Chapter 1

1018 Words
Thana's POV "Umalis ka na ritong bruha ka! Masyado kang nagmamalinis pati asawa ko ere pinapatulan mo malandi kang babae ka puny*ta bw***t ka sa buhay namin." Sigaw ng landlady ng mga baboy ah este ng apartment na tinitirhan ko. Nagmukha tuloy siyang baboy ramo na hindi matae. May hawak pang walis at naka-pameywang na nakatingin sakin. "SAYO NALANG YANG ASAWA MONG KAMUKHA NI DAGUL PAKYO!" Sigaw ko pabalik sabay buhat ko sa mga gamit at lumabas ng apartment niyang kunti nalang tutumba na sa kalumaan. Pasalamat siya't naging tenant niya ako for nine months. Ako lang ang nagtiis sa bunganga niyang kulang sa aruga. Ang liit pa ng espasyo sa loob pero ang laki pa rin ng bayad kada buwan. Three thousand dapat wala pang palya. Pabagsak na isinara ko ang gate niya't mabilis na sumakay sa tricycle na naka-abang dito sa labas ng apartment ni Aling Babing. Sobrang liit na nga ng binti ang laki pa ng tiyan. Idagdag mo pa 'yong asawa niyang talo si Majinbu sa kalakihan ng katawan. Nakakainis kung 'di dahil sa bwesit na Riang 'yon 'di sana nagka-lintik-lintik ang buhay ko. Eh ‘di sana hindi ako pinalayas sa apartment, bente pesos na lang 'yung natitirang pera ko ba't ba kasi hindi ako ipinanganak na mayaman? Wala na ngang ama't ina sobrang hirap ko pa. Maghahanap na naman ako ng trabaho. "Miss byotipol wear you stop?" Ay lintik kung maka english si manong talo ang english teacher ko. Mapapasubo pa yata ako sa englishan nito. Masiyadong dumadami na yata kalahi ko. "Manong ama here, ama here! Stop hear I will am I will ano," Tang-**a kanda bulol pa ako kaka-ingles. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. "You stop in hear, you 20 pesos," sabi niya sa akin habang seryosong nakahawak sa manibela. Akala niya siguro nagiging kamukha niya si Dao Ming Xi. "P-po? Me only bente? Oh, so cheap so cheap," kinakabahan kong ani. Delikado ang bente ko kung ganun. Wala na akong ibang pera. Kahit man lang dos nalang pang ice water wala. Lits**g buhay talaga. "Truth? Made it 50," seryosong ani niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Mahaba-habang pasensiya rin bago ko maintindihan. "Manong, I'm a liar make it 15." Ipinakita ko na ang pinaka-malaki kong ngisi sa kaniya. Baka sakaling ma-hook siya sa kagandahan ko. Haler! Ako lang to no, kamukha si Nichole Scherzinger. "You twenty-five it," sagot niya at tinaasan ako ng kilay. Sobrang attitude rin eh. "Kinse Manong," tawad ko baka sakali lang naman. "Twenty," pinal niyang sabi. Tang-**a naman hindi talaga papatalo eh. "Sing----" "You limit the price I not big it. I small it for you. Its ending 20 pesos you," galit na ani niya. Akmang bababa na siya sa tricycle niya at kunot na kunot na talaga ang kunot na talagang noo niya. Kinabahan naman ako kaya ito kahit masakit sa loob bigay na lang. "Eto kinse, Manong wait lang kulang ng singko kukunin ko muna sa bulsa ko eh. I will get it," nakangising sambit ko kay Manong na ang galing mag-english kahit si Kris Aquino mano-nosebleed sa kaniya. "It's here manong I bigay it to you." Na sa gitna ako ng desisyong ibibigay ko ba ang natitira kong pera o tatakbo na lamang. Tinignan ko siya ng maigi at naawa naman ako sa mukha niya. "You are so welcome," malaki ang ngising ani niya at pinaharurot na ang tricycle niya gagong 'yun ah. Sinabi ko bang thank you? Hindi naman ah. Napatingin ako sa aking paligid at napatingin sa tirik na tirik na araw. Akala niya siguro matakot ako sa init niya, haler araw ka lang diyosa ako. Ano naman ang gagawin ko rito sa parke? Nakakita ako ng mini bench kaya umupo na muna ako. Opkurs hindi pwedeng mapagaod ang diyosa. Napahawak ako sa tiyan ko nang makita ang mga food stall. Nakakalaway 'yung mga turo-turo sa gilid. Hanggang amoy ka lang muna Thana. Ang bango nung fried chicken skin tsaka proben. Ang sarap siguro nun isawsaw sa sukang may lemon, sili, bawang, luya at sibuyas. "Tiis-tiis girl, wala kang pera amoy-amoyin mo na lang mabubusog ka rin," kausap ko sa sarili ko. Ni hindi ko namamalayang napapanganga na rin pala ako 'pag may sumusubo. Alam mo 'yung hirap na hirap ka na? Idagdag mo pa 'tong mga bagahe kong napaka-bigat. Kaunting damit, lumang kaldero at dalawang plato tsaka isang mangkok at pares ng kutsara't tinidor. Mahirap ba ako? Siguro naman sobrang ipinangangalandakan ko na kung gaano ako ka hirap para makumbinsi kitang mahirap pa ako sa daga. Ultimo piso wala ako. Wala akong perang naipon, ayun na tapos na ubos na. Na-scam lang naman ng punyetang Ria na 'yun. Ang sabi niya sa akin ang five thousand ko magiging twenty thousand. Eh ako itong gipit na gipit kailangan ng pera kaya kumapit naman agad. Nakita ko namang may mga papeles chuchu. Nagbabaka-sakali ring lumaki ang pera ko. Tapos malaman laman ko nalang ni-raid na 'yung napagpay-in-nan niya ng pera ko. Inaway ko, tapos ngayon siniraan ako kay Aling Baboy este Babing na naniwala naman agad. Maryosep 'yung asawa niya na lang? Kahit ilang beses akong ipanganak sa mundo hinding-hindi ako papatol dun. Mamatay man, mas mabuti pa talagang mamatay na lang kesa makipagrelasyon sa asawa niyang kalapit ng katawan ni Majinbu. Haler, I'm not like that. "Bibili lang ako anak ha umupo ka muna riyan," ani ng babaeng may kasamang anak at pina-upo sa tabi ko. "Okay ma," sagot nito sa matinis na boses. Tiningnan ko ang batang may hawak na biscuit. Nginitian ko siya pero inirapan lang ako. Ang sarap pa naman ng biskwit niya. Sky flakes safe na safe talaga ang tiyan sa gutom para hindi sikmurahin. "Bata pahingi naman ng biskwit mo," nakangiti kong ani at inilahad ang palad ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. Lin**k na. "Bili ka sa'yo," sagot niya. "Kahit isa lang sige na maganda ka naman eh," panunuyo ko. "Alam ko namang maganda talaga ako, huwag ka nang mam-bola," sagot niya sa akin at kinagat ang isang piraso. Napanganga na rin ako. "Oh, sa'yo na 'yan. Nakakawala ka ng gana," inis na ani niya. Agad ko naman iyong tinanggap. Ilang sandali lang din ay dumating na ang ina niya. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD