Chapter 3

3163 Words
Bry POV Naalimpungatan ako nang may biglang dumagang kamay sa bewang ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot nito. "Hmmm" rinig kong ungol ng babae na katabi ko ngayon. "Let's sleep pa babe." Tiningnan ko ang relo sa bed side at 5:30 am palang. Bumangon ako at kinuha ang mga damit ko na nagkalat sa sahig saka tumungo sa CR. Paglabas ko ay nakita kong nakahiga pa ang babae. "You're leaving me here?" Antok na tanong ng babae. Pero imbes na sagutin ko ay tinapon ko ang pera ang sa harap niya at kunot noong sinundan ng mata niya. "What's this?" Tanong niya. "My payment." I saw how she widely smiled while counting the money I gave. "Okey! Thanks." She smirked. Iniwan ko siya at umuwi sa bahay namin. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan upang makapasok ako at sinara din ito ng dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay. 1 week na akong andito sa bahay dahil pinilit lang ako ni mommy na umuwi dahil darating daw si lola. I've been waiting for that day to come para makabalik na sana ako sa condo ko pero until now ay wala parin. Ano ba balak nila? "Kararating mo lang sir?" Gulat akong halos matulak ang vase na nasagi ng kamay ko sa tabi ng pintuan at buti nalang ay nasalo ko bago mahulog sa baba. Napalingon ako kay Manang Linda na nasa likod ngayon. "Shhhh, huwag po kayong maingay." Bulong ko at agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin at tumango siya. Dumeretso ako sa kwarto at binagsak ko ang sarili ko sa kama. Nakukuha ko na ang antok ko nang tumunog ang cellphone. Napamura akong kinuha yun dahil sa walanghiyang taong tumatawag. "This early in the morning Rian??" Inis kong sagot sa tawag niya pero narinig ko lang siyang tumatawa. "So how's the girl? Nag enjoy ka ba?"Pang aasar niya sa kabilang linya "Tumawag ka ba para tanungin yan??" Inis kong sagot. Nawala antok ko dahil sakanya ehh. "Babalik na si Brent dito sa Pilipinas and I'm sure that he will fix everything. Ofcourse, dapat advance narin tayo mag isip for their wedding." Pag iimporma niya. Oo nga pala, it's been 4 years din siyang nag antay at nagtiis na hindi nakasama ang mag ina niya. "Yah yahh, I'm still looking forward naman. Nakaready na mga songs ko don't worry." Dumapa ako at niloudspeaker ang phone ko saka nilagay sa gilid ko para marinig niya parin ako. "Nakakasawa naman kung ikaw lang lahat kakanta. Look for a partner Bry. Baka amagin mga songs mo pag ikaw lahat." "Sira ulo!" Singhal ko at narinig ko lang siyang tumawa. "Ohh sige at mukhang pinagod ka ng kasama mo kagabi" tumawa siya ulit. "Sira! Huwag ka nang tumawag sa akin!" Inis ko saka pinatay at tinuloy ang naudlot kong tulog. Nakuha ko na ang antok ko nang marinig ko ang katok sa pintuan. Kinuha ko ang unan at tinakip sa ulo ko dahil sa inis nang mga nang iistorbo sa tulog ko. Asar!! "Ikaw talagang bata ka!" Sigaw nang mommy ko sabay palo sa pwet ko kaya napaigtad at napabangon ako ng wala sa oras. "Mom!" Sigaw ko sabay hawak sa pwet ko. "Aba at sinisigawan mo na ako ngayon? Who taught you to shout at me ha? Ikaw talagang bata ka!" Sabay palo sa paa ko maski sa braso ko kaya agad kong kinuha ang unan para iharang sa kamay niya na mala kahoy sa tigas. "Mom, mom stop, please!" Pagmamakaawa ko. Wala akong laban sa mommy ko kasi mas tigasin pa siyang umasta kesa sa mga taong nakakaharap namin sa dating trabaho namin. "Saan ka nanaman galing at inumaga kang nang umuwi?" Sigaw niya at napahaplos ako sa mga parte ng katawan kong pinalo niya. "Galing ako kina Rian." Pagsisinungaling ko pero agad nanaman niya akong pinalo sa may binti. "Nagsisinungaling ka nanaman." Gigil niyang sabi. "Tumawag ako kina Rian at wala ka daw doon. Saan ka bang galing na bata ka!" Sabay hampas sa braso ko. "Aray! Sa kwan.. sa ibang kwarto." Palusot ko pero tama naman. Kwarto naman talaga agad ang makikita sa hotel na pinuntahan namin. "Anong ibang kwarto??" Galit nanaman niyang pinalo ang kamay ko. "Mommy naman, masakit kaya!! Okey lang kung hindi parang bakal ang kamay mo." Pamimilosopo ko pero papaluin na naman sana ako kaso umatras ako kaya hindi niya naabot. "Ikaw talagang bata ka. Kailan ka ba magtitino? Tatanda ka nang ganyan? Pag ito malaman ng daddy mo, bahala ka mag explain." Medyo pagkakalma sa sarili. Ngumisi ako. "Parehas lang naman kami ni daddy ehh." Bulong ko sa sarili ko. Lumingon ang mommy ko na salubong ang kilay. Ngumiti akong parang aso. "Sabi ko magpapaliwanag talaga ako kay daddy." Paliwanag ko. "Mamayang gabi dadating ang mommyla mo. She wants you to accompany her going to Ilocos for 1 week. Pack your things and make sure na pagdating mo dito matino ka na." Sabay lisan sa kwarto ko. "What the heck!! Ilocos?" hindi makapaniwalang sambit ko sa sarili. ... "Anong gagawin mo don" tanong ni Kyle habang nakavideo call kaming lima. "I don't know!" Inis kong sagot. "Malay mo magtitino ka na talaga don" sambit ni Leo. "Malay natin mahahanap na niya ang labidabs niya sa ilocos." Pang iinis ni Rian. "Kaibigan ko ba talaga kayo o ano?? Hindi ko ramdam care niyo ehh??" Reklamo ko. "Just follow them Bry, you will lose nothing naman" ani naman ni Brent. Hindi ko alam kung nakakagaan ba sila ng pakiramdam o lalong bumibigat ang pagtawag nila sa akin. "Thanks Brent, mas matino kang kausap talaga kesa sa tatlong ugok na yan." Sambit ko. "Siguraduhin mo lang na may ipapakilala ka na sa amin pagdating mo" aniya ni Kyle. "Nah!! Porket may Betty ka lang. Maghihiwalay din kayo. Walang forever!" Panunukso ko at nakita ko naman siyang tumawa. "Bitter ka lang Bry kasi wala kang kaforever." Tawa niya na kinakunot ng noo ko. "Umayos ka Kyle kung gusto mong maayos pa ang mukha mo sa kasal ni Brent." Sabat ni Rian. Oo nga pala. Kami nalang pala ang naiiwang single sa barkada. "I need to leave now guys." Paalam ni Brent. "Just inform us Brent when will your flight is. Okey?" Paalala ni Leo habang kita namin sa video call ang pag aasikaso niya sa anak niya. "Okey bro, bye" sabay leave sa VC. "Anak, andito na mommyla mo. Ayos na ba mga gamit mo?" Sigaw ni mommy sa labas. Nilock ko kasi para hindi agad sila nakakapasok. Napabuga ako ng hangin. "Opo!" Sigaw kong sagot. "Sunod ka sa baba. Huwag mong pag antayin ang lola mo." Sabi pa niya pero hindi na ako sumagot. "Goodluck bro! Galingan mo sa paghahanap" pang iinis ni Kyle. Masasapok ko na to, pasalamat siya at loptop ang kaharap ko. "Happy trip. Pasalubong nalang." Ani ni Rian. "Babae?" Pabirong sabi ko. "Okey lang basta maganda ang nasa loob... ng puso niya" sabay ngiting nakakaloko. Mga baliw talaga mga ito. "Pasalubong nalang para sa inaanak mo." Sabat naman ni Leo. "Sure, basta good girl ang Olevia namin ha? Huwag pasaway sa daddy niya." Pakikipag usap ko sa bata. "Yes tito. I will." She raised her right hand promising that she'll do it. "Good girl Olevia." I replied. "Ingat Bry." Sabi ni Leo saka inend call. Inayos ko na mga gamit ko saka linabas. Sa baba palang ay nakita ko na si mommyla na nakaupo sa sala habang kausap si mommy. Ngayon palang naiistress na ako sa pwedeng mangyari sa akin sa Ilocos. "Mom, yung trabaho ko pala..." pagsingit ko. "Nakausap ko na ang secretary mo at sinabi kong siya muna ang bahala." Paliwanag niya. "Sabi ko nga... na okey na." Sabay kamot sa ulo ko. Malay ko ba at ahead of time tapusin ni mommy lahat. Wala talaga akong takas dito. Lumapit ako kay mommyla saka humalik. "Mommyla, bumabata ka lalo. Are you taking something? Excercise? Or does someone courting you?." Panunukso ko. Tumawa lang ang mommyla ko at tumingin sa akin. "I knew you iho. Don't worry, hindi ako makukuha ng mga salita mo. Whether you like it or not, you'll go with me. We will visit our ancestral house there." Ngiti niya saka humigop ng tea sa cup niya at nilapag sa glass table. "Let's go?" Ngiti niyang tanong sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang kahit labag sa kalooban ko. Bumyahe kami ng halos sampung oras at nakarating kami sa Ilocos Norte at sa bayan ng Poblacion, Nueva Era. Namangha ako dahil sa mga nadaanan naming tanawin. Para kang dumadaan sa taas at gilid ng bundok at tanaw mo ang mga nasa baba na halos bukid at taniman ng mais, palay at iba't ibang tanim na pwede mong matanaw. Magkakalayo ang mga bahay at hindi masyadong polluted gaya nalang ng mga nadaanan namin bago kami makarating dito. "Di mo sinabi mommyla na taga dito ka pala." Sambit ko habang pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin. "Actually, ngayon lang ako pumunta dito iho." Ngiti niyang sabi at napalingon akong salubong ang kilay. "You mean?" Tumawa siya at namangha sa itsura ko. "This is your great great grand father and mother's hometown. My mom father's lived here during their childhood and when they gave birth to my mom, they transferred in Manila for their businesses. There, my mom met my father and got married and that's where we were born. We never visited this place until you came out. I've been dreaming about this place and now I've been stepping the land where we came from first." She still smiling like she's imagining something that makes her mood up. I sighed. I feel excited at the same time nervous. Don't know why but I'm enjoying roaming my eyes now. "We're here iho." Anunsyo ni mommyla. Nakita ko ang isang luma pero malaking gate na siyang pinasukan namin. Malaki ang bahay at kita ang karangyaan at kalumaan ng style kahit saan ko libutin ng mata ko. Halatang narenovate narin ang ibang parte dahil sa kalumaan pero kita parin ang ganda at old fashioned design niya. Alagang halaman sa bakuran at backyard patio and table sa may garden. How come at may ganito paring natitirang mga bahay sa panahon ngayon. Nilibot ng mata ko ang loob pagpasok at kinilibutan ako ng makita ko ang larawan ng mga great great grand father at mother ko. Hindi ba uso ang ngumiti at mag wacky at ganyan sila kaseryoso humarap sa camera? Medyo napangiti naman ako at sumunod naman sa modern design ang loob ng bahay. Atlist makakaluwag naman ako ng hininga at hindi ako babalik ng Manila na magmumukhang Old fashioned na din. Sayang naman ang minana kong kagwapuhan. "Welcome home Madam Imelda. Ako po pala Luzviminda, tawaging niyo nalang po akong manang Luz, ang taga bantay ng inyo pong tahanan at kaibigan po ng inyong ina. Matagal na po namin kayong inaantay at gustong makita." Tuwang sabi ng isang matanda na nasa 80's maybe. Kung hindi ako nagkakamali. Medyo bata bata pa naman ang mommyla ko at nasa 60's pa siya. "Ako din po. Nakwekwento nga po kayo ng aking ina at matagal ko na rin pong balak tumungo rito pero ngayon lang naharap. Kamusta po kayo dito?" Ngiting tanong ni mommyla. "Okey naman po kami dito madam." Magalang niyang sabi pero tumawa lang ang mommyla ko. "Huwag niyo na po akong tawaging madam. Maski ang aking ina ay hindi rin po papayagang tawagin akong madam." Ngiti niya. "Sige iha kung iyan ang gusto niyo." Magalang na sagot niya. Napansin ko ang nagsisidatingan pang mga kasama niya dito sa bahay. "Eto po pala si Carlito ang hardinero at tagapag alaga po ng bakuran. Si Amelita na anak ko po at ang apo ko na si Latina, kasama ko po silang nag aalaga dito sa bahay po ninyo at may bago pong pasok na ang pangalan po ay Carmella, siya naman po ang taga luto at ngayon po'y nasa bayan ngayon at namalengke." Ani ni manang Luz. "Nice to meet you all. This is my grand son, Bry Art Salvador. The only son of my son, Bryan." Ngiti niyang pagpapakilala sakin. "Hello po." Pormal kong bati. Pagkatapos nila kaming ipasyal at ikwento sa amin ang napakahabang history ng bahay na to ay dinala na kami sa aming mga kwarto. I have my own king size bed. Gray and black painted wall at couches sa gilid at kabinet. Ibinagsak ko ang sarili ko at agad kong nakuha ang tulog ko dahil sa pagod nadin siguro. Sampong oras ba naman nakaupo. Bigla akong nagising sa mga sunod- sunod na katok sa pintuan ko. "Sir Bry, kain na po." Tawag ni Latina kung hindi ako nagkakamali. Medyo bata kasi ang boses ehh. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Anim na oras din pala ako nakatulog. Bumangon ako at mukhang tamang kuha lang ng oras ng tulog ko at medyo gutom na din. Binuksan ko ang pintuan at tama nga ako. Yumuko ito sa harap ko. "Kain na po sir Bry, inaantay na po kayo ni madam sa baba." Magalang niyang sabi habang hindi inaangat ang ulo sa akin. "Ok. Thanks." Sagot at tinapik ko ang ulo niya saka tumungo sa dining area. "I like the food. Nasaan yung cook nito?" Tanong ni mommyla pagdating ko sa dining area at umupo sa tabi niya. "Naku, umalis din po siya. Hindi po siya stay in po dito dahil may ina at kapatid rin po siyang inaasikaso at trabaho po sa gabi. Actually, kinuha po namin siya para maging cook habang andito po kayo at di naman po ako nagkamali sa pagtanggap sakanya dahil nagustuhan niyo luto niya." Tuwang sabi ni manang Luz. "Let me meet her some of this days if she's not busy." Sabay subo ulit sa pagkain. "Swerte ng magiging asawa niya kapag nagkataon." Ngiting sabi. Kumuha din ako ng kanin at ulam at sumubo. Ninamnam ko ang lasa at tama nga si mommyla, masarap nga ang pagkakaluto. Sumubo ulit ako hanggang naubos ko ang nasa plato ko. Kumuha ulit ako at di ko namalayan na naubos ko ang nahaing ulam namin. Napansin ko rin na nakangiting pinagmamasdan din pala ako ni mommyla na kumakain. "Masyado ba akong gwapo mommyla?" Ngisi ko at ininom ang juice. "Oo apo, kulang na nga asawa at apo sa tuhod ehh." Tuksong sabi niya na kinabuga ko ng juice na ininom ko na maski sa ilong ko ay may lumabas din. "Anong kinalaman sa kagwapuhan ko ang asawa at apo mo sa tuhod?" Reklamo ko habang pinupunasan ko ang bibig at damit kong nabasa. "Aba, aanhin mo ang kagwapuhan mo kung walang aangkin at magmamana diyan apo. Bilis bilisan mo habang malakas pa mga tuhod kong humabol at makipaglaro sa mga apo ko." Medyo mataas na boses at medyo may pang asar din na tingin sa akin saka tumayo at naglakad papuntang sala. Napailing ako sa iniisip ni mommyla. Wala pa isip ko ang makipag asawa pero kung gusto naman niya ng apo ay madali naman gumawa, wag lang munang asawa at ayaw ko pang matali. Pagdating ng hapon ay dumeretso kami sa Farm ng pamilya namin. Hindi lang pala taniman kundi may mga alagang hayop din pala dito gaya ng baka, kambing, manok at mga ibang hayop na pwedeng pangkakitaan. "Gaano mo sila pinagkakatiwalaan dito mommyla?" I curiously asked. Ngayon lang siya nakadalaw pero kung titingnan ang Farm parang naalagaan at natutukan dahil mas lumawak pa daw ito at umasenso. "100% apo." Ngiti niyang sabi habang pinapanood ang ibang trabahador na nagtratrabaho. Narito kami sa lilim ng punong nakaupo at nilalanghap ang sariwang hangin sa paligid. "I knew then, but how about their shares? Hindi ba sila humihingi ng mas mataas na sahod since sila ang humahawak sa lahat?" Kunot noong tanong ko. Hindi naman sa wala akong tiwala pero sa ganitong kalawak ng lupain at negosyo dito, maaaring mang hingi rin sila ng mas mataas na makukuha galing dito. "Si Kuya Ador na ang bahala doon. Mas alam niya ang mas nakakabuti sa mga tauhan dito. I trusted him so much when it comes to this." Ngiting sabi ni mommyla. I gasped. This is she. Family friends din naman namin ang family nila mang Ador but I still don’t have the composure to trust others or someone else when it comes to business. Marami ang gahaman sa pera lalo na kung malaki ang kita. I don't have the right to judge but that's the reality now a days. Nakabalik kami sa bahay. Past 6pm at nakahanda na ulit ang pagkain. Naaamaze talaga ako sa kamay ng cook na kinuha nila. How come at ang sarap ng luto niya kahit anong putahe ang lutuin niya. Para tuloy akong nacucurious makilala ang babaeng yun kaso wala ehh. Ayaw pagsalubungin ang landas namin. Tumungo agad ako sa kwarto para magpahinga at dahil pagod sa maghapon ay agad ko namang nakuha ang antok ko. Dalawang araw na ang lumipas at namasyal at kung saan saan lang kami pumupunta. May mga nakilala din ako na kaedaran ko gaya ni Bricks at Jeloy na trabahador din pala sa Farm. "Gusto mong sumama samin mamaya sir?" Tanong ni Jeloy habang inaayos ang mga damong ipapakain sa mga baka. "Saan?" Tanong ko habang pinapanood ang mga ginagawa nila. "May malapit na KTV Bar dito. Doon kami minsan pumupunta kapag kailangan namin ng pampainit ng katawan." Sabay tawa ni Bricks. Ngumisi ako. Parang mapapa Oo ata ako sa yaya nila ahh. Kailangan ko rin ata. "Iinit ba talaga katawan natin diyan?" Tanong ko habang nakahalukipkip na nakaupo. "Oo sir. Sigurado akong iinit ang katawan natin doon." Sabay tawa at apir kay Bricks. Napailing ako. Minsan hinahanap nadin ng katawan ko yan. Mapasama nga sa sinasabi nila. Pagdating ng gabi ay sinundo nga ako ng dalawa at dinala ako sa isang KTV Bar. Kumunot ang noo ko dahil iba sa inaakala ko ang KTV Bar dito. "Naniniwala ka na ba sir na mag iinit ang katawan natin dito? Isang tungga lang sa beer na to iinit na ang katawan mo." Yabang niyang sabi sabay inom sa isang malaking basong beer na nasa harap niya. Nakasimangot lang akong nanonood sakanilang dalawa at paminsan minsan din na iinom pampawala ng inis. "Inaabangan ko rin yung magandang singer. Nalove at first sight ata talaga ako sakanya. Boses palang kasi maiinlove kana ehh." Sambit ni Bricks kaya medyo naintriga ako sa sinabi niya at inantay rin yung magandang singer na sabi niya. "Ako din, inaabangan ko rin. Taga dito rin pala sa lugar natin yun at kamakailan lang sila lumuwas papunta dito." Aniya naman ni Jeloy. "Ayan na siya!" Sigaw ni Bricks at agad naman akong napalingon sa isang babaeng umaakyat papuntang stage at umupo sabay hawak sa microphone. Para akong nakakita ng anghel na nahulog sa langit. That innocent face and dazzling smile that catches my attention makes my hard heart soften. "What's her name again?" Tanong ko. "Carmella sir, Carmella Gail Santos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD