Chapter 2

2864 Words
"Carmella Gail Santos!" Tawag ng head namin. Bigla akong napalingon at humarap sakanya. "Sorry po." Paghingi ko ng tawad. "Ano ba nangyayari sayo at lagi kang lutang sa trabaho mo. You're not doing your job well. Baka ako mapagalitan dito dahil sa kapalpakan mo." Sermon niya. Nagreklamo kasi yung isang customer dahil iba ang binigay kong klase ng damit sakanya. Simula kasi nang matanggap ko ang tawag na yun 5 days ago, para akong napanghinaan. I even cried every night and act like nothing happens when I'm in front of him. Yung tipong parang wala kang alam. "Isa pang pagkakamali Carmella, ako na mismo ang magpapaalis sayo dito." Inis niyang sabi. Yumuko lang ako dahil alam kong kasalanan ko naman talaga. "Ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Letty na kasamahan ko ring sales lady. Tipid lang akong ngumiti sakanya saka ako naunang naglakad at tumungo sa area namin. "May problema ba kayo ni sir Troy?" Tanong niya ulit ngunit umiling lang ako. "Sa pamilya mo? Pwede mo namang sabibin sa akin at baka matulungan kita." Pag aalala niya. "Okey lang ako Letty, hindi lang ako nakakatulog nang maayos nitong nagdaang gabi kaya lanta ako sa trabaho." Paliwanag ko which is true naman. "Alam ba ni sir Troy yan? Naku mag aalala yun pag nalaman niya yan." Patuloy niya. "Hindi at saka huwag na dapat niyang malaman. Okey naman ako. Dadagdag lang ako sa mga problema niya." Ayaw ko rin kasi maging pabigat sakanya. Marami na siyang inaasikaso kaya ayaw ko nang dumagdag. Dahil sa kapalpakan na ginawa ko ay inilagay ako ng head namin sa stock room. Parusang masasabi ang paglagay niya sa akin dahil sa tambak na trabaho ang meron doon. Hindi ako nagreklamo bagkos sinunod ko sila. "Who told you to work on that room?" Napaigtad ako sa galit na boses sa likuran ko. Napatayo ako at humarap sakanya. "S-sir" nginig na tawag ni Ms Hannah, ang head namin. Matalim na tingin ang binigay niya kay Ms Hannah kaya napayuko ito at humingi agad ng tawad. "S-sir, k-kasalanan ko naman. Wala pong kinalaman si Ms..." "Stop defending her. Pinasok kita dito para magkaroon ng maayos na trabaho but look what she's doing to you. Pinapahirapan ka kapag wala ako dito." Galit niyang sabi habang ang kamay ay nasa bewang niya. "May kasalanan din po ako. Hindi ko po naaayos ang trabaho ko kaya dapat lang na dito muna ako at baka madagdagan pa ang kapalpakan ko." Paliwanag ko habang nanginginig ang dalawang kamay kong siklop ang isa't isa. Nakita ko siyang napabuga ng hangin. "I will let this pass but if something will happen again, I will make sure you'll never tread on this place again." Banta niya na nakitingin kay Ms Hannah. Lumapit sa akin si Troy at hinila ako papalabas. "Let her rest today. Bukas na siya papasok." Namilog ang mata ko sa narinig at tuminging diretso sakanya. "Sir!" Mahinang tawag ko pero tiningnan niya lang ako ng matalim at hindi na ako pinakinggan at tuloy tuloy niya akong hinila papalabas ng Mall. He did not let go off my hand until we reached the parking area. Sinakay niya ako sa New Ford Ecosport niya at dinala sa isang restaurant. "Sana hindi mo nalang binantaan si Ms. Hannah Troy." Sabi ko habang nakaupo at tinitingnan siyang namimili ng order namin. "Sa tingin mo palalampasin ko yun na inaalila ka at gawin kung ano ang gusto niyang gawin sayo? Pwede kitang ipalit sa pwesto niya but I know that you will not agree with that." Seryosong sabi niya. "Part yun ng work ko. Tsaka kasalanan ko naman ta... " hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil napaigtad ako sa gulat nang ibagsak niya ang menu sa table namin. Gulat akong tumingin sakanya. "Lagi mo nalang sinasabi na kasalanan mo. Lagi mong inaako kahit hindi naman talaga sana para sayo. You are just teaching her to be abusive to you and to others." Nakikita ko ang pagkakaubos ng pasensiya niya. Napaiwas ako ng tingin at hinayaan na lang sa gusto niya. Halos napatingin din ang ibang costumer dito pero yumuko nalang ako at hindi na inalintana ang mga taong samin ang sentro sa oras na ito. We've been in a relationship for 1 and half years. Very considerate niyang tao at lagi niya akong inaalala. He have been in many relationships but our relationship is more different according to him, kasi nagagawa niya daw mag effort and even magsacrifice at gawin ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa noon. He respects me either kaya sa tagal namin ay wala pang nangyayari sa amin compared to some couples now a days. Kiss? We kissed but just a peck. He is my first boyfriend and I have even promised to myself that he will be my first and last. But as the days go by, sometimes promises meant to be broken if you did not take care of it. Natapos kaming kumain at hindi na bumalik sa Mall kundi dinala niya ako sa main office niya. He let me sat on his couch in front of his table at dumeretso siya sa swivel chair niya at umupo at inasikaso ang mga naiwan niyang trabaho. Hindi ko na siya inimikan simula nang magalit siya kanina. Pangalawang beses palang siyang nagalit sakin ng ganun kaya instead na salubungin ko ang init ng ulo niya, mas pinipili ko nalang na manahimik. "Coffee?" Offer ko at agad siyang nag angat ng ulo at tumingin sa akin. Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Tumayo ako at waring tutungo na sana ako sa small kitchen niya nang maramdaman ko ang kamay na pumulupot sa bewang ko. Napaigtad at biglang kinabahan ako sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pagdantay ng mukha niya sa balikat ko at bahagyang nilapit ang labi sa leeg ko upang maramdaman ang mainit na paghinga niya. "Sorry babe." I heard how sincere his words. Wala naman kasi sa akin yung kanina, mas pinili ko lang talaga manahimik kesa makipagtalo sakanya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulopot sa akin at dahan dahan ko tong tinanggal at hinarap siya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I understand. I love you Troy." Ngiti kong sabi. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi. "I love you too babe. I love you so much. I'll do everything for you, you know that." He looked at me with a sincere eyes. Unti unti niyang nilapit ang mukha sa akin and he give me a quick kiss where we usually do. Ang akala ko enough na yun pero lalo niya pinulupot ang kamay niya sa bewang ko at nilapit ako sakanya at hinalikan muli ako. He kiss me more sensual and passionately that I couldn't breathe at naitulak ko siyang hingal ako. "Why?" His forehead creases and looked more dissappointed. "Why did you do that?" I asked. "Babe, weve been a couple for more than a year and yet you're still not ready on this?" Saka ulit lumapit sa akin. Kinilabutan ako sa gusto niyang iparating. Napaatras ako at hinarang ko ang dalawang palad ko para pigilan siya. "Pinangako mo sa akin na gagawin lang natin ang bagay na yan pag kasal na tayo." Sumbat ko at nakita ko ang pagsimangot niya sa sinabi ko. "I can marry you now!" Seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko at inexamine ko ang mukha niyang kung talaga seryoso siya sa sinasabi niya. "Kailan ka pa nagdedesisyon ng basta basta?" Takang tanong ko. Kilala ko siya at alam kong mabusisi rin siya sa ibang bagay lalo na kung may kinalaman sa trabaho o magiging buhay niya. He looked at me with a serious expression. "Doon rin naman tayo pupunta diba?" He uttered with a serious tone. "I don't think if I'm ready for that. Alam mong may kapatid at ina akong binubuhay." Pag papaalala ko. "Alam mong kaya ko kayong tulungan. Sa pag aaral ni Kiko at sa pang araw araw na gamot ni nanay. I can give you everything pero mas pinapairal mo ang pride mo." His tone makes me more scared. "Hindi pride ang pinapairal ko. Gustuhin ko man humingi ng tulong sayo ayaw ko naman may masabi ang mommy mo. They even judge and called me a gold digger tapos gusto mong ikaw ang magbigay lahat ng pangangailangan namin? Sabihin natin na madali lang ang mga sinasabi mo but they emotionally killing me through their words. If you were in my shoes, mas maiintindihan mo ako Troy, but you were not." I bit my lower lip to prevent my upcoming sobs. Alam niya na hindi ako gusto ng mommy niya. Isang beses palang ako nakaapak sa bahay nila pero matalim na tingin at dila ang sumalubong sa akin. Kahit hindi sinasabi ng bunganga, nababasa ko sa mata na ayaw sa akin ng mommy niya and I even heard her saying one of her housemaid that I'm a gold digger. He knows my situation but he just let them pass at sinasabing matatanggap din daw nila ako balang araw. Lumapit siya sa akin na kita ang pagsisisi sa mukha. "I'm so sorry babe." Niyakap niya ako ng mahigpit at di ko napigilan ang sarili kong umiyak habang yakap niya ako. Sa totoo lang ay hirap ako sa sitwasyon namin. Ayaw kong sabihin sa ngayon sakanya patungkol sa tawag na natanggap ko. I need more evidence but hoping na sana nagkakamali lang ako. Sana hindi niya ako niloloko. Hapon na nang lumabas kami sa office. Quarter to 5 at masyado pang maaga para sa uwian namin sa trabaho ko. "Let me buy some groceries and medicines for nanay and kiko. Huwag ka nang kumontra." Ngiti niya ang he intertwined our fingers nang nasa loob na kami nang sasakyan. Ang isang kamay ay nasa manobela habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Siya parin yung troy na minahal ko noon hanggang ngayon. Hindi parin nagbabago yun. Pagkatapos namin maggrocery ay agad kaming tumungo sa park kung saan kami laging tumatambay habang kinakain ang paborito naming mga street foods. Lagi niya akong nirerequest na awitan siya since hindi daw siya biniyayaan ng magandang boses. "You know that's where I first fell in love with you." Ngiti niyang sabi habang pinapaalala niya nung una kaming nagkita sa isang birthday party ng isang barkada niya. Isa sa mga sideline ko kasi non ang umawit sa mga iba't ibang events like wedding, birthday party, at kung ano anong events. Kinuha kuha daw niya number ko non pero wala akong phone non kaya ang ginawa niya ay nagsulat siya. Yun ang unang ginawa niya para sa isang babae sa tanan ng buhay niya. Halos tinago ko lahat ng sulat niya sa isang kahon na lalagyan ng sapatos hanggang nagkaroon ako ng sariling cellphone na bigay ni Abby. Nakaupo kami sa benches ngayon habang kinakain ang mga pagkain namin. "Until now?" Biro ko pero napatawa ako nang makita ko ang panguso niya habang tumatango. Napatawa ako sa itsura niyang parang batang umasta. "Kindly sing my favorite song?" Sabay sinandal ang ulo niya sa balikat ko na lagi niyang ginagawa kapag aawitan ko siya habang nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. Nasasanay na ako sa ganitong ginagawa niya na kahit maraming tao na ang nakakakita sa amin ay hinahayaan ko na. Hindi naman nila kami kilala. (You and me by Julie Anne San Jose) I never knew I could feel like this. It's like anything is possible, it's something more than physical I never thought I'll never get to this. You swept me off my feet, now my life is complete Sinilip ko siya at nakita kong nakapikit habang may ngiti sa mga labi. I'll take all your imperfections, the crazy indecisions I'll fight for the right to love you I'm whole again because of you Sinandal ko ang ulo ko sa ulo niya at dinamdam ang mensahe ng kanta habang nakapikit akong umaawit para sakanya. You and me together.We'll keep the love alive You and me together.I know we can survive There's nothing we can't do We're stronger when we're two let's stay together And I'll dream that's me and you He tighten his grip on me and whispered "I love you so much babe." While his eyes closed. I never dreamed I can have you in my arms I'll never let you go We are body, heart and soul I never thought I'll ever get to this You swept me off my feet now my life is complete I'll take all your imperfections, the crazy indecisions I'll fight for the right to love you I'm whole again because of you You and me together.We'll keep the love alive You and me together.I know we can survive There's nothing we can't do We're stronger when we're two let's stay together And I'll dream that's me and you. We can survive... You and me together.We'll keep the love alive You and me together.I know we can survive There's nothing we can't do We're stronger when we're two let's stay together Let it be just me and you Let's stay together and I'll dream that's me and you Iniangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. "Thank you for everything babe. For filling the empty spaces in me. You've completed me. Please stay whatever happens." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong hinalikan. Ngumiti ako at tumango bilang sagot ko sa sinabi niya. "I'll hold on that babe." Yun nalang panghahawakan ko ngayon. Marupok na kung marupok pero mahal ko siya, sobra. Kakayanin ko lahat para sakanya. He give me a quick kiss and we left the park. Pagkarating namin sa bahay ay nag stay pa siya ng ilang oras bago siya umuwi. "Alam na ba niya?" Tanong ni Abby sa akin pero umiling lang ako. "Boba! Marupok ka rin girl. Kung ako sayo tinanong ko na yan para maliwanagan ang isip ko gabi gabi at hindi na umiiyak." Sermon niya. Siya kasi una kong pinagsabihan non pero wala akong sinunod sa mga sinabi niya kaya andito ako ngayon, sinesermonan na parang bata. Tutal parang ate ko naman na to kaya okey lang. "Ayokong magpadalos dalos. Malay mo may humiram ng phone niya nung time na yun o kaya prinaprank ako ng mga barkada niya." Mahilig din kasi manloko mga barkada niya kaya nagdadalawang isip din ako. "Bahala ka Carmella. Desisyon mo yan. Desisyon mong maging masaya, desisyon mo ring masaktan. Saan ka don?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam ang sagot. Bahala na kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Sana nga at mali ang iniisip ko. Sana... Kinabukasan ay maaga kong naipaglutuan sila nanay at nahandaan ng baon si Kiko. Maaga akong pumasok para makabawi man lang sa work ko pero napako ang tingin ko sa isang magandang babae na nakatayo sa harap ng department store na parang may inaantay. Lalapit na sana ako nang makita ko si Troy paparating at ang tingin ay nasa babae. Nakita ko ang ngiti ng babae ngunit kunot noong sinalubong ito ni Troy. Hinila niya ang babae at inilabas ito. Nakaramdam ako ng kaba at pagdududa. Muli ko silang sinundan ng tingin ngunit ang pag alis ng sasakyan niya nalang ang nakita ko. Nag iinit ang mga mata ko ngunit ayaw ko itong ipahalata sa mga katrabaho ko na ngayon ay nagsisidatingan na. Papasok akong parang wala akong nakita. Oo, yun ang gagawin ko. Tatanungin ko nalang mamaya sakanya. Pumasok ako na pinagtitinginan ng mga kasama ko na parang awang awa ang mukha sa akin. "Carmella. Okey ka lang?" Tanong ni Letty sa akin at ngumiti ako saka tumango. "Oo naman. Bakit?" Taka kong tanong. Parang bigla akong kinabahan sa itsura ng mukha niya. "Hindi mo pa ba nakikita?" Takang tanong niya sa akin. Lumingon akong lito sa sinasabi niya. "Ano ba ang dapat kong makita? Ano ba kasi yun?" Inip kong sagot. "Si... sir Troy kasi... balita sa social media na... " "Na?" Inip kong tanong. Ano ba kasi ang meron. "Na... engage siya isang modela na nagngangalang Valerie Lopez. Kanina lang lumabas ang balita pero naging mainit ito sa Instagram." Paliwanag niya. Para akong naestatwa sa kinaroroonan ko. Walang reaksyon ang lumabas sa akin. Parang namanhid ang pakiramdam ko. Lumipas ang oras sa akin na pinilit kong maging normal ang araw ko ngunit di ko napigilang humagulgol ng iyak nang mapadpad ako sa park kung saan ang huli naming pagsasama at palitan ng matatamis na salita. Sabi niya sa akin na mananatili lang ako sa tabi niya kahit anong mangyari pero magagawa ko pa ba yun kung engage na pala siya sa iba. Pinunasan ko ang mga luha ko nang maramdaman kong may tumatawag. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan niya. Hindi ko sinagot at pinatitigan lamang itong tumatawag hanggang mamatay at tatawag nanaman paulit ulit. Napahagulgol muli ako at binuhos lahat ng nararamdaman ko na kanina ko pa pinipigilan. Sana di ko nalang sinubukang mag mahal kung malabo naman talaga na maging kami sa huli. Para akong pinaasa ng tadhana at pinaranas lang sa akin magmahal ngunit sa iba naman pala mapupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD