bc

Womanizer Series 05: Zack Balley

book_age18+
97
FOLLOW
1K
READ
HE
playboy
arrogant
badboy
boss
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Zack Balley is one of the womanizer in town. Nagmana ito sa ama nitong si Zaver Balley na dati ding womanizer. Zack is a cold person, but not in his secretary, Maiden, na siyang palaging kalaban nito pagdating sa mga babae niya.

One night, isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa kanila. They are both drunk, but Zack was in his right mind when it comes to Maiden. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya maligawan dahil may boyfriend na ito.

Dahil sa nangyari sa kanila, Maiden decided to leave. Hindi niya kayang harapin si Zack. Hindi pumayag si Zack sa pag-alis nito kaya naman umalis na lang siya ng walang pasabi.

Pumunta siya sa ibang lugar para magsimula ng bagong buhay pero hindi niya inaasahan na sa bagong buhay na sisimulan niya ay may kasama na siyang bata. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila.

Sa nakalipas na limang taon, muling magkikita ang landas nila. Makikilala kaya ni Zack ang anak nilang kasing mukha nito, pero kasing ugali naman ni Maiden?

chap-preview
Free preview
Zack Balley
Nasa kalagitnaan nang pakikipaghalikan si Zack sa kanyang babae na nakilala niya lang sa club nang biglang may tumapik sa kanyang balikat. Napahinto siya at napatingin sa mapangahas na taong talagang inisturbo siya sa ginagawa niya. Nakikitang nitong nag-e-enjoy na siya sa ginagawa, eh, tapos may iistorbo lang sa kanya. "Maiden, what are you doing here?" inosente niyang tanong sa dalaga na kanyang secretary na poker face na nakatingin sa kanya. Pinanliitan siya nito ng mga mata. "Hindi pa ba obvious, Sir Zack, kung bakit ako nandito? Kailangan mo pa ba talaga 'yang itanong sa akin?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "I bet alam mo na kung bakit nandito ako." Bahagya na lang siyang natawa nang taasan siya nito ng kilay. Bakit ang sungit nito sa kanya ngayon? May nagawa ba siyang kasalanan dito at nasusungit na naman ito sa kanya? "How the hell did you find me, Baby?" Kahit saan ata siya magpunta ay nahahanap siya ng dalaga. Sa isip-isip niya ay baka may nilagay itong gps sa cellphone niya kaya mabilis siya nitong nahahanap. Umikot ang mga mata ng dalaga. "May dinner meeting ka pa with Mr. Fowler, Sir Balley." Ngumiti ito pero alam naman niyang isa lang iyong pekeng ngiti. He know his secretary well. Alam niya kung kailan totoo ang ngiti nito, at kung kailan peke. And the smile that she's giving to him right now is a fake one. "Come on, Maiden, Baby. It's already six o'clock." Tinuro niya ang relong pambisig para makita nito ang oras. "The work hour is already done kanina pa. Can't you just cancel it and appoint it tomorrow morning?" Bumaling siya sa babaeng katabi niyang nakikilala niya lang dito sa club. "Can't you see? I'm busy right now." Napabungisngis naman ang babaeng katabi niya nang haplusin niya ang baba nito. Hahalikan na naman sana niya ito nang tapikin na naman siya ni Maiden sa balikat. Napabuga siya ng hangin na napatingin dito. "What now?" Malapit na siyang mainis dito dahil pinipigilan talaga siya nito or rather he say, ayaw siya nitong payagan na mag-enjoy ngayong gabi. Hindi ba nito alam na ilang linggo na siyang hindi nagkaroon ng babae dahil kay Maiden at dahil nagiging busy sila sa opisina? Ngayon nga lang siya makakapag-enjoy, kill joy naman itong secretary niya. "You have a dinner meeting with Mr. Fowler now, Sir Zack Balley!" madiin nitong sabi kasabay nang pagsabi ng buo niyang pangalan. Minsan talaga ay hindi niya maisip kung sino ba talaga ang boss sa kanilang dalawa dahil kung titingnan ay parang mas bossy pa ito sa kanya. Parang ito pa ang nananakot sa kanya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Zack?" singit naman ng babaeng katabi niya dahilan para mas tumaas ang kilay ni Maiden. "Bukas na nga daw dahil busy siya, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba? Umalis ka na at iniistorbo mo na kami sa kaligayahan namin." "Ops!" Natigilan ang babae nang pinatigil niya ito gamit ang palad niya. "Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa kanya, Babe." "Bakit naman?" Napanguso na lang ito. "Because she is my secretary." "Sorry, Babe." Hinawakan nito ang dibdib niya dahilan para mapangiti siya. Masyado namang clingy ang babaeng ito. "Nakakainis lang kasi. Kung makaasta siya ay parang siya itong boss at minamadali ka pa. Eh, secretary lang naman siya." "Hayaan mo na." "What did you said?" sabay silang napatindin kay Maiden nang magsalita ito. Ngumisi si Maiden dahilan para mapalunok siya. "Huwag kang makikisabat sa usapan namin ni Sir Balley dahil hindi ka naman kasali. You're just one of the chip girls he got at the club." Napanganga ang babae sa sinabi ni Maiden habang siya naman ay napangiti. This girl never failed to amuse him. Napasandal na lang siya sa upuan habang prenteng nakatingin sa dalawa. This would be a good show and he needs a popcorn. "Anong sabi mo?" galit na tanong ng babae. "Hindi ba? Tell me, I'm wrong from calling you chip." Napatiim bagang na lang ang dalaga. Naka-cross arm si Maiden habang tinataasan ng kilay ang dalaga. Mukha pa lang talaga ay alam ng palaban itong babae. "Hindi ba chip ang tawag sa inyo kapag madali lang kayong makuha ng isang lalaki. In a place like this pa." Bahagya itong natawa. "At nagpabola ka naman sa lalaking ito?" Napanganga siya nang masali na siya sa usapan. "Hindi mo ba alam na womanizer ang lalaking ito?" Turo nito sa kanya na ikinailing niya. "One night stand lang ang habol niya sa 'yo. Look at his face." Ngumisi ito. "Mukha ba 'yang titino para sa isang katulad mo?" "Shut the f*ck up, slut!" Nagulat na lang ito nang paliguan ito ni maiden nang iniinom nilang alak na nasa mesa. Napanganga ito at hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Maiden. "I'm not a slut, Babe. Tumingin ka muna sa sarili mo bago mo sabihin sa akin 'yan, okay?" Maiden smiled at her sweetly, but it disappeared when her gaze look at him. Inayos nito ang suot na coat. "Aalis na ba tayo, Sir o kailangan pa kitang kaladkarin palabas ng club? Alam mo naman na madali lang akong kausap." Natatawa na lang siyang tumayo. "You are really scary, Baby." "What? Talagang iiwan mo ako dito, Zack?" Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa babae na kahit pangalan nito ay hindi niya alam. Nasabi naman ata nito sa kanya ang pangalan nito pero hindi niya lang naaalala. "Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol sa babaeng 'yan? I'm your girl, remember? Sinabi mo 'yan sa akin kanina." "You're right, Babe. You are my girl, but that was an hour ago." Napanganga ito sa sinabi niya. "And besides, Maiden is right. I can't stick to one woman, I'm a womanizer. Bye..." Halos malaglag ang panga nito dahil sa gulat. Naglakad na sila papalabas ng club. Inakbayan na niya ito ng tuluyan na silang makalabas. "Bakit mo naman ako dinamay sa pang-iinsulto kanina, Maiden? Hindi mo ba alam na nasaktan ako sa mga sinabi mo?" Hinawakan pa niya ang dibdib at umaarte na tila nasasaktan. Inalis ni Maiden ang pagkakaakbay niya dito. "Bakit ka naman masasaktan, Sir? Eh, totoo naman ang mga sinasabi ko. Sa bagay, truth hurts," natatawa nitong sabi. Natawa na lang siya sa sinabi nito. "Kahit kailan ay ang prangka mo talaga. Walang preno ang bibig mo. Kagaya ni mommy," bulong nito pero narinig naman niya. "Kaya nga ayaw kitang pakawalan, eh." Kumunot ang noo nito sa kanya. "Syempre bilang secretary ko." "Linawin mo ang sinasabi mo, Sir Zack. Baka masampal ka ng wala sa oras." "What?" Natatawa na naman siya. "Are you assuming na hindi kita papakawalan dahil gusto kita?" Tumitig ito ng seryoso sa kanya. "Isa kang womanizer, Sir Zack, kaya hindi na ako magtataka kung pati ako na secretary mo ay papatulan mo. Gaya na lang ng ginawa mo sa iba. Pero syempre hindi naman ako 'yong tipo ng babae na papatol sa isang womanizer na katulad mo. And of course, I have a boyfriend." "Kaya nga hindi kita pinatulan dahil may boyfriend ka, eh," nakanguso niyang sabi. "Pero if ever na wala kang boyfriend, may chance ba na sagutin mo ako?" Napatitig naman ito sa kanya ng maigi at napailing-iling. "Wala pa din po dahil womanizer ka. And for me, once a womanizer always a womanizer. Hindi kayo magiging stick to one dahil maghahanap kayo ng ibang babae na mas better, mas sexy, at mas maganda sa girlfriend mo." "Diyan ka nagkakamali, Maiden." Nginitian niya ito. "May kakilala akong womanizer na naging loyal sa mga babaeng minahal nila. Like my father and tito's." Kilala ni Maiden ang ama niya dahil minsan din ay pumupunta ito sa bahay sa tuwing hindi siya pumapasok. "Alam naman natin na dati siyang womanizer, and as you also can see, nagbago ang daddy ko dahil sa mommy ko. He is a loyal husband now." "Magkaiba kayo, Sir Zack. Nakikita ko kay Sir Zaver na mahal na mahal niya ang asawa niya kaya nagbago siya. Pero hindi por que na nagbago ang daddy mo ay magbabago ka na din. Syempre nasa tao pa din 'yon." Ngumisi ito sa kanya. "Ikaw pa. Sa tingin ko nga ay walang babae na makapagbabago sa 'yo." Napailing-iling ito. "Anyway, huwag na natin pag-usapan ang tungkol sa pagbabago mo dahil alam kong hindi ka magbabago kaya walang saysay ang pag-uusap natin. Kailangan na nating umalis bago pa tayo ma-late sa dinner meeting. Nakakahiya kay Mr. Fowler." Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng coat niya at binigay ito kay Maiden. "Ikaw na ang mag-drive, baka kasi mamaya ay sa hotel kita dalhin kapag ako pa ang nag-drive," biro niya dito. Napangiwi ito. "Kapag talaga ginawa mo 'yon ay mawawala ako sa 'yo." Ngumisi ito sa kanya. "Ayaw mong mangyari 'yon, 'di ba?" Natigilan na lang siya at napatitig kay Maiden. Alam na alam talaga nito ang kahinaan niya. Nailing na lang siya habang natatawa ng mahina. "You really know my weakness, Maiden." Nginisihan lang siya nito, at inagaw ang susi sa kanya. "Tara na. Puro ka kalokohan. Kapag talaga nahuli tayo sa meeting kay Mr. Fowler ay mababatukan kita. Wala akong pakialam kung boss pa kita." Naglakad na ito papunta sa driver seat. "Masyado kang hot, Miss Secretary." Sinamaan siya nito nang tingin. "Hot... I mean, nagmamadali." Ngumiti siya dito pero inikotan lang siya nito ng mga mata. Sumakay na ito ng kotse kaya natawa na lang siya. Minsan talaga ay naaaliw siya kapag inaasar niya ang dalaga. Kakaiba kasi ito sa ibang babae. Lumalaban kasi ito sa tuwing inaasar niya ito. Masyadong palaban kaya nga nagustohan niya ito. Kung wala lang itong boyfriend ay niligawan na niya ito. Pero hindi niya magawa dahil nirerespito niya ang dalaga. Napailing na lang siya sa iniisip niya. Ano ba itong iniisip niya? Alam naman niyang hindi niya pwedeng patulan si Maiden dahil baka lumayo ito sa kanya ay 'yon ang ayaw niyang mangyari. Muli siyang nailing at sumakay na lang din sa kotse. Mukhang tinamaan na siya ng alak kaya kung anu-ano na lang ang iniisip niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook