Chapter 1

1257 Words
Carmella POV "Bunso! Halika na kakain na!" Tawag ko sa kapatid ko habang nasa labas at nakikipaglaro sa mga kaibigan sa kalsada. "Opo ate!" Pabalik na sagot niya at agad namang tumakbo papasok ng bahay. "Maghugas ka ng kamay Kiko at galing ka sa labas." Paalala ni nanay habang inihahain ang mga kanin sa lamesa. "Opo." Magalang na sagot nito at agad sumunod at naghugas ng kamay. "Kumain ka na rin iha at malelate ka na sa trabaho mo." Paalala din sa akin ni nanay. "Mamaya pa naman po yung pasok ko. Late po nag oopen ang Mall nay kaya ok lang po." Aniya ko habang naglalapag ng mga pinggan. "Basta kumain ka na at buhol ang trapiko ngayon. Baka doon ka malate anak." Pag aalala ni nanay na kinangiti ko. Hindi kami mayaman sa pera ngunit mayaman kami sa pagmamahal ng aming ina. Sabi nga ni tatay noong nabubuhay pa siya, hindi namamana ang kahirapan, o nasasaktong pagkapanganak mo ay mahirap kana talaga. Nasa tao lang yan kung paano nila itaguyod ang pamilya at magsipag sa trabaho. Pero mukhang sadyang mailap ang kapalaran sa amin at parehas na hindi nakapagtapos sila nanay ta tatay kaya hirap din sila makahanap ng trabaho. May sakit namang asthma si nanay kaya hindi siya pwede sa mabibigat na trabaho at ilang taon ang nakalipas ay namatay si tatay sa kalagitnaan ng trabaho niya sa isang pabrika. Gustuhin ko man na makapagtapos sa sarili kong sikap para makaahon kami sa kahirapan kaso iisa lang ang katawan ko at hindi naman ako pinalad na makapag tapos ng kolehiyo upang makapaghanap ng mas maayos ng trabaho. Hindi ko kinahihiya kung anong meron kaming buhay. Maganda nga iyon at alam nila na mahirap kami. Alam nilang walang wala kami pero hindi kami humihingi ng awa, pang unawa lang. Nagtratrabaho ako ng marangal, nagsusumikap para sa ina at kapatid ko at maibigay ang araw araw na pangangailangan nila. Wala akong pakealam kung ako itong mahirapan, huwag ko lang silang nakikitang nagugutom at nahihirapan. Sila nalang kasi ang natitirang kayamanan ko. Pasalamat nalang ako at may mabait at mapang unawang boyfriend ako na si Troy na laging andiyan kapag kailangan ko. Hindi niya tiningnan ang estado ng buhay ko bagkos tinutulungan niya pa ako. Gusto ko kasing pinaghihirapan ang ibinibigay ko sa pamilya ko. "Goodmorning mam, what can I do for you?" Tanong ko sa isang matandang babae na namimili ng damit dito sa department store. Pinasok kasi ako ni Troy dito sa Mall nila bilang isang sales lady at dahil alam ko naman mag english ay kaya kong makipagsabayan sa ibang customer. "I like this, do you have any design aside from this?" Tanong ng matanda. "That is the only design we have now mam." Pagsasabi ko at nakita kong tumango tango siya habang pinagmamasdan ang damit na hawak na waring sinusuri pati ang telang gamit. "I'll take this." Binigay niya sa akin at agad kong tinanggal ang hanger. Sinundan ko pa siya dahil nasa akin ang ibang pinamili niya. Sinenyasan ko ang kasama ko sa area namin na siya muna doon habang hindi pa nagbabayad ang matanda sa counter. Hindi ko namalayan ang pagtigil niya sa harap ko kaya nabangga ko siya at natulak ko ng bahagya. Namilog ang mata ko at baka katapusan ko na dito sa trabaho ko. Agad akong yumuko upang humingi ng paumanhin ngunit hinawakan lang niya ang tuktok ng ulo ko at hinaplos ito. "It's okey iha. Don't worry. " ngiti niya sa akin na kinahinga ko ng maayos. "I'm so sorry mam." Paghingi ko muli ng patawad ngunit narinig ko lang ang pagtawa niya. "You're just doing your work iha. And ohh, I almost forgot. Would you mind to help me choosing some suit for my grandson?" Paghihingi niya ng pabor. Napangiti ako sa kabaitan ni madam. "It's my pleasure to help you mam." Ngiti kong sabi saka giniya siya sa men's wear. Masigla akong ipinakita sakanya ang iba't ibang klase ng suit at ibang style din na meron doon. Halos lahat ng mga pinili ko ay pinili rin niyang bilhin kaya pagdating namin sa counter ay malapad na ngiti ang ibinigay nila sa akin saka thumbs up ng mga kasamahan ko. Magalang akong nagpaalam kay madam at bago pa ako umalis sa harapan niya ay hinigit niya ang kamay ko saka may inilagay sa bulsa ko. Nagtaka ako kung ano iyon ngunit isang matamis na ngiti at pagsambit na "Thank you for accompanying me. I awe you a lot. Take my simple gift for your effort iha." Sabay haplos sa kamay ko. Lumambot ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata niya. Naalala ko tuloy si nanay sakanya. I smiled back and caress her shoulder. "It's my job to serve you mam." Ngiti ko. Bumalik ako sa dating pwesto ko at pinagpatuloy ang naiwan kong trabaho. Mabilis lumipas ang oras at naghahanda na kaming umuwi. Naisipan kong dumaan muna sa malapit na karinderia upang bumili na nang lutong ulam para hindi na magluto pagdating sa bahay. Nilabas ko ang samsung keypad phone ko na bigay ng kaibigan ko na si Abby dahil awang awa daw sa akin at wala man lang akong kacellphone cellphone. Balak na akong bilhan non ni Troy pero tumanggi ako. Alam ko kasing ayaw sa akin ng mommy niya tapos bibigyan pa niya ako ng phone na kamahal mahal. Ano nalang iisipin ng ina niya, na pera ang habol ko? Minsan naiisip ko kung ano ba talaga ang nagustuhan niya sa akin? Wala akong maipagmamalaki gaya ng mga barkada niyang babae. Nakakaintimadate lang silang tingnan. Ayaw ko sanang icompare ang sarili ko sakanila pero hindi ko naiiwasan kaya mas pinili ko nalang na tanggihan ang pagyaya niyang lumabas kapag kasama ang mga barkada niya. "Nay, Kiko. Andito na ako!" Tawag ko at agad naman silang lumabas galing sa kwarto. Nawawala bigla pagod ko kapag nakikita ko sila. Nagmano at humalik ako sa aking nanay ay humalik din ako sa ulo ng kapatid ko. "Ang asim ng ulo mo Kiko, pwede nang pagsawsawan ng chicharon." Biro ko pero napatawa nalang ako sa pagngusong asar ng kapatid ko. "Binibiro mo nanaman ang kapatid mo." Sabi nang nanay ko habang nilalabas ang mga pinamili kong ulam at ibang gulay. "Ang cute niya kasi ehh, namumula lalo ang pisngi, sarap kagatin." Gigil ko pero agad umatras ang kapatid ko. "Huwag mong sabihin ate na magtratransform kang bampira na gaya ng napapanood sa TV?" Takot niyang tanong. Kumunot ang noo ko. "Nakinood ka nanaman sa kapitbahay? Naku sinasabi ko sayo Kiko, wag mong dalasin ang panonood mo ng TV at baka mapabayaan mo ang pag aaral mo." Pangangaral ko. "Nag aral naman ako ng maayos ate sadyang wala lang akong magawa kanina kaya pumunta ako kina Alex para makinood." Paliwanag niya habang pinupwesto ang sarili sa upuan. "Pero huwag palagi ha?" Pagpapaalala ko "Opo ate, pangako po." Ngiti niyang sabi. Napabuntong hininga ako at sumunod akong umupo sa mesa at nagsalo-salo kaming kumain. Naghuhugas ako ng pinggan ng may biglang tumawag sa akin at dali kong inabot ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Troy sa screen. "Hello Troy, napa... " napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong umuungol na babae sa kabilang linya. Nanigas ang mga kamay ko at nabitawan ang cellphone na hawak ko at nagkalat ang bawat parte sa sahig. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan kong mangyari. Ang iiyak at masaktan dahil sa lintik na pag ibig na yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD