"Mama kinuha niya po ang biskwit ko," umiiyak na ani ng bata sa ina niyang may bitbit na supot. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bata. Napaka-maldita talaga.
"H-hindi ah binigay mo kaya 'yon sa akin," ani ko at napalunok.
"Ano ka ba naman, ang tanda-tanda mo na nangunguha ka pa ng pagkain ng bata. Mahiya ka nga, tara na anak," galit na ani ng ina niya. Nakagat ko na lang ang labi ko sa inis. Ang sarap niyang tirisin at kurotin sa singit ng pinong-pino. Pahamak na bata iyon. Lumingon pa sa akin at binelatan ako. Dinilaan ko rin siya akala niya ha. Napa-upo ako ng maayos sa bench at naghihintay ng grasya.
"Ganito nalang ba palagi? Palagi na lang ako ang nagmamahal, nasasaktan at naiiwang luhaan?"
Diyos ko! Nakakagulat naman 'tong wierd na babaeng 'to. Ang taas na nga ng black niyang bestida mugto na ang mata ang gulo pa ng buhok. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga lovers dito sa park. Nakitingin na rin ako siyempre naman.
"Miss okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya mukha kasing kailangan na ng atensiyong medical.
Agad namang nanlaki ang mata niya at tumingin sa akin tsaka tinaasan ako ng kilay.
"May umiiyak bang okay pa rin ha?" Inis na sagot niya sa akin pabalik..
Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gaga eh, mabuti nga't tinanong ko pa siya. Napaka-swerte niya't natalsikan siya ng laway ko. Hello? Diyosa itong kaharap niya.
"Ang ibig kong sabihin okay ka lang ba, may masakit ba sa'yo?" Tanong ko sa kaniya at pinaikot ko ang mata ko saka ko siya tiningnan.
"Oo, merong masakit sa akin," lumuluhang sabi niya sa akin. Nakakaawa rin pala ang babaeng 'to. Pero mas kaaawa-awa ako walang pera, walang bahay walang pagkain. Ano na girl?
"Ano? Baka sakaling matulungan kita," ani ko kahit ang totoo moral support lang ang kaya kong ibigay.
"May mas sasakit pa ba sa break up?"
Umiiyak na tanong niya. Umupo siya sa tabi ko't suminghot.
"Alam mo, iyang mga nakikita mong mga mag jowa diyan? Maghihiwalay din 'yan," buong pait na ani niya sa akin. Ramdam ko ang pagka-bitter niya. Inisa-isa eh.
"Mabuti lang 'yan sa una, pag may hiningi sa'yo na ayaw mong ibigay break agad," sumisinghot-singhot pa ring ani niya.
"May pera ka riyan?"
Tanong niya sakin. Umiling ako dahil ang totoo walang-wala rin ako. Kung namo-mroblema siya sa pera paano na lang ako?
"Pareha tayo, sige alis na ako," paalam niya. Pipigilan ko sana siya pero ayun nakatalikod na. Napaka-weird na babae bahala na walang pera uy. Huwag lang makipag-usap sa 'di ko kilala. Napakislot ako nang may maramdamang nag-v-vibrate sa bulsa ko. Tumatawag si Ishmel. Ang aking dakilang ex.
"Oh bakit?" Yamot kong bungad sa kaniya.
"I heard you got kicked out of your apartment are you okay?"
Napairap ko sa narinig ko sa kaniya. Gandang pambungad nakaka-bwesit lang.
"Na kicked out na nga ako tinatanong mo pa kung okay lang ako? Eh kung sipain ko yang bayag mo tingnan ko lang kung makakasabi ka pa na okay ka bw**it."
Naiinis na sagot ko. Eh sino ba kasing sinto-sinto ang magtatanong ng ganun. Siyempre siya lang napaka-insensitive.
"Thats a very rude answer of you, Than. Wait for me babe I'm coming. Since you don't have any place to stay, then I'll convince my brother to let you stay in the mansion."
Nosebleed ako roon ah si, Ishmel Roosevelt 'yun kaklase ko sa isang subject sa university na pinag- aaralan ko. Ex ko siya na masiyadong mahangin pero totoo rin naman kasi he's hot, mayaman,matalino at higit sa lahat mabait. Na sa kaniya na nga lahat pero hindi siya 'yung tipo ko ha. Alam niya ang lahat tungkol sa buhay ko tsaka usap-usapan din na gwapo raw ang kapatid niya na nag-adopt sa kaniya baka 'yun tipo ko. Loka-loka ayoko sa gurang noh. Ang ganda ko pa naman. Okay mukhang ako lang ang natatawa.
"Uh, okay maghihintay ako rito bye," sagot ko at agad ko namang ini-off ang cellphone ko. Siyempre ano pang gagawin ko rito? Hintay ang mayora. Ang swerte pa ng init ng araw at nakahalik sa mala-porcelana kong kutis. May mangilan ngilan ring nakatitig na mga tao sa akin tuwing dumadaan. My gosh! Iba na talaga ang level ng ganda ko nakakapagpatigil ng tao.
"Kawawa naman 'yan," rinig kong ani ng isang matanda habang napadaan sa gilid ko at awang-awa ang mukha na nakatingin sa akin. Nagsalubong naman agad ang kilay ko.
"Siguro pinalayas 'yan ng asawa niya baka nagloko. Ganiyan talaga kapag mahilig mangabit."
Rinig ko namang ani ng tatlong ale sa likod ko. Malakas ang hinala kong ako ang pinag-uusapan nila. Nilingon ko sila at nginitian. Tama nga ang hinala ko ako ang pinag-uusapan nakatitig sakin eh.
"Ano pong problema niyo sa akin mga,
Lola?" Tanong ko sa kanila at nginitian ng malapad.
"Wala ineng, ipagdadasal naming nawa'y mapatawad ka ng Diyos sa iyong nagawang kasalanan," ani ng matanda sa akin. Naumid yata ang dila ko at hindi ko makuha ang sasabihin.
"Salamat po, sana po ay ipagdasal niyo ang mga sarili niyo dahil matanda na kayo. Hindi iyong nagchi-chismisan kayo sa likod ko," nakangiti ko pa ring ani.
"Ang sa amin lang naman ay mapabuti ka," sagot ng isa pang matanda.
"Salamat po, kung nakakabuti po ang panlilibak ninyo sa kapwa pagpalain nawa kayo," nakangiti ko pa ring sabi.
"Hindi naman kami nanlilibak, nagsasabi lang kami sa kung anong nakikita namin," katwiran pa ng isa.
"Ano po ba ang nakita niyo?" Tanong niya rito. Ininguso ng tatlo ang kaldero niyang nakabuyangyang. Napaka-linis walang bahid ng kanin.
"Napalayas po ako sa apartment na tinutuloyan ko dahil wala akong pambayad. Dalaga po ako at single," nakangiti kong ani.
"Okay na po ba? Matatanda na po kayo hindi na bagay ang manlibak. Pumunta na lang po kayo sa simbahan at magdasal. Hindi iyong dinadasalan niyo ang buhay ng iba," ani ko plastik na nginitian nila ako. Kahit saan ka talaga magpunta may mga chismosa. Naglaro nalang ako ng soduko sa cellphone kong 3310 napakaluma na nito. Pinaglumaan na ng ilang henerasyon.
Tbc
Zerenette