko.
"Tahimik ka? Sumigaw ka nga e," natatawang balik niya at malakas na sinarado ang pinto ng sasakyan.
"Enzo!" Saway ni Tita, nagulat kasi ito sa harapan sa pagsara niya ng pinto.
"Sorry, Ma!"
Umismid ako at umusod sa pinakadulo para hindi kami magdikit sa backseat.
"Paanong hindi ako mag-iingay kung ginugulo mo ako? Dapat ikaw ang pinagalitan kasi ikaw ang dahilan ng pagsigaw ko!"
Humalakhak siya. Si Tita sa harapan ay napapalingon sa amin at nangingiti. Nakita rin kasi ni Tita ang nangyari kanina. Narinig kong sinasaway niya si Enzo dahil gustong ulitin ang pangingiliti sa akin kahit napagalitan na ako.
"Bakit ako ang papagalitan kung hindi naman ako ang sumigaw? Kailan pa naging matinis ang boses ko?" Sinabayan niya ng tawa ang pag-usog palapit sa akin at ginaya ang sinigaw ko sa loob ng simbahan kanina gamit ang ipit niyang boses.
Pagilid ko siyang sinamaan ng tingin at hindi nalang sumagot. Lalo lang akong mababadtrip sa pakikipagpalitan ng dahilan sa kanya dahil hindi naman siya magpapatalo kahit puro baluktot naman ang katwiran niya.
Hindi nawala ang kunot ng noo ko kahit noong makarating na kami sa bahay nila. Nauna pa akong pumasok papunta sa sala kaysa kay Enzo at agad na sumalampak sa sofa. Pagkatabi niya sa akin ay naghalukipkip ako at tinignan ang pag-abot niya sa remote para buksan ang tv.
"There's nothing wrong with a bit of playing inside the church, nakita mo ba ang ilan sa mga bata kanina na nagtatakbuhan?" He said while smirking.
I know he's not serious and he just wants to irritate me and he always succeeds.
"A bit? Enzo, a bit?! You made me shout inside the church! You embarassed me in front of many people! You are no doubt a pest and annoying! At ano ka bata? Makikigaya ka sa mga batang naglalaro sa simbahan?!"
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi, pinagmamasdan akong magalit. Natutuwa nanaman sa paglukot ng mukha ko.
He chuckled when I glared at him. I rolled my eyes then fixed them on the television again.
"What do you want for dinner? I can cook tonight," he asked, trying to console me.
Ganyan siya, pagkatapos akong galitin at tsaka babawi.
"Don't talk to me, Enzo, or else you'll annoy me even more,"
Pailalim ang tingin ko sa tv. Nasa baklang host ang mga mata ko, nagpapatawa ito subalit hindi ako makatawa dahil lalong lumalala ang pagkasura ko sa katabi ko.
Hinahawakan niya ako sa baba at pilit pinapaharap sa kanya. Galit kong hinahawi iyon na lalo niyang ikinatawa.
"Ang panget mo," natatawang bulong niya.
Hindi niya na ako pinilit na iharap sa kanya pero dahil sa sinabi niya'y kusa ko na siyang nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay, pumihit ako paharap habang nakapamewang at nakahandang bugahan siya ng apoy.
"Oo! Inaamin ko panget ako! Aminin mo rin na bobo ka!"
"Hindi ako bobo. Gwapo lang-"
Tumayo ako at iniwan siya doon na tumatawa. Pumasok ako sa kusina at nilapitan si Tita na nakangiti sa akin. Tiyak na rinig ni Tita ang pagtatalo namin hanggang dito.
"I was thinking if he's really your biological child, Tita?" I asked jokingly confuse.
Napalabi ako dahil sa pagtawa niya. Hindi ko na kailangan itanong kay Tita dahil sa tawa palang magkatulad na sila.
Tita Graciela has a Korean race, and as far as I know Enzo's father has American blood. Naghalo halo ang lahi niya kaya siguro hindi ko maintindihan ang ugali. There was a time that he's sweet, but most of the time he wants me annoyed.
Inabot ni Tita ang minamasa niyang dough na gagawing cream cheese garlic bread. Doon ko nalang ibinuhos ang galit. Naalala ko kasi ang nangyari sa simbahan, hindi ako sanay na napapahiya.
Wala sa sariling minamasa ko iyon. Hindi ko rin napansin kung gaano katagal kong paulit ulit na hinihila at dinidiinan iyon. Napahinto lang ako dahil sa kamay na humawak sa mga kamay ko. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ko at sinabayan akong magmasa. Nasa likod ko siya, ang dalawang braso niya'y kinukulong ako.
Tumigil ako sa ginagawa at pagilid siyang sinamaan ng tingin sa likod. He's biting his lower lip as he surppressing his laugh. I glared at him before I speak.
"Embarrassing someone in front of many people for a laugh wasn't funny, Enzo,"
Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi niya pagkatapos ko siyang pagsabihan gamit ang seryosong boses. Umalis siya sa likod ko para magkaharap kami.
"Hindi ko alam na sisigaw ka,"
"I don't mind you kissing girls in the church but don't disturb me and embarrass me when I pray,"
His lips parted. He stared back into my eyes intently, it was as if he was looking for something. He sighed eventually when he couldn't find what he was looking. He turned his back on me then went to the fridge to get a bottle of water.
Pagkaharap niya'y may mapaglaro nanaman siyang ngisi sa labi.
"I like playing anywhere,"
"Even in church, Enzo? Get a proper place! Pati ang mga kasama ko sa choir pinag-aaway mo!"
"It's not my fault if they fall easily. I just kissed and touched them. Wala akong sinabi na girlfriend ko sila-"
Lumapit ako sa fridge at tinulak siya. Kumuha ako ng isang bote ng tubig at uminom sa harapan niya. Nakataas ang kilay niya at pinagmamasdan ako hanggang sa matapos akong uminom. Kulang nalang isumpa ko siya sa masamang tingin na binigay ko sa kanya pagkababa ng bote.
"I think you'll be in purgatory for a while if you die, Enzo,"
He chuckled. "Just for a while?"
Napangisi ako at lumapit sa dough, mayroon harina sa gilid niyon, pinaglaruan ko iyon at mayroon naisip na pang ganti sa kanya. Binalikan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.
"Why? You wanna stay longer?"
Umayos siya ng tayo at humakbang palapit kung nasaan ako. Dumakot ako ng harina at hinintay ang tuluyan niyang paglapit. Nakangisi siya't sa mata ko nakatingin, hindi niya kita ang kamay ko.
Pagkalapit niya sa harapan ko'y itinaas ko ang kamay at isinaboy ang harina sa mukha niya.
"f**k!" He cursed as he close his eyes tightly.
Mabilis kumalat ang harina sa mukha niya, kahit ang buhok niya'y naging kulay puti na. Lumayo ako kaagad sa takot na gantihan niya. Nalingunan ko si Tita sa pinto ng kitchen, pinapanuod ang anak niyang magpagpag ng harina sa buhok at katawan.
Umikot ako sa kabilang parte ng lamesa, natatawa sa itsura niya. He looks like a playboy espasol.
"If you do that to me again I gotta punch you in the d**k!" I shouted at Enzo, he's now glaring at me.
Puting puti ang mukha at buhok niya na kahit pinagpag ay hindi maalis lahat ng harina.
"You better touch it not punch it, Felicity," he smirked and grab some flour.
Nanlaki ang mata ko at tumakbo paikot sa kusina. Ang mga gamit pang-bake ni Tita Graciela ay nasa lamesa na nakapagitan sa amin. Natatawa ako at napapatili habang iniikutan namin iyon ni Enzo na hinahabol ako. Si Tita ay nanatili sa pinto ng kitchen at nakangiting pinapanuod kami ng anak niya.